'Someone's Pov'
Pinagmamasdan ko ang magandang mukha sa aking harapan, nakapikit ang mga mata nito at halatang nasaktan ito sa pagkakahampas ng baseball bat kanina. Bakit ba siya nasa gubat na'to?
Habang sinusuri ko siya mula ulo hanggang paa, napatigil ako sa bandang tuhod niya merong malaking sugat don. Kaya ginamot ko yon, pambawi manlang sa pagkakahampas ko sakanya, magigising naman siya mayamaya.
Pagkatapos ng lahat, umalis nako at iniwan ko nalang siya sa ugat ng puno.
'Vien Pov'
Nasa bahay nako, pero sobra ang kabang nararamdaman ko. Wala pa si Christi, anong oras na?! Lagot nanaman ako kay kuya Allian. Habang nag iisip, bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa katok. Sino ang nasa labas? Si Christi? Nanginginig man pilit kong tiningnan sa maliit na butas na nakalagay sa pinto, ang kung sinong nasa labas.
Ang nakita ko lang ay isang babae, na may kahabaan ang kulot na buhok nito, hindi ganun ka taas. Maamo ang mukha nito pero may bakas nang kamalditahan.
Pero bakit siya nandito sa dorm namin? At gabi na, kumatok ito ulit, naiinis na ang mukha nito, kaya nagsalita nako.
"Sino ka? Bakit nandito ka?"
Nakita ko pa ang pagtaray nito.
"Look, ang lamig na dito sa labas at ang lamok. Papasukin mo muna ako!"
"Hindi pwede, hindi kita kilala at nasa batas yon ng paaralan."
"Fine, I'm Abien Giel Ortiz, sabi kasi ni kuyang pogi na masungit dito ang magiging dorm ko. Duh gusto ko lang naman mag aaral, so ano papasukin muna ako."
"Newbie? Dalawa lang ang kwarto sa dorm na'to at meron nang nagmamay ari non."
"Argh! Fine pupunta ako kay kuyang pogi at sasabihin ko kung gaano kasama ang ugali mo."
Umalis na ito at gulat ko itong pinagmasdan sa butas, baguhan? hindi ba sinabi sa kanyang ang mga batas? At kung anong panganib ang meron sa gabi.
Gabi!
Si Christi! Tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan, habang umiiyak, meron nanamang kumatok. Sumilip muna ako sa maliit na butas at agad agad na binuksan ang pinto.
Si Christi! Namumutla at halatang hinang-hina ito. Inalalayan ko ito papuntang kwarto niya at nailalagay ko palang siya sa higaan niya. Meron nanamang kumatok, hindi ko na tiningnan kung sino ang nasa labas basta binuksan ko na agad ang pinto at halos malagutan ako ng hininga nang makita kong sino ang nasa pintuan.
Alvienn!
Bakit siya nandito? Paano niya nalaman?
Kita din sa mga mata nito ang gulat at saya.
"Ano pong ginagawa niyo rito? Malalim na po ang gabi."
"Ang gabi ay mapanganib, at nakakatakot hindi ba?"
Naguguluhan man, tumango nalang ako at sumilay ang ngiti sa labi nito.
"Wala akong panahon makipagkwentuhan sa kung sino at labag ito sa batas. Kaya umalis kana!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at sinarado agad ang pinto.
Agad kong inasikaso si Christi, maputla at mabagal ang paghinga nito kaya nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin, saan ba kasi nagpunta ang babaeng to!
Napatingin ako sa orasan mag aalas- kwatro na ng madaling araw, hindi pa ako natutulog. Maputla at halos wala nang dugo si Christi, taranta at pagod ang bumabalot sakin. Paano ko siya dadalhin sa Clinic?
Maya-maya lang may kumatok nanaman, at laking tuwa ko nang makita si Allen, agad kong binuksan ang pinto.
"Allen, tulungan mo akong dalhin si Christi sa clinic namumutla na siya at mabagal ang paghinga." Tiningnan ako nito ng masama at agad na nagpunta sa kwarto ni Christi.