Naalipungatan ako nang maramdaman kong nakatutok sa mukha ko yung maliwanag na araw. Agad akong napabangon mula sa kama at napatingin sa orasan. 4:23am. Hindi pala araw yun, lampshade pala. Nalipat ang tingin ko kay Yanna na natutulog sa kabilang kama. Panaginip lang pala.
Dumere-deretcho siguro yung tulog ko nung umiglip ako ng hapon. Akala ko pa naman totoo na. Napaka-paasa ng panaginip na yun. Sana binigyan manlang ako ng sign na nananaginip lang ako. Yan tayo e. Sabagay, ako din naman yung umasa.
Naligo na ako at nagpalit ng simpleng v-neck shirt at skinny jeans. Ayokong mag-shorts, malamig masyado dito sa Baguio para dun. Ayokong maging walking frozen popsicle stick. Binlow-dry ko yung hair ko dahil sisipunin ako kapag lumabas ako ng room at basa yung buhok ko.
Nilibot ko yung lugar at napadpad ako sa isang maliit na garden. "Haaay! Ang lamig lamig naman dito." Sabi ko habang nags-stretch. Kinuha ko yung S4 ko at kinunan ng picture yung garden. Ang ganda kaya! Pang-Instagram!
Nag-selca ako sa bawat sulok na pwede akong mag-selca. Aba, sayang ang beauty ko kung hindi magagamit diba? Nag-online ako sa instagram at inupload yung pictures ko with matching caption na "Wala eh, Maganda parin eh.".
"Maganda parin? Ikaw? Sinong pinaglololoko mo, Ayumi?" Tumalikod ako at nakita kong nakatayo si Cy doon na nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone niya. Naalala ko tuloy yung panaginip ko, akala ko talaga totoo na pero sa suot niya, halatang kakadating lang niya.
"You haven't changed a bit." Umiling ako.
"There's nothing more to change, Ayumi. I'm perfect in every possible way." Punung-puno parin ng hangin ang ulo niya. Sabagay, maganda naman talaga siya pero maganda din naman ako, mas nga lang siya. -___- Sakit sa bangs aminin.
"Push mo yan." Sagot ko.
Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako ng masama. "Kailan mo balak sabihin kay Chiro na anak niya si Kinami?" Tanong niya sakin.
"Soon?" Hindi ko talaga kasi alam kung paano ko sasabihin. I mean, Hello? Ako yung tumaboy sa kanya tapos sasabihin kong "Hi Chiro, sorry dati ha pero anak mo pala si Kinami. Tara tayo na ulit". Kaiyak.
"Tss, Walang kwenta." Iritadong sabi niya. Ayaw niya sigurong iniisip ni Chiro na si Kiel ang ama ni Kinami. Eh hindi ko talaga masabi eh!
"Sinusubukan ko naman ang hirap lang talagang humanap ng timing." Sabi ko.
"Why wait for the perfect moment? Can't you just choose any moment and make it perfect? Ayumi, Kaibigan ko si Chiro and I don't like the feeling na may tinatago ako sa kanya. It's either you tell him today or I'll tell him myself." Tumayo na siya at pumasok sa loob.
Bigla akong kinabahan. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Ngayon? Hindi ko pa kaya!
***
CASSY'S POV
I woke up early today. Monthsary kasi namin ni Chiro ngayon and I wanted to make a gift for him. While roaming around the resort, I came across a small garden. Simple lang siya pero what made it stand out ay yung mga nakatanim na red roses. Nakita kong nakaupo si Ayumi at Cy sa isang bench.
I walked towards them but immediately stopped as I overheard their conversation.
"Kailan mo balak sabihin kay Chiro na anak niya si Kinami?" I hid behind a tree and listened to the rest of their conversation. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Anak ni Chiro si Kinami but he doesn't know.
I knew something was wrong the moment I introduced him to Ayumi. The fact that he only smiles whenever she's around. Then yung rumor na nagkaroon ng ex-husband si Ayumi... Wow. Just, Wow. I've been played, how lovely.
He should've told me it was only a game then I could've showed him how it's played.
I found myself standing in front of his room's door. I want to end everything with him. As I was about to knock, the door swung open and I saw him all dressed. "Need something?"
"You're going out?" I asked.
"I wanted to have breakfast with you." Damn, I can't let this guy go. Chiro doesn't know that he's Kinami's father so I'm still in the game. I don't care what everyone will think but I won't let him go. Not now, Not ever.
"I was just thinking the same thing. Let's go?" Tumango si Chiro tapos sabay kaming naglakad papunta sa Function Room kung saan ise-serve yung breakfast buffet para sa company namin. I saw Ayumi walking towards us kaya agad kong pinulupot yung kamay ko sa braso ni Chiro.
"Good Morning, Kain na kayo habang mainit pa yung food." Nakangiti niyang sinabi pero sa braso siya ni Chiro nakatingin. Sorry Ayumi but I'm doing you a favor.
"Good Morning din, kumain ka na ba? Sabay ka na samin." I offered.
"A-Ah, hindi na. Kay Kuya Gab ako sasabay. Eat well, Bye." Iwas niya.
Hindi naman masamang maging selfish, diba?
***
Yan lang Kinaya eh. Sorry naman T^T Hahaha, maasar na kayo dali. Nga pala, Ang ganda ng bagong cover noh? *U* Gawa yan ni @Liorsky my Gandababes :* Salamat ng Marami, Ganda!
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage From Hell
Romance[COMPLETE] Paano kung magising ka nalang ng isang araw at ikakasal ka na? Idagdag mo pa to, ikakasal ka sa isang OH SO HOT NA LALAKING SAKSAKAN SA KAYABANGAN AT KASAMAAN NA PWEDE NA NIYANG PALITAN SI SATANAS? Kayanin mo kaya? // Book Cover by Liorsk...