Chapter 32: In those five years

39.7K 433 73
                                    

Five Years Ago

AYUMI'S POV

Everything's going as it should be. Ikakasal ako kay Kiel at mabibigyan ko ang anak ko ng isang buong pamilya. Ito naman ang tamang desisyon diba? *Sigh* 

"Anak, don't frown. Maglalabasan mga wrinkles mo niyan." Utos ni Mommy habang kinakabit niya sa ulo ko yung puting belo. "Hay, di ko inaakalang gagawin ko na naman 'to." 

Hindi na ako umimik. Pagkatapos kong ayusan, sumakay na kami sa puting kotse at dumeretcho sa simbahan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong tumakas at hanapin si Chiro. Pero hindi pwede. Hindi ako pwede maging makasarili. 

Papalakad na ako ngayon sa Altar. Biglang bumalik sa isip ko yung mga pangyayari noong ikinasal kami ni Chiro. Si Kiel ang hinahanap hanap ko noong mga panahong iyon. Ngayon naman na kasal namin ni Kiel, si Chiro na ang mahal ko. 

Nakita kong naka-tayo si Cy sa may pinto sa kaliwang bahagi ng simbahan. Kahit na malayo siya sakin, alam kong nasasaktan siya pero nagawa parin niyang dumalo. 

"Ayumi... itigil mo na 'to... Hindi ito ang gusto mo..." Pilit na sinisigaw ng puso ko. 

"Pero ito ang tama." Sumbat naman ng isipan ko.

Tama ang isip ko, ito ang tama. Kailangan kong bigyan ng buong pamilya ang magiging anak ko. Nang makarating ako sa dulo, nginitian ako ni Kiel at inalalayan niya ako paakyat ng altar.

Sinimulan ni Father ang seremonya hanggang sa makarating sa pinaka-nakakatakot na sandali. "If there's anyone who has a reason why these two shouldn't be lawfully wed, speak now or forever hold your peace." 

There was a part of me hoping that Chiro would come and stop the wedding but that would never happen. 

Napalibutan ng katahimikan ang simbahan. Lahat ay naghihintay kung merong tututol pero wala. "And we shall move o--" Napatigil si Father nang may narinig siyang tumatakbo papalapit sa altar.

"Father! Wait lang po!" Napalingon kaming dalawa ni Kiel at nakita naming hingal na hingal na tumatakbo si Zen. "Ayumi! Halika dito, bilis! May sasabihin ako!" 

Huh? Sasabihin? "Hindi ba pwede after nalang ng wedding?" tanong ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi sa mga bisita. 

"Ayumi, nagkamali ako." Nagkamali? "He's not him!" turo niya kay Kiel. 

*** 

CHIRO'S POV

"If there's anyone who has a reason why these two shouldn't be lawfully wed, speak now or forever hold your peace." Gusto kong tumutol pero para saan? Para guluhin ko ang kinabukasan ng magiging anak nila?

Sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar ito hanggang sa makarating ako sa airport. Kailangan ko munang lumayo sa kanila. "For New York, sir?" tanong ng staff sakin. 

"Yeah" Matipid kong sagot. 

*** ***

AYUMI'S POV

"It's a boy" Sabi sakin ni Aubrey. "Congrats, Ayumi." 

Kagigising ko lang dahil napagod ako sa pagde-deliver. Inabot niya sakin ang isang anghel na nakabalot sa kulay asul na kumot. Ang gwapo niya. Kuhang kuha niya ang ilong ng ama niya pati na rin ang labi. 

"If only your daddy was here to see you." bulong ko sa kanya habang buhat buhat ko siya. 

"What do you want to name him?" tanong sakin ni Aubrey. 

Gusto ko ng Japanese name din katulad ng samin ni Chiro. "Hmmm... Kinami, Kinami Yano." I can't give him Chiro's surname muna. I don't want him getting sad when he becomes curious. 

"Okay, I'll be heading out first." Lumabas na si Aubrey ng hospital room ko at naiwan ako kasama si Kiel at Kinami. Sinamahan ako ni Kiel na mag-baby clothes shopping ngayon at sumakto, nabutas ang water bag ko. 

Umupo siya sa tabi ko at tinignan si Kinami. "Kamukhang kamukha talaga siya ni Chiro. Kung hindi siguro pumunta si Zen nung kasal, magtataka ako kung anak ko ba talaga siya o hindi." 

Natawa nalang kaming pareho. "Kina... say hi to your papa Kiel." Inabot ko si Kinami kay Kiel para mabuhat niya. "Ganito pala yung feeling na sinasabi nila kapag unang beses mong nakita ang anak mo." 

"Hi Kinami." Bati ni Kiel sa kanya. "Wag ka magiging kasing hangin ng tatay mo ha." 

"Panalo ang Advice! Hahahaha!" 

*** 

CHIRO'S POV

Nagbukas ako ng facebook. Sa loob ng isang taon, ngayon lang ulit ako magbubukas. Tinignan ko ang profile ni Ayumi. Nanganak na pala siya. 

May mga litrato silang dalawa ni Kiel sa Ospital. Siguro nga, masaya na sila. Pinatay ko yung laptop ko at bumalik sa higaan. Masakit na naman ang ulo ko. 

***

YUN LANG! THE END. CHAROT. HAHAHAHAHA! :)) GUSTO KO LANG I-SHARE YAN~ KASI ELEMNIYENE~ MADAMING CONFUSED. 

KUNG HINDI NIYO PARIN NA-GETS. HINDI KINASAL SI KIEL AT AYUMI. ANAK NI CHIRO SI KINAMI. OH AYAN, WAG NANG TATANGA-TANGA. JK :D 

MEDYO NAASAR AKO DUN SA ISANG COMMENT. ANG TAGAL NA DAW NIYANG NAG-IINTAY NG UPDATE. SORRY, ATE, SORRYYYYY! AYAN, SAKSAK MO SA LUNGS MO. :P WITH LOVE. 

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon