'Christi Pov'
Nakakapagtaka talaga si kuya Allen parang may kakaiba sakanya, at hindi siya maganda para saking pakiramdam.
Makakalabas nako sa Clinic mamaya, ilang araw din ang nilagi ko dito sa clinic napakaboring.
Puro tulog, kain lang ginagawa ko tapos ang weird kasi madalas ko nang makita si kuya Allian sa room ko tapos isasagot sakin napadaan lang.
Hinayaan ko nalang, sabi nga ni Vien nakamasid siya. Miss ko na si Vien asan na kaya siya? Hindi ko pa nga oala natatanong kay kuya Allian kong alam niya ba kung nasan si Vien.
Siguro pag pumunta siya dito saka nako magtatanong, napatingin ako sa may kamay ko. May bracelet kasi don bigay ni kuya Allen nakakapagtaka nga bat 'sis' ang nakalagay. Maganda naman gold siya pero ang gaan at pulido ang pagkakagawa, sabi ni kuya Allen wag ko daw tatanggalin to.
Kumusta na kaya si Papa? Sobrang tagal pa bago ako makaalis dito apat na taon at ilang buwan pa ang titiisin ko.
Bakit kaya ganon? Palagi akong binabangungot at namumutla, hindi naman ako ganon nong kasama ko si Papa. Tapos ngayon dito halos mamatay nako palaging nasa Clinic ang tanging alam ko lang sinabihan ako ni Papa Non na wag akong magpapadaig sa panaginip ko kasi maaring yon ang papatay sakin.
Naputol ang pag iisip ko dahil dumating yong nurse kasunod nito si Kuya Allian, kuya Allen.
"Christi, wag mo sanang balewalain ang pag sasabi ko na ingatan mo ang sarili mo kasi mahina ka talaga at maaring ikamatay mo ito."
Ikamatay?
Si Papa!!
Naluluhang tumango ako dito, ayokong iwan si Papa ako lang ang meron siya. Bakit ba nangyayari to sakin?!
"Tumahan kana makakasama sayo ang pag iyak, alagaan mo ang sarili mo." Si kuya Allian
Tumango ako at pinunasan ang mga luha, totoo nga kasi sumikip nanaman ang paghinga ko.
"Yong mga kasama mo nasa malaking dorm na sila, solo mo na ang buong dorm." Pagbabalita nito sakin tumango lang ulit ako para kasing nawalan ako ng boses.
"Halika kana, tulungan kita sa mga gamit mo." Nakangiting saad ni Kuya Allen kaya bumangon na din ako.
"Allen, ikaw na ang bahala sakanya marami pakong gagawin." rinig kong sabi nito at umalis.
Tumango lang si kuya Allen at humarap naman sakin si Kuya Allen at dala na nito ang mga gamit ko, kaya nagpalit nako at lumabas na kami.
Mabagal lang ang paglakad namin pero nakarating naman kami sa dorm, pina upo ako ni Kuya Allen sa sofa at ito naman ang kumilos sa bahay. Pinasok niya sa kwarto ko ang mga gamit at kinuhaan niya ako ng tubig.
"Ikaw nalang mag isa dito, kaya mo ba?" Biglang tanong nito nag aalala ba siya sakin?
"O.. opo sanay po ako, salamat po pasabi nalang din po kay Kuya Allian." Pinilit akong ngumiti gumanti naman ito at nagpaalam na aalis na.
At ako nalang mag isa malungkot sa pakiramdam, inilibot ko ang pangin sa labuan ng dorm na ito at huminto sa pinto ng kwarto ni Vien. Nasa may gilid lang ng pinto nakalagay ang susi nito, dahil binabalot ako ng kuryusidad kinuha ko ang susi nito at binuksan.
Madilim...
Pagbukas ko ng ilaw malinis lahat nakaayos ang mga gamit, pero napansin ko ang dalawamg notebook na nasa table niya kinuha ko ang isa at nakasulat sa cover nito ay ' My life '
Bubuksan ko na sana ang kaso may kumatok sa labas kaya agad agad kong ni-lock at lumabas.
Papel... nasa sahig