Chapter 20: Vietnam

42.5K 481 23
                                    

AYUMI'S POV

Ang Ganda naman dito sa Vietnam! Sa Nha Trang kami kumuha ng apartment. Oo, Apartment dahil mukhang matatagalan ang uwi namin. "Chào buổi sáng! I am Zyle, your tourguide for your stay in Vietnam" Bati sa amin nung babae.

"Mukha siyang Pinay, Mimi." Sabi ni Yanna.

"Pansin ko nga rin eh. Hindi siya mukhang vietnamese." Sabi ko.

"Pinay nga po ako. Sabi po kasi nung Agency, mas madali daw po kung pinay din po ang magt-tour sa inyo para mas comfortable." -Zyle

"Yes! Hindi natin kailangan mag-english!" -Yanna

*PAK* Batukan ko nga. "Adik ka Nana!" 

"Aigooo~ Ang Brain cells ko naalog!" -Yanna

'Di ko na pinansin ang pagd-drama niya at hinarap ko si Zyle. "How about we visit cool places today then show us how to survive in Vietnam tomorrow?" 

"Sure thing!" Sabi ni Zyle.

***

CHIRO'S POV

1 WEEK LATER

It's been a week, damn it! Ni-hindi manlang siya nagparamdam! Hindi ba niya alam na may natataranta dito sa Pilipinas?! Kinontak ko halos lahat ng kaibigan ko na nasa ibang bansa para ipahanap siya pero wala paring balita.

"Chillax, dude! Papalitan ko yang mga Dr. Fish sa aquarium mo eh, gagawin ko yang shark." -Cy

Field Trip ng Course namin ngayon at nasa tagaytay kami. Ayoko sanang sumama kaso hindi daw kami makaka-graduate kapag hindi kami umattend lalo na kung walang matinong dahilan. 

"Kung ako sayo, hayaan mo nalang siya. Hindi naman siya umalis ng mag-isa eh, she's with Yanna. Wala naman sigurong mangyayari sa kanilang masama kung nasaan man sila." -Cy

Remind me again kung paano siya nakasama sa Field Trip namin? Tss. Ano kaya ang pinakain niyang gayuma sa mga prof namin para mapasama siya?

"Hindi ka ba nakikinig sa news?! May nag-crash na eroplano na papuntang Paris. Paano kung doon pala sila pumunta?!" Sagot ko sa kanya. 

*PAK* Sinuntok ako ni Cy sa braso. "Edi sana tinawagan ka na ng mga yun! Shunga ka ba?! Bahala ka nga diyan! Pupuntahan ko muna syota ko." 

Arghh! Ayumi, bumalik ka na! I don't think I can last another day without  you. 

***

AUTUMN'S POV

Isang linggo ng nawawala si Ayumi at Yanna. Isang linggo na ring stressed si Mikel sa kakahanap kung saan pumunta si Yanna. Nandito ako ngayon sa mansyon nila, dinalhan ko kasi ng lunch si Mikel at Gabriel. Specialty ko ang rolled eggs ^.^ 

Kahit na si Gabriel lang ang kumakain ng dala ko, ayos lang. At least naipapakita ko naman kung gaano ko kamahal si Mikel. Sabi nga nila, No Pain, No Gain kaya magpupurisigi akong makuha ang heart ni Mikel. Kakayanin ko lahat ng pasakit para lang sa kanya.

"Wala daw sa Seoul? Sige Pre, Salamat." -Mikel

Pagkababa niya ng tawag, may dinial na naman siyang number. "Yo Luke, is she there?-- She's not in Las Vegas huh? Thanks."

"Autumn, I think mas makakabuti kung umuwi ka muna. Mukhang hindi mo makakausap si Kuya ng matino ngayon eh. Masyadong busy kakahanap kay Yanna." -Gabriel

Nginitian ko si Gabriel. "Sige, babalik nalang ulit ako bukas. Bye!" 

***

GABRIEL'S POV

"Puta, wala din sa Japan." -Mikel

Binagsak ni Kuya yung cellphone niya sa lamesa. Stressed ang gago. "Wag mo na kasi silang hanapin. Kung gusto nilang magpahanap edi sana sinabi nila kung saan sila pupunta." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ka ba manlang nag-aalala kay Yanna o kahit kay Ayumi manlang?!" -Mikel

"18 na sila Kuya! May asawa na si Ayumi, kaya na nila ang sarili nila. Hindi naman tatanga-tanga ang dalawang yun." At alam ko din naman na nasa Vietnam sila. Connected kasi ang account ko sa banko sa account ni Ayumi kaya nalaman ko kung saan siya pupunta.

Kinontak ko din si Zyle para bantayan ang dalawang yun so there's nothing to worry about. 

***

Sorry Kung maiksi :) Hahaha! Yung next chapter kasi talaga yung mahaba. :> Don't worry, magugustuhan niyo yung next chapter, Sweaaaaarrrrrrrrr~~ XD 

Sa Saturday ako magu-update. :) Emeghed, Yung Dream Kpop Fantasy Concert T.T Wala akong ticket. Huhuhuhuhuhu. </3 /laslas *Talon ng Building*

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon