Panaginip lang ba?

113 4 0
                                    

Chapter 6

kring...kring...kring

Nagising ako sa tunog ng Alarm clock,kaya matapos patayin pupungas pungas na tumayo ako para bumangon at tumuloy na sa banyo para maligo.Almost 1hr na akong nasa banyo bago ako lumabas at nagbihis ng damit,nakaharap ako sa salamin habang nagsusuklay ng buhok.
Nakasuot ako ng 3/4 na damit na hindi gaanong fit sa katawan na tenernuhan ko ng skirt na hanggang  tuhod ang haba,isinuot ko na din ang eyeglass ko at pagkatas matuyo ang buhok sa blower ay ipinusod ko na ito.
here I go again,kelangan na namang magtiis sa mapangutyang mga tao sa UNIVERSITY na pinapasukan ko,kelangan na ding kumilos ng gaya ng dati seryoso at bihira kung ngumiti.Hindi naman sa napakaseryoso kong tao pero kung kayo siguro ang nasa kalagayan ko magiging ganito
din yung attidude nyo.Halos wala ngang gaanong kumakausap sakin maliban sa Bestfriend kong si KC dahil ayaw na ayaw ako ng mga taong halos araw-araw ko ng nakakasalamuha dahil daw sa pananamit kong pang old fashion kaya para daw akong alien na naligaw sa Earth.
"out of this world" daw ako kaya maraming nagtataka kung bakit ako napasok sa school na yun.Buti na nga lang laging nanjan ang Bestfriend ko para sagipin ako sa mga nanlalait sakin na walang magawa kundi pagdiskitahan ako.

Pagkababa ay tumuloy na ako sa dining area para kumain ng breakfast dahil siguradong magagalit ang Mama ko kapag di ako nag almusal bago pumasok.Alagang alaga ako ni Mama kaya halos wala akong ginagawa sa bahay kahit naman kasi ipagpilitan ko pang gumawa ng gawaing bahay
hindi din naman papayag si Mama dahil nga pagud na daw akong mag-aral sa school kaya dapat hindi na lang daw ako magtrabaho sa bahay at mas maiging gawin ko na lang ang mga school works ko.

"Mama,pasok na po ako ah."
"abay tapos kana bang kumain?"
"opo Ma"
"oh,yung baon mo wag mong kalimutan ha."
"opo Ma,alis na po ako."sigaw ko ng nasa tapat na ako ng pintuan palabas ng bakuran namin.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep na hindi kalayuan sa bahay namin.Kunti pa lang ang nakita kong mga pasahero kaya medjo matatagalan pa akong makarating sa UNIVERSITY,mabuti na nga lang at lagi akong maaga kung pumasok kaya ayos lang kung maghihintay pa tong mama ng pasahero.
Pagkalipas ng mahigit 15mins ay napuno na din ang sinasakyan kong jeep at umandar na nga ito habang tahimik lang kaming mga nakasakay sa loob.
Nang bigla akong mapatingin sa may harapan ng jeep kung saan may isang familiar na lalaki na nakaupo katabi ang Driver.

"teka san ko nga ba nakita tong lalaking to?"nag-isip ako habang inalis ang tingin sa lalaki at bigla uling lumingon at nag-isip uli at "ting" tama sya yung nakabungguan ko,Deo nga pala pangalan nya nuh."Ang gwapo talaga nya lalo na kapag sa malapitan mo sya titingnan".sabi ng isip ko.
Sandali bakit naman ang isang lalaking tulad nya na gwapo eh nakasakay sa jeep?obvious namang mayaman sya kaya nakakapagtaka namang sasakay sya sa jeep.Hay,naku may mga tao talagang mahirap maintindihan kapag ako ang mayaman di na ako sasakay ng jeep ah pero sa kasamaang palad
eh hindi kami mayaman kaya Jeep ang bagsak ko.

"Anu ba yan andami ng pumapasok sa isip ko,hmft kilala pa kaya nya ako?"naisip ko at tumingin muli sa kanya pero ng mapadako ang tingin ko sa rearview mirror ng jeep ay huling huli nea akong nakatingin sa kanya.
Feeling ko ang pula pula na ng mukha ko habang nakatingin padin sa kanya kaya bigla kong iniiwas ang tingin ko,hinding hindi na talaga ako titingin sa kanya PROMISE,hanggang makarating kami sa UNIVERSITY.Agad agad na akong bumaba para makaalis sa paningin ni Deo,halos takbuhin ko na ang
gate ng School para makalayo agad.Nang pakiramdam ko ay malayo na ako sa kanya,umupo ako saglit sa bench ng pathway para ikalma ang sarili.

"hai."sabi ng isang lalaki na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala dahil pagud sa paglakad ng mabilis.Nagulat na lang ako ng biglang nya akong hawakan sa balikat at tumabi sa kinauupuan ko,nilingon ko para malaman kung sino pero mas lalo akong nagulat sa nakita.

"huh.ikaw?"napalakas kong sabi na gulat na gulat. o_o
"hey,gulat na gulat ka ah..ayos ka lang ba?"
"ah,ahm...ako?"
"hahaha,yup ikaw nga dahil wala naman akong katabing iba maliban sayo."

Seryoso ba talaga to?parang hindi kasi eh,parang panaginip.
"eh,ah..ayos lang ako pagud lang ng kunti."medjo nagstummer pa ako
"bakit ka ba kasi nagmamadali at halos tumakbo kana kanina pagkababa mo ng jeep?"

Ano bang sasabihin ko sa kanya?hindi naman pwedeng sabihin kong dahil sa kanya kaya ako nagmamadali.(help naman jan AUTHOR oh di ko talaga alam sasabihin eh.)

(A/N-uyyy,walang damayan jan ah.kaya mo na yan LEIN.)
(ano bang Author meron sa kwento ko at di ata nag-iisip,haixt.)

"akala ko kasi late na ako sa 1st subject ko,kaya nagmadali ako pero mali pala akala ko."kabado pa ako ng magsalita nun.
"ganun ba,hmm..."
"bakit?"ako
"may I know your name?"
"huh,ah..Lein Nichole Saavedra."lito kong sagot.
"nice name,I'm Johan Deo Lee and you can call me Deo if you want."sabi naman nya na nakangiti pa at inaabot ang right hand nya.

Hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyayari kaya di ko agad naabot yung kamay nya kaya sya na umabot ng kamay ko sabay shakehands.
 "pleased to meet you Lein."
"my pleasure to meet you Deo".naiilang kong sabi pero nakangiti.
 
Wow,agad agad close na kami,hehe....naisip ko pero di ko pinahalata na kinikilig ako. *^_^*

"ayan Friends na tayo ah."sabi nya na nakangiti padin.
"ahm,sige."
"tara sabay na tayo."yaya nya sa akin kahit di nya pa alam kung anong Department ko.
Sabay na nga kaming naglakad habang nag-uusap at nakarating kami sa COed.
"Deo dito na lang ako ah."
"ah,educ ka pala...nice choice"
"oo eh,ikaw?"
"BSIT,cge pala Lein una na ko,till next time"nagbabaye pa sya bago tuluyang umalis.

Pumasok na ako sa ROOm namin at naupo na sa upuan ko habang nasa isip padin ang mga nangyari kanina.Salamat may bago na akong kaibigan bukod sa bestfriend kong si Kc and speaking of my bestfriend kadarating lang nya.
"good morning Lein."
"good morning din."nakangiti ko ding bati sa kanya.
"ang aga mo talaga lagi Lein,ayaw mo bang itry malate minsan.hehe"biro nyang sabi sakin.
"sanay na kasi eh."
"binibiro ka lang naman eh,to talagang best friend ko."sabay kurot sa pisngi ko.
Kapag andito na si Kc hindi ko maiwasang di tumawa dahil sa pagkajoker nito,kapag kasama ko sya malaya akong tumawa ng hindi nahihiya.Malaking pasalamat ko at binigyan ako ng DIYOS ng mabait na kaibigan at nadagdagan pa
ngayon.

my unwanted girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon