13

6 0 0
                                    

'Samuel Pov'

Isang buwan nalang, kailangan naming maipasa ang exam kaya nag aya si Abien sa Library para doon mag review.

Dahil late nga kami, marami kaming hahabulin at babalikan na pinag aralan na nila. Naupo ako sa katapat na silya ni Abien, hindi ko mapigilan ang di mapatitig dito. Kahit nakayuko at nagbabasa lang ito ay napaka simple lang at maganda parin.

Kung hindi lang ito natakot noon, kami na sana hanggang ngayon. Ayaw kasi ng mama niya na magpaligaw o mag boyfriend ito, kaya hindi nito pinansin ang pag amin ko at panliligaw.

"Samuel, hoy bakit nakatanga ka nanaman?" Natauhan ako sa sinabi nito kaya umayos ako ng upo at nagbasa na. Pero diko mapigilang silipin ito, nakakatawa kasi minsan kumukunot ang noo nito siguro hindi maintindihan iyong binabasa niya.

Nagulat ako ng bigla itong tumingin sakin at nahuli nanaman ako nitong nakatingin sakanya.

"Ano ba, kanina kapa naka tingin sakin! Anong meron sa pagmumukha ko?". Taas kilay nitong tanong sakin.

"Hindi kaya feeling mo naman." Palusot ko pero syempre si Abien na'to hindi to maniniwala.

"Sus, tulungan mo na ngalang ako dito." Nakangusong turo nito sa isang equation, natatawa kong kinuha ang libro at kumuha ng papel, ballpen.

"Mali kasi ang ginamit mong formula, kaya hindi ka makaalis sa equation na yan." Sabi ko dito ng matapos kong sagutan iyong equation at inabot sakanya.

"Eh, hirap naman kasi! Hindi na talaga makakalabas dito wahh." Pagdradrama nito, napairap nalang ako at nagbasa.

Halos pitong oras din kami sa Library, kung hindi pa nag aya si Abien na umuwi para kumain siguro hanggang gabi nandon lang kami.

Babalik na sana kami sa Library pagkatapos kaso biglang umulan ng malakas, kaya sinabi kong bukas nalang. Kaya nagsi pasok kami sa mga sari-sariling kwarto, natulog nalang ako ang sakit na kasi ng ulo ko.

'Christi Pov'

Kahit nasimulan ko ang mga lessons, wala! Wala akong natutunan o naintindihan andami ko kasing pinag-iintindi tapos halos tambay ako sa Clinic.

Kaya imbes na pilitin ang sariling mag review at magbasa, pinagmasdan ko nalang ang pagbuhos ng malakas na ulan. Bigla kong maalala na malapit na pala ang birthday ko, pero napasimangot nalang ako kasi mag isa akong magdidiwang non.

Naramdaman ko nalang ang pag unahan ng nga luha ko sa pagtulo, miss ko na talaga siya. Gustong-gusto ko na siyang makita at mayakap, siya lang ang kakampi at palaging nandyan para sakin.

Kung hindi lang sana ako sumama sa babaeng yon, wala sana ako sa kulungan na Paaralan na ito. Pero wala naman akong masisi kasi, hindi ko na siya nakita tapos tumakbo nako kasi may parang hayop na gusto akong lapain.

Naputol lang ang pagbabalik tanaw ko ng may kumatok, agad agad akong tumakbo at tiningnan kong sino ang nasa labas. Wala, wala naman kinakabahan kong binuksan ang pinto, napatingin ako sa sahig may kulay lila na papel. Nag aalangan man pinulot ko ito at laking gulat ko kasi invatation pala to.

To: Ms. Almero

You are invited to the party happening at Hermoso Lago, don't worry because that night will be fun and safe.

on Nov, 11...

From: Mr. Allian Jurino.

Party?

At bakit sa birthday ko pa mismo?

Gulat, pagtataka ang bumabalot sakin sa mga oras na ito. Ng biglang may kumatok nanaman dahan-dahan akong sumilip at wala nanamang tao.

Herbs High UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon