Chapter 16: Calls, Revelations & Kisses

49.3K 531 16
                                    

CY'S POV

Okay, Kumpleto na ba mga kailangan ko? 

Tofu. CHECK.

Soy Sauce. CHECK.

Rice. CHECK.

Red and Black Beans. CHECK.

Radish Kimchi. CHECK.

Coleslaw. CHECK. 

Sabi nila, The way to a Man's heart is through his stomach. Kahit na minanyak ako nung baliw na yun sa Clinic, hindi parin niya ako iniwan doon. This is my way of saying thanks.

Nilabas ko yung Frying Pan at kung anu-ano pang kailangan sa pagluluto. I took korean cooking lessons in New York. Nakakasawa rin kasi ang take-out kapag inaraw-araw mo.

Nagluto ako ng Tofu seasoned with soy sauce, Rice cooked with Red and Black beans at Gumawa ako ng Korean Coleslaw. Hinanda ko sila with the Radish Kimchi. 

Pinuntahan ko si Kiel sa sala na kasalukuyang natutulog parin. Kawawa naman siya, ayaw pa naman nitong natutulog sa Sofa. Tinapik-tapik ko yung braso niya. "Kiel, gising na." Sabi ko.

"5 more minutes..." Sabi niya bago siya nagtaklob ng kumot.

"Wakey Wakey na, umaga na oh." Sabi ko.

"5 minutes nalang talaga manang..." Sabi niya.

Ano daw?! Manang?! What the Packing Tape?! "Hoy! Who are you calling Manang ha?!" Sigaw ko pero wala parin siya kibo. Ah ganun ha. >.>

*SNAP*

(O.O) <--- Siya

(^o^) <--- Ako

"ANUNG GINAGAWA MO?!" Agad na napatayo si Kiel kaya nahulog ako sa sahig. Napahawak siya sa namumula niyang tenga. Hahahaha! Ang cute niya mamula! Ang sarap pisilin ng cheeks. 

"Hahahaha! Ang cute cute mo talaga, Kiel! Let's eat na, breakfast is ready." Tumayo na ako at naglakad papunta ng lamesa. Hinilamos naman ni Kiel yung kamay niya sa mukha niya at sumunod na din papunta sa lamesa. 

Umupo siya sa upuan sa harap ko at tinitigan ang pagkain. "Ikaw ang nagluto?" Tanong niya.

Tumango ako. "Yup, wag kang mag-alala, masarap na akong magluto. Hindi yan sunog, promise." Hindi ako marunong magluto ng pagkain noon. Yung kanin, nagiging lugaw. Yung Fried Chicken, nagiging uling. Yung Adobo, nagiging Dinuguan. 

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon