'Vien Pov'
Diko akalain na sa sobrang pagod ko ay inabutan nako ng tanghali, napasarap ang tulog ko. Ngayon lang nanaman kasi ako nakatulog ng ganito, na may kasama akong tao.
Buti nalang ang bait ni Kuya Allian, bumangon nako sa kama at nag inat-inat, at lumabas pagkatapos dumiretso ako ng kusina nagugutom na kasi ako. May nakita akong dalawang hotdog at dalawang sunny side up na itlog, may sinangag pa.
Siguro kay Christi to, kaya diko pinakialaman nagluto nalang ako ng iba at nagsaing, baka kasi magalit yon malay ko ba kung may balak pa pala siyang kainin yon pag nagutom siya. Mabuti na ang sigurado, ng maluto na lahat kumain nako at balak kong pumunta sa stock room.
Nagpupunas ako ng lamesa ng mapaisip ako kung nasaan kaya si Christi di ba siya nagugutom? anong oras na! Pero baka natutulog lang kaya hinayaan ko nalang.
Nang maayos na, nagpunta nako sa kwarto ko para maligo at para agad makabalik dito sa dormitoryo.
Halos kalahating oras akong nagbabad sa tubig, pakiramdam ko kasi ang lagkit at ang kapal ng balat ko. Pagkatapos kong maligo nagsuot lang ako ng black mommy jeans at white t-shirt, nagsuot nalang din ako ng flat shoes kasi ang lapit lang naman ng pupuntahan ko.
Nagsuklay at powder lang ako, pagkatapos kinuha ko na ang card ko at lumabas. Sakto naman at nasa sala si Christi kagigising niya lang ata, papungay-pungay pa ang mga mata niya.
Nagdadalawang isip ako kong magpapalam ba ako sa kanya o ano?
"May lakad ka?." Napinsan niya siguro ang damit ko kaya humarap ako sakanya at ngumiti.
"Ah.. oo sa stock room." Tumango naman siya akala ko yon na yon.
"Samahan kita, wait lang susuklay lang ako." Di na nito inantay ang sagot ko at basta nalang itong pumasok sa kwarto di naman siya nagtagal kaya ayos lang.
Naglalakad kami papuntang stock room, medyo malayo layo ng konti sa dorm namin, pero kaya naman. Kaso na iilang ako ang tahimik gusto ko yung kinakausap ako, di nga lang ako makapag kwento ng sobrang personal na bagay pero sinusubukan ko naman para fair sa kausap ko.
"Anastacia.. kung ok lang pwede magtanong?."
"Ok lang naman sakin, basta wag lang yung sobrang personal."
Tumango ito, naiintindihan niya naman siguro ang ibig kong sabihin.
"Bakit Anastacia Vien ang pangalan mo?."
"Diko din alam, basta yung Vien kay Mama nang galing."
Tumango ito.
"Pwedeng Vien nalang itawag ko sayo?".
Wala namang kaso sakin yun, kaso ang tumatawag lang sakin ng 'Vien' ay ang Pamilya ko, pero ok lang din naman sakin.
"Oo naman, Christi."
Ngumiti ito, at yun ang diko inaasahan napaka lambot ng kanyang damdamin, hindi siya nararapat dito. Mahihirapan at masasaktan lang siya, pero wala naman akong magagawa nasa paaralan ang pagpapasya kung kailan ka aalis sa paaralan na'to.
Diko namalayan na nasa harap na pala kami ng stock room, pumasok ako at si Christi naman ay nagpaiwan sa labas.
Konti lang naman ang kukunin ko at yung kaya ko lang dalhin, di naman ganun karami kaya nabuhat ko. Tumayo naman agad si Christi na nakaupo kanina sa putol na puno, naglakad na kami pauwi sa dorm. Wala na siyang tinanong o sinabi kaya napatingin ako sa kanya.
Okay naman ata siya, pero napansin kong parang ang putla niya di naman siya ganon kanina.
"Christi ok kalan.. g" diko na natapos ang itatanong ko ng bigla siyang nahimatay, nabitawan ko agad ang mga dala ko at agad inalo ang ulo niya sa may hita ko. Kinakabahan, natatakot kong hinimas ang noo niya, diko alam kung anong gagawin ko! wala akong alam sakanya kung anong dahilan bat siya nahimatay!