Christi Pov
Isang araw nalang magpapasukan na at ito ako ngayon nakatanga sa kwarto ko, nako naman kasi napaka tanga ko kasi bat kasi ako napadpad don sa garden na yon.
Nahihiya natuloy akong lumabas pero kung di ako gagalaw ay wala hindi ako nito makakapasok sa lunes, kaya napagdesisyunan kong kainin ang kahihiyan na nabubuo sa loob ko, ganun parin ang suot ko at ngayon sinigurado ko ng sa office ang tuloy ko.
Habang naglalakad ako ay namamangha ako sa lawak ng school na'to, like wow ang ganda at ang laki!!. Pinalilibutan ito ng malalaking puno ng mangga at may mga bulaklak din.
Kaso ang lungkot talaga para itong binabalot ng dilim dahil ang lulungkot ng mga mukha ng mga tao rito.
Hay parang may virus ng kalungkutan dito ano ba yan pangit naman nun!
Diko namalayan nakarating nako sa office, inayos ko muna ang sarili ko at kumatok medyo nagtagal bago bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang nasa mid 20s na babae maganda siya infairness kaso di siya nakangiti.
"Yes how may I help you miss?".
"Ahm I need somethings for my school in monday".
"ah pasok ka". Pagkapasok ko naglakad naman yung babae sa table niya ata, at may kinuhang papel at binigay yon sakin.
Tinaggap ko naman yun. "Isulat mo lahat ng kailangan mo dyan, at magpasign ka sa principal tapos magtungo ka sa stock room ibigay mo lang yan at ibibigay nila ang mga kailangan mo".
Tumango naman ako at gaya nga ng sabi niya ay pumasok ako sa pinto kung saan nandon ang principal, pagkatapos niyang mapirmahan ang papel ay nagpunta naman ako sa stock room, binigay ko lang yung papel at yung mga tao na nasa loob na ang bahala.
At ng makita ko kung gano pala kadami yung pinagsusulat ko ay bigla akong nagsisi ang bibigat pa naman nun, at ang layo ng dorm ko naku naman at mukhang uulan pa hayyy.
No choice binilisan ko nalang ang paglalakad para di maabutan ng ulan at salamat naman kasi nakarating nako sa dorm ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pumasok ako agad sa loob at pabagsak na binitawan yung mga dala ko, ang sakit kaya ng kamay ko! di pako nakakaupo ng may kumatok sa pintuan ko.
Sinilip ko muna sa maliit nabutas kung sino, ng makilala ko na si Mr. Allian lang pala ay binuksan ko ang pinto.
Dire-diretso naman itong pumasok sa loob, sinara ko muna ang pinto at sinundan ito. Nakita ko itong nakaupo sa kahoy na sala set at mukhang itong nilalamig, kaya agad akong tumakbo sa kwarto para kumuha ng towel at inabot iyon sa lalaki.
Tinanggap naman nito iyon at umupo naman ako sa kabilang upuan na kahoy, nagtataka parin ako kung bakit ito naparito, at di na ako nakatiis.
"Ahh... Mr. Allian bakit po kayo nagpunta rito? ang lakas-lakas po ng ulan".
"May sasabihin ako sayo, all you need to do is to listen first ok"
Tumango naman ako at tumango ito pabalik. "So mag isa kalang naman dito may magiging roomate ka, bago lang din siya at mukhang magkakasundo naman kayo kaya bukas na bukas welcome your roomate".
Gulat akong nakatingin sakanya, gusto kong magprotesta pero baka magalit siya bigla.
"Don't worry babae naman ang ka roomate mo, hindi lang ako sigurado kung mabait".
Ok na sana e kaso ito na nanakot na naman siya.
"Ahh ganon po ba? ok lang naman po sakin, safe naman po siguro dito sa loob ng bahay o sa kwarto?". Natatakot na ako pero ayoko namang magdamot.
"Safe at kung ako saiyo you must follow the rules, para mabuhay ka dito".
Nakakatakot ang tigtig niya para akong kinakapos ng hangin.