Chapter 8(heartbeat)

86 5 0
                                    


Nasa Library si Lein ng araw na yun at nagtatrabaho,nagaasist sya ng mga student na nanghihiram ng book.

"Miss,peram nga ng Book."

Nakayuko si Lein ng marinig ang Familiar na boses na yun,iniangat nya ang ulo para makita kung sino ang nagsalita at.

"IKAW"sabay pa naming sabi na medjo napalakas.
Dahil napalakas ang pagkakasabi namin may mga estudyangteng napatingin..sshhh.mahina kong sabi sa kanya.
"Ano ba yung hinahanap mo?"
"May Calculus Book bang available jan."sagot nito
"Meron,pafill-up na lang nito."sabay abot ko sa kanya ng maliit na papel.
Matapos nyang ifill-up inabot na nya sakin."cge punta kana dun."


ALDRICH POV

Nasa Library ako ngayon para humiram ng Book para sa calculus,hindi sana ako nandito kung nandito si Yohan eh.San ba kasi nagpunta yun?di ko tuloy alam ang gagawin ko rito.
Lumapit ako sa may Desk kung san may nakaupong babae na nakayuko.
"Miss,peram ng Book."
hindi ko alam kong kilala ko ba ang babae kaya nagulat ako ng tumingin sya sakin.
"IKAW"sabay pa naming sabi na napalakas kaya napatingin ang ibang mga estudyante samin. Pati ba naman dito makikita ko pa sya,Small World nga talaga siguro pagdating samin.
sshhh,narinig kong sabi nya.
"Ano ba yung hinahanap mo?"tanong nya sakin
"May Calculus Book bang available jan."
"Meron,pafill-up na lang nito."sabay abot nya sakin ng maliit na papel at matapos kung sagutan yung mga nakasulat dun inabot ko na sa kanya.

"cge punta kana dun."

Di man lang marunong ngumiti ang babaeng yun.naiinis na naglakad na ako para tingnan ang hinahanap.

"asan ba dito yun?"nakakainis antagal ko ng pabalik balik pero hindi ko mahanap ang Book na yun,niloloko ata ako nung babae eh parang wala namang Calculus Book dito.Anong malay
ko sa mga libro dito eh hindi naman ako nagpupunta dito para manghiram ng book bale ito lang yung 2nd time na napunta ako rito.Sa bahay lang kasi ako nagbabasa ng Book at naghahanap
ng mga ginagamit ko para sa mga subjects namin.Dahil inis na ako bumalik ako kung san nakaupo si Lein.

(yeah,alam ko na name nya remember in chapter 7 I ask Deo if he knows that girl.)

"hey,wala naman atang available na Calculus book"inis kong sabi sa kanya.
Nag-angat uli ito ng tingin at nagsalita."Meron pong available dun kung marunong kang maghanap at magbasa makikita mo yun."sarcastic na sagot nya.
Napahiya naman ako sa sinabi nya ng biglang tumingin ang isang lalaki na nagsusulat ng kung ano dun sa maliit na papel na gaya ng binigay ni Lein sakin kanina.Pinigil ko ang inis sa babae kahit halatang inis na inis na ako dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat eh yung napapahiya ako.

 "tingin mo babalik ako dito kung may nakita ako at Ms.Oldmaid marunong akong magbasa huh."
"sandali lang pu ah."sabi nya dun sa lalaki.
"sumunod ka sakin."sabi nito at naglakad.

Nakarating kami sa medjo gilid na may nakatayong book shelve na di nalalayo ang taas sakin.

"Ayan oh.nakita mo ba yang nakasulat jan?Dito mo makikita ang Calculus Book na hinahanap mo."naglakad ito uli at naghanap.


Leins POV

Nakakainis na lalaking yun,pati paghahanap ng book hindi pa magawa parang hindi estudyante dito arrg sarap sipain.
Inabot ko yung Calculus book ng makita ko,pero dahil sa mas mataas yun sakin hindi ko maabot kaya tumikli ako para makuha ang aklat ng biglang may.

"Ahy,kabayo ka.."gulat na gulat kong sigaw at biglang tinakpan nya yung bibig ko.
"Umayos ka nga,abutin mo na lang Book at ng maibaba na kita,at please hindi ako kabayo di hamak na gwapo ako sa kabayo nuh."mahina nyang sabi

Kinuha ko nga yung Book na kelangan nya at ng maibaba na nya ako at alisin ang kamay sa bibig ko bigla kong inihampas sa kanya ang book na hawak ko.

PAAAK....

"Ouch..how dare you.ahyst."gigil na sabi nya sakin pero hindi malakas dahil naisip pari siguro nyang nasa Library pa kami.
Nagulat man ako pero hindi ko pinahalata,ayaw kong magpatalo sa lalaking to.
"Ambastos mo,bakit mo ginawa yun?"galit ko ding sabi na nasa mahinang boses.
"Ikaw na nga tinulungan ikaw pang galit."
"Kahit na hindi mo dapat ginawa yun,sinabi mo na lang sana sakin na ikaw yung kukuha nung book para umalis ako."
"aba,malay ko bang ganun pala gusto mong gawin ko."
"nakakainis,Manyak ka.hmft."sabay talikod at naglakad na pabalik sa kinauupuan nya kanina.
 
* * * *
Ako tinawag nyang manyak,as in PERVERT...kapal na mukha ng babaeng yun.Pipili naman ako ng mamanyakin hindi isang gaya nya na wala man lang atang maipagmamalaki sa katawan.
(pero hindi ako manyak ah).
Binibigyan mo ako ng rason para turuan ka ng leksyon ah.Nakaalis na si Aldrich ng Library ng maisip ang bagay na yun.

"I'll teach you a lesson Ms.Lein Nichole Saavedra"

LESSON YOU WILL NEVER FORGET.

* * * *

Kanina pa ako nakahiga sa kama ko pero hindi talaga ako dalawin ng antok,simula ng nangyari yun kanina sa Library halos di na ako makakain,paulit ulit yun sa isip ko.Feeling ko nga kanina habang nagtatrabaho
sa Library wala na ako sa sarili ko.Nakakainis naman kasi angl Panget na lalaking yun bakit ba kasi nya ako binuhat?bakit pa nya kelangan takpan ang bibig ko gamit ang kamay nya.
Panget ka ansarap mong sipain,bugbugin tapos isalvage o kaya naman ilibing ng buhay.sigaw ko habang nakahiga dahil hindi naman ako maririnig ni mama sa kabilang kwarto.

Ahy,sorry po.Bigla kong sabi habang nakatingin sa taas ng kisami,nagkakasala tuloy ako dahil sa kanya at kung anu ano ang naiisip ko.Para tuloy akong sadista nito eh.
Hinawakan ko yung bibig ko na para bang andun padin yung kamay nya,Yay...bakit ganito?pumikit ako at umiling iling para mawala sa isip ko yun.

Pero parang nang-iinis din at nagrewind ang mga nangyari sa Library kanina.

Inabot ko yung Calculus book ng makita ko,pero dahil sa mas mataas yun sakin hindi ko maabot kaya tumikli ako para makuha ang aklat ng biglang may.

"Ahy,kabayo ka.."gulat na gulat kong sigaw at biglang tinakpan nya yung bibig ko.
"Umayos ka nga,abutin mo na lang Book at ng maibaba na kita,at please hindi ako kabayo di hamak na gwapo ako sa kabayo nuh."mahina nyang sabi.

Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko kanina,hindi ko alam kong naramdaman nya yun ng buhat nya ako kaya para matakpan ang naramdaman kong kaba pagkababa nya sakin ihinampas ko sa kanya ang hawak kong Calculus Book,para akong hinabol ng aso sa bili ng tibok ng puso ko.

Back to Present

Bakit ganun yung naramdaman ko?Asar talaga yung Aldrich na yun,from the moment na nakilala ko sya ginulo na nya isip ko.Arrg..

Kelangan ko na talagang matulog,may pasok pa ako bukas eh.
Pagsapit ng alas dos,dun lang ako dinalaw ng antok.

my unwanted girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon