AYUMI'S POV
"S-Sigurado ba daw siya?" Tanong ni Kiel.
Tumango nalang ako. Kahit ako, hirap tanggapin na si Kiel ang ama ng dinadala ko. Siguro nga hinihiling ko rin na sana si Chiro nalang ang ama. Aish, nababaliw na ako!
Bumuntong hininga si Kiel. "I guess I have to break the news to Cy."
"Mahal mo parin noh?" Tanong ko sa kanya.
"Parang ganun na nga." Sabi niya.
"Bwiset, ibig sabihin rebound mo lang talaga ako? Sarap mong lunurin, alam mo yun?"
"Wag naman! Mawawalan ng gwapong tatay si Baby!"
"Nako, wag sanang mamana ni Baby ang pagka-hangin mo!"
Bigla kaming natahimik ulit. So eto na yun? Dito na magtatapos ang kwento namin ni Chiro? Dito na nga ba? "I'll take care of both of you, don't worry. Hindi ko tatakasan ang responsibilidad ko."
"Alam ko. Kilala naman kita eh." Nginitian ko siya sabay balik ng tingin sa langit.
Hindi ako nagsisisi kay Baby pero wrong timing kasi eh. May isang taon pa ako sa college. *Sigh*.
***
AUTHOR'S POV
Hindi na alam ni Kiel kung ano ang gagawin niya. Paano niya sasabihin kay Cy na siya ang ama ng dinadala ni Ayumi?
"Kiel, nandyan ka lang pala!" Yakap ni Cy kay Kiel mula sa likod.
Sa totoo lang, alam na ni Cy ang lahat. Sumunod kasi siya kila Ayumi at Yanna at narinig niya ang lahat.
"Kiel, Kisses ko. I love you." Bulong ni Cy kay Kiel. "Kahit anong mangyari, I'll always be on your side... Kahit na ikaw ang ama ng dinadala ni Ayumi."
Nagulat si Kiel sa narinig niya at humarap kay Cy. "A-Alam mo na?"
Ngumiti si Cy at tumango. "Ganun na nga at alam ko din na makikipaghiwalay ka sakin dahil ayaw mo akong masaktan kaya pinangunahan na kita. I don't wanna lose you again, Kiel."
"Cy..."
"I don't care kung kabit ang magiging tingin sa akin ng mga tao... Na ako yung hadlang sa pagbuo ng pamilya niyo. I want to be selfish. Ayokong ibalik ka kay Ayumi."
If you're expecting some hard-core drama, ASA. She's Cy Aquino, people. Punong-puno ng pride ang buong katawan niya at hindi siya maglulupasay katulad ng ine-expect niyo.
But she is hurting inside.
"Ako lang ang pwedeng makipag-break sayo, Kiel. You can't break-up with me." Ngiti ni Cy. "Sige, aakyat na muna ako sa kwarto. Mukhang kailangan mo pang i-process ang mga pangyayari. Goodnight, my love."
Hinalikan ni Cy si Kiel sa labi bago siya umakyat. Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at napahawak sa puso niya. "Kaya ko 'to." bulong niya sa sarili niya.
Sa kabilang dako naman, kaharap ni Ayumi si Chiro.
"After this trip, I don't want to see your face anymore." Malamig na sinabi ni Ayumi kay Chiro. "Si Kiel ang ama ng dinadala ko so there's no reason for you to be around anymore."
"Stop lying." Sabi ni Chiro. Kung malamig ang pagkakasabi ni Ayumi, mas malamig yung kay Chiro.
"I'm not lying, Chiro. Remember Zed, yung bartender? I met him and his sister. Sinabi rin nila sa akin na si Kiel ang ama." Sabi ni Ayumi. "Since hindi naman ikaw ang Ama, tinatapos ko na ang koneksyon natin sa isa't isa. Ayoko ng makita ka, ever." Lies.
Ngumiti naman si Chiro. "You're right, let's end everything."
Nagulat si Ayumi sa sagot ni Chiro pero ngumiti nalang siya.
"Let's not meet each other." Sabi ni Chiro. "and Let's forget about each other."
"And if one day we accidentally cross paths, let's pretend not to know each other." Masakit para kay Ayumi ang ginagawa niya but it's for the better. She wants Chiro to love a woman who can love him freely.
"Let's end everything with a Kiss." Sabi ni Chiro.
Chiro cupped her cheek and moved closer to her. He leaned forward and kissed her, slowly. He didn't want to end everything, neither did she. In that moment, neither of them moved. Neither of them breathed. They simply existed together.
Pero tinigil yun ni Ayumi. Ayaw na niyang ma-attach pa sa kanya si Chiro, ayaw na niyang saktan siya.
"So this is it... This is the end of us." Chiro smiled.
"Goodbye, Chiro. Thank you for giving me beautiful memories and I wish you the best in life."
***
End na ng Part 1. =)) Dalawang Parts itong Kwento. XD Goodbye Part 1, hello Part 2. :)) Sinadya kong hindi sabihin, AHAHAHAHAHAHAHA! XD But Yeaaahh~ End na ng Part 1. Magr-ready na ako para sa Part 2. :DDDDDDDD Mwah :*
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage From Hell
Romance[COMPLETE] Paano kung magising ka nalang ng isang araw at ikakasal ka na? Idagdag mo pa to, ikakasal ka sa isang OH SO HOT NA LALAKING SAKSAKAN SA KAYABANGAN AT KASAMAAN NA PWEDE NA NIYANG PALITAN SI SATANAS? Kayanin mo kaya? // Book Cover by Liorsk...