Samariya's PoV
A car engine started. Bigla kaming nagkatinginang lima at agad na pumunta sa gilid ng gusali para tumingin sa baba. Damn! They took our car! Cyrus didn't think twice and shoot the car with his shotgun but they got away already. Oh no! This is bad.
"What are we going to do now?" Akira asked worriedly.
Crap! Who are those people? Are they the one wrote these words? Anong kailangan nila sa amin? Wala naman kaming ginagawa sa kanila. Why are they targeting us? We all just wanted to survive in this apocalypse. Bakit kailangan pa nilang ipahamak ang iba gaya namin?
"The smoke that you saw was a bait," sabi ni Cyrus.
"Yeah, I know," I heaved a sigh. Ugh! I feel so stupid right now.
Out of frustration, I kicked the remaining woods that have been used to create the smoke earlier. What will happen now? We're trapped in this building and we lost our car. Paano na kami makakabalik sa gubat ngayon? Aish!
"Hey, calm down," sabi sa akin ni Gabriella dahil hindi ako tumigil sa kasisipa sa mga tirang kahoy.
"Don't worry, we'll get back our car," sabi ni Alexander kaya tumingin kami sa kaniya. "I put a white paint on the back as a mark," he added that made me arched my eyebrow.
Kinuha kong muli ang dalawang katana sa likod ko at tinitigan sila. "Then let's go get it back."
Madali kaming nakababa mula sa rooftop hanggang sa ground floor ng gusali kung nasaan kami kanina. Dala na rin yata ng galit ko kaya halos maubos ko na naman ang zombies sa loob. Well, at least I was able to let out my rage. Mas maayos na rin 'yon kaysa sa maipon lang ang sama ng loob ko dahil sa nangyari.
Gaya ng sabi ni Alexander tungkol sa pintura na inilagay niya sa likod ng sasakyan, sinundan namin ang daan ng papaalis na sasakyan kanina. Siguradong nakalayo na ang taong nanguha ng sasakyan namin at pwedeng nagtago na sila. Alam kong mahihirapan kaming mahanap 'yon pero kailangan pa rin naming subukan.
Habang naglalakad ay iniiwasan naming makipaglaban kapag may nakikita kaming zombie dahil mauubos ang lakas namin. Masasayang lang ang panahon namin sa pakikipaglaban at kami rin naman ang lugi dahil hindi agad sila mauubos. Hindi kami pumasok sa mga gusali dahil delikado, nanatili lang kami sa kalsada para kita namin ang paligid namin at madali kaming makakatakbo.
Ilang oras na rin ang lumipas, halos malibot na namin ang buong syudad pero wala kaming nakita. Dumidilim na rin dahil palubog na ang araw. Kailangan na naming makabalik sa gubat o kaya naman ay humanap ng lugar na tutuluyan namin ngayon dahil kung hindi ay baka pare-pareho kaming mamatay at maging kagaya nila.
"Let's go back to my warehouse," sabi ni Alexander na sinang ayunan namin. Iyon lang din naman kasi ang lugar na alam namin dito sa syudad. Nang makabalik kami doon ay agad kaming umupo sa kaniya-kaniya naming pwesto.
"Nagugutom na ako," sambit ni Gabriella na nakahawak sa tyan. Wala ng mga pagkain dito dahil dinala namin lahat noong nakaraan sa gubat.
Napabuntong hininga ako. "Kaya mo bang tiisin muna?" tanong ko at bahagya naman siyang tumango.
"It's dangerous outside. Hindi na natin alam kung anong meron sa labas. Hindi na lang zombie ang kalaban natin kundi tao na rin. Bukas na bukas ay babalik tayo sa gubat, magpahinga muna tayo sa ngayon," saad ko at um-oo naman sila.
Alam kong naintindihan nila kung anong sinasabi ko. Ayoko ring lumabas ngayong madilim na dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mga itsura ng nakita namin ni Alexander nang gabing iyon. Their eyes, it haunts me. Ayokong makita ulit sila. Nakakatakot.
BINABASA MO ANG
Refuge
Mystery / ThrillerHow did it happen? That's the biggest question that lingers in Samariya after seeing zombies that are scattered all over their place; the day that changed her life in an instant. Eager to survive, she set her feelings aside and went into the forest...