Thanks GOD its Friday ^_^
Makakapagpahinga na naman ako.sabi ni Lein sa sarili habang naglalakad papunta sa Department nila.Mabuti na lang nagising padin ako ng maaga kahit na puyat dahil sa kakaisip sa Panget na lalaking yun,hmft buti na lang lumapit si KC sakin kaya natigil na ako sa pag-iisip sa ALDRICH na yun.
"Lein patulong ako sa Report ko ah,cge na Bestfriend...pls!"pa cute na sabi nya.
"sure,ikaw pa..malakas ata sakin ang Bestfriend ko,pero wag ka ng magpacute jan at mukha ka ng pusa.hehe"pabiro kong sabi kay KC.
"ang bait talaga ng Bestfriend ko."sabay yakap sa akin.
"san bang subject yang Report mo?"
"Sa Assessment,tulungan mo lang ako sa explanation kasi hirap i_explain nung iba eh."
"cge,sakin na muna tas bigay ko sayo maya."
"Thank you talaga Lein."
"Uy,may kapalit yan ah KC..gusto ko ice cream."pabiro kong sabi.
"haha,sabi ko na nga eh ice cream gusto mo,sige treat kita maya."
Madalas kasing ako ang inililibre ni KC kapag kumakain kami pero kapag ako naman ang may pera ako ang nanlilibre sa kanya kaya lang mas madalas na sya ang nanlilibre sakin.Businessman kasi Papa ni KC at Teacher naman Mama nya kaya CERTIFIED PAUPER ako sa UNIVERSITY na to.
Nang makita naming dumating na ang Prof nagsitahimik na kaming lahat at nagsimula na syang magdiscuss.
AFTERNOON
"Lein kinakabahan ako,baka batuhin ako ng hard question ni SIR eh"
"kaya mo yan KC,tiwala lang and Focus para di ka mamental block."
"hala,naiihi na talaga ako."
"haha,ang OA mo talaga KC,parang di ka nagrereport sa ibang subject eh."
"eh,kakakatakot naman kasi mukha ni SIR eh pangkontrabida."
"hay naku,napansin mo na naman mukha ni SIR...just do your best and I'm here to help you...AJA"
"yeah,AJA AJA."
Dumating na si SIR.
"whos the Reporter for today?"
"SIR"sabay taas ng kamay ni KC.
"YOU may start now."
Natapos ang subject namin at ang Report ni KC ng maayos.Mabuti na lang hindi nya nakalimutan ang mga sinabi ko sa kanya na magfocus lang kaya naman naging maganda ang Flow ng Report nya.
"grabe di ko talaga inakala na magiging maayos yung Report ko,Thank you talaga Bestfriend."
"hay naku KC unlimited kana ah...kanina ka pa salamat ng salamat jan eh."
"basta salamat talaga sa napakaganda kong Bestfriend at napakabait."
"Halika na nga hatid mo na ako sa Library."hinila ko na sya.
Nakarating kami sa Library at hindi din nagtagal si KC sa loob kaya umalis narin sya dahil naghihintay na yung Driver nya sa labas.
Nagpatuloy na ako sa ginagawa ko nang mapansin ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang mesa."anong ginagawa ng lalaking yun dito?"nagtataka talaga ako kung bakit sya nandito.