Aldrich's POV
Kauuwi lang ni Aldrich sa bahay nila kaya naman tuloy tuloy na syang pumasok sa kanyang kwarto para magpahinga."dahil sa babaeng yun nasira ang tulog ko kanina."
Nakakabadtrip talaga ang babaeng yun,akalain mong ako Si Aldrich John Chen na kinakikiligan na mga babae sa UNIVERSITY na yun eh inistorbo sa pagtulog at hinampas pa ng libro ng manang na babaeng yun.
Hindi man lang sya naapektuhan sa charm ko,sa pagkakaalala ko ng una ko syang nakita eh nakanganga pa sya ng makita ako at talagang napatunganga pa sya sakin nun pero kanina wala man lang reaction.
Kanina hindi ko naisip na sya yung babaeng hinampas ko nung monday na nakita ko syang tulog at sumisigaw na parang sinasaktan.naisip ko kanina "have we met before?she looks familliar"at ayun nga sea pala ang babaeng yun.
Humiga ako sa malambot kung kama at pumikit para matulog ng maisip ko uli ang babaeng yun."Bakit naman nya ako hahampasin nung libro/aklat,don't tell me naisip nyang kaya sya nagising sa pagtulog nya dahil hinampas ko sya."
Nakatulugan ko na ang mga isiping yun at nagising ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko,wala sa loob na binuksan ko ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumatok.
"Sir Aldrich tumatawag po yung isa nyong kabandmate."sabi ng maid habang hawak ang telepono.
"salamat po ate Minda,ako na lng po tatawag uli.Sino po kela Yohan,Deo,Gian at Monique ang tumawag?"
"si Sir Yohan po yung tumawag Sir."
"cge po pala ate,pakidala nalng po sa baba yang phone at maya ko na lng po tatawagan si Yohan."
Ano namang problema ni Yohan at napatawag?Naligo muna ako bago tumawag kay Yohan.
"bakit ka napatawag kanina Bro?"deretchong tanong ko.
"grabe ka Bro wala man lang bang Hello jan,agad agad tanong..haha"
"ayoko lang ng paliguy ligoy,so bakit ka tumawag ?"
"tatanungin ko sana kung nakauwi ka kagabi kaya lang wala ka kanina nung tumawag ako.San ka natulog Bro?"
"sa Library"walang gana kung sagot ng maalala ang nangyari kanina.
"Di nga Drich?yung totoo"
"hindi ako nagbibiro Yohan,sa sobrang lasing ko kagabi hindi na ako makapagdrive so I decided na magstay na lang dun at matulog."
"eh ano ba kasing problema mo at naisipan mong uminom?"
"as usual Yohan dahil kay Dad,umuwi sya kahapon ng gabi at pinatitigil akong magbanda."
"ano bang problema ni tito at ayaw nyang magkarun ka ng band?Wala namang masama sa band natin db Bro."
"ikaw nga problema Yohan,tumigil kana kasi sa panloloko mo sa mga babae baka mamaya nyan makarating pa sa Dad ko di na tlga ako makasama sa band."asar ko sa kanya pero totong bka di na ako makasama kapag nalaman yun ni Dad.
"Nagsalita ang di babaero sa banda,Ikaw nga ang nagpapaiyak sa mga babaeng nagkakagusto sayo eh."
"Yohan ang ipinagkaiba natin ako hindi pumapatol sa kanila at ikaw opposite ng akin,kaya ako walang magagawa kung iiyak sila dahil dun."
"haixt,cge na Drich kaw na tama..kahit kelan tlga panalo ka sa pang-aasar sakin."
"haha,buti naman at naisip mo yun,nga pala Bro praktis mayang 4:00 pm ah."