Chapter 30: 4th Month

41.3K 414 39
                                    

CASSY'S POV


"Cassy, tapos mo na bang i-finalize yung article?" Tanong ng Editor-in-Chief ng magazine namin.

"Sinend ko na yung file sa e-mail mo, check mo nalang." Sabi ko sa kanya.

"Thanks! Nga pala, nandyan na yung gwapo mong sundo." Sabi ni Roo.

"Nandyan na si Chiro? Ang aga naman ata." Tinignan ko yung orasan ko, 5:30pm palang ah. Usually 7 niya ako sinusundo eh. "Sige, aalis na po ako. Wala na naman po akong kailangang tapusin." 

Shinutdown ko na yung desktop computer ko at hinugot yung saksak. Kinuha ko yung salamin ko at inayos yung hawi ng buhok ko, nag-retouch na din ako ng make-up. Ang ganda ko talaga *O* Sinabit ko yung shoulder bag ko sa balikat ko at naglakad papunta ng elevator. 

Pagkadating ko sa ground floor, nakita kong nakatayo si Chiro sa harap ng malaking painting sa lobby na kakalagay lang kaninang umaga. "Aga natin ah." Sabi ko.

Humarap siya sakin at ngumiti. "I wanted to see you." Ayy, gumaganon? Wag ka namang ganyan, Chiro! Nakakapanlaglag panty eh ^///^ "Let's eat dinner." Aya niya.

Pumunta kami ni Chiro sa isang malapit na Restaurant dito sa Office. Steak ang inorder ko tsaka Mango shake kasi super init tapos siya naman Pasta tsaka Banana smoothie. Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin, may bigla akong gustong itanong.

"You've been doing this for 4 months. Tell me, should I stop expecting that one day you'll finally ask me to be your girlfriend?" Ang awkward nung tanong ko pero it's bothering me. Biruin mo naman, araw-araw kaming magkasama, we're sweet towards each other, we even kissed pero wala kaming relasyon. 

Kahit sinong babae ay maguguluhan sa kinikilos niya. "Do you want to eat dessert?" He said, avoiding the question. Napa-buntong hininga nalang ako. Bahala na nga.

Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad kami sa malapit na street market. Nang tumitingin-tingin ako ng mga paninda, napansin kong nakatitig si Chiro dun sa eiffel tower na binebenta nila. "Ang cute nung eiffel tower noh?" Turo ko. "Nakapunta ka na ba sa Paris?" I asked out of the blue. 

Pangarap ko noon palang na mag-model sa Paris at makapag-publish ng sarili kong libro tungkol sa pagiging model doon. I want to inspire people, I want them to keep believing in their dreams. 

"Huy.. usong sumagot." Tulala kasi siya masyado eh. 

"Hindi pa... Hindi pa ako nakakapunta ng Paris." Malamig niyang sagot. Ayan na naman siya sa pagiging taong yelo niya eh. "Tara na, ihahatid na kita pauwi." 

Pagkasabi niya nun, nauna na siyang naglakad. Bigla-Bigla nalang siyang natutulala sa isang bagay tapos magiging taong yelo. Sana mag-open up naman siya sakin... I feel useless. 

***

AYUMI'S POV 

"MOMMY! Ubos na yung Ice Cream!" Bungad ni Kinami nang sagutin ko yung tawag niya. 

"Agad? Kakabili ko lang ng 5 gallons ah!" Ang takaw naman ng anak ko sa Ice Cream T3T 

"I ate everything. Buy me more, pleaseeeeeeeee?" 

Ang hirap... Ang hirap magkaroon ng cute ng anak! "Give the phone to Papa." Para matapos na ang problema. 

"Hello?" Sagot ni Kiel.

"Bilhan mo si Kinami ng Ice Cream shop na malapit sa bahay. Yung gawa na para hindi na matagalan pa. Ipangalan mo sa kanya yung titulo. Charge it sa Savings ko. Bye." Binaba ko na yung tawag at binalik ang tingin ko kay Kuya Gabriel. 

"And as I was saying... Sa Sabado na ang 25th anniversary ng company at kailangan na ng listahan ng padadalhan ng invitation. May gusto ka bang i-invite?" Tanong niya.

And out of nowhere, bigla kong naalala yung nag-interview sakin. This event would probably benefit her. "Give me a copy of the invitation, I'll send it personally." Sabi ko kay Kuya.

"Are you finally opening your heart up to someone?" Pang-asar na tanong niya.

"Aalis ka o lilipad sa mukha mo yung takong ng sapatos ko?" Banta ko sa kanya.

"Oh, Kalma! Aalis na. Ipapaabot ko nalang sa secretary ko yung invitation bukas." Tumalikod na si Kuya at lumabas ng Opisina ko. Ako naman ay bumalik na sa trabaho ko. 'Di pwedeng magpa-ligoy ligoy. Isang maling desisyon lang, pwedeng mawala lahat ng pinaghirapan nila Mommy at Daddy. 

I have to stay focus. 

I have to stay on top because I'm still hoping that one day, he'll realize that he still loves me. And if that day comes, he'll easily find me... he'll easily find us. 

***

DEDICATED SA KANYA KASI GUSTO KONG I-SHARE SA INYO ANG BAGO NIYANG STORY. ACTION PO SIYA. KEKEKE~ CLICK THE EXTERNAL LINK. 

"MISSION:VIOLET" by LikeARocket

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon