'Vien Pov'
Naawa ako kay Christi kasi kanina palang napahiya na siya, kaya kahit bawal bibigyan ko siya ng ideya kung ano ba talaga ang kalakaran dito.
Hawak ko ang kamay niya at hatak ko siya papunta sa lawa. Hindi naman palaging pumupunta si Kuya Allian dito.
"Aano tayo dito?" Nagtatakang tanong ni Christi habang nililibot nito ang mga mata sa buong paligid.
"Kanina, nakita mo naman na may kakaiba diba? Hindi mo sila kailangan batiin dahil wala silang pakialam. At kahit maging mabait kaman sa kanila wala lang yun sakanila, Christi wag kang masyadong mabait baka mamaya umaagos na pala ang sarili mong dugo."
"Ano? Hindi ko maintindihan Vien."
"Iba ang paaralan na'to, Christi ang totoo bumalik lang ako dito. Danas ko na lahat rito ang hirap, luha, laban at nilabag ko ang pinaka huling batas umibig ako Christi."
"So hindi ka newbie? Umibig? Kanino?"
Umiling ako sakanya at nag iisip ako kung sasabihin ko ba lahat."Oo hindi ako baguhan, umalis lang ako kasi akala ko yun ang tama pero hindi siya parin ang hanap nito e." Sabi ko at tinuro ang bandang puso ko.
"Sino Vien?" Halos mag maka awa na ito sakin.
"Hindi mo na kailangang alamin, ang higit na kailangan mo ay ang pamamaraan kung pano mabuhay dito."
"Anong parusa mo? Hindi ba pag nilabag mo ang isa sa mga batas ay may kapalit na parusa."
Bakit mo pa pinaalala Christi?!
"Ka-kalimutan ang lahat, pero ayaw sumunod ng isip at puso ko kaya bumalik ako dito."
"Pano?"
"Bakit ba ang dami mong tanong?! Hindi ba sabi ni kuya Allian wag maging matanong?"
"Ow... lumagpas na pala ako? Pwes hindi kita kailangan kasi kaya kong mabuhay ng ako lang!" Sabi nito at inirapan ako at naglakad na paalis.
Nakakairita!
Siya na nga tong tutulungan ayaw pa, bahala siya.
Dahil sa pagkabigla, nang hina ako kaya naupo muna ako sa ugat ng puno na nabungkal sa lupa. Nagulat ako ng biglang may magsalita sa ibabaw ng puno.
"Tsk...tsk... Iba siya Vien, ramdam ko yun matapang siya nakita mo naman diba?" Kahit diko na tingnan alam ko na kung sino.
Allen, ang pangatlo sa magkakapatid.
"Pero mahina siya sa loob, ayokong mahirapan siya."
Bumaba ito at lumapit sakin para magkaharap kami.
"Ayaw mo na umibig din siya ganon ba? Vien bakit ang damot mo? Hayaan mo siya buhay niya yon e. Live for your life not for others lives, alam mo buti nalang wala pa si kuya dito kasi babaha nanaman nang patay sa paaralan na ito."
"I don't care Allen, I love your brother kaya wala kang karapatan samin!"
"Oh... mahal ba yong iniwan at mas piniling kalimutan? Pinaglaban ka ni kuya Vien. Tapos ganon ganon lang yon? How dare you!"
"Ayaw sakin ng mga magulang niyo at kailangan ako ng pamilya ko!"
"Bakit ka pa bumalik? Para saktan nanaman si kuya? O para isa nanaman saming magkakapatid ang lalandiin mo?"
Nang gigil ako sa huling sinabi niya kaya sinampal ko siya at iniwan doon.
'Alvienn Pov'
Wala paring pinagbago ang paaralan na ito, madilim at malungkot parin. Anong aasahan ko kay Allian napaka walang silbi ng taong yon.