Samariya's PoV
"You know the Morph Organization?" Hindi makapaniwalang tanong ko pabalik sa lalaki. Does this mean they already encountered them?
Hindi niya ako sinagot at hinila nila kami papasok sa isang malaking bahay. Kung titignan mo ay parang walang kapahamakan sa labas ng bakod na humaharang sa buong bakuran nila. Para lang itong normal na bahay na pagmamay-ari ng isang mayamang pamilya.
Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang pitong tao pa, tatlong nakatatandang babae, dalawang dalaga, at dalawang batang babae at lalaki. Nilingon ko naman sa likod ang mga humila sa amin at nakita ang tatlong nakatatandang lalaki, apat na binata, at isang babae na mukhang medyo mas bata lang kay Alexander. Who are these people?
"Are they survivors?" tanong ng isang babae na may salamin at nakatali ang buhok.
"Yes, they were outside the barrier," sagot ng lalaki na nagtanong sa akin kanina.
"No marks?" tanong naman ng isang babae na nakalugay ang medyo kulot na buhok at tanging pag-iling lang ang sagot sa kaniya ng lalaki. Para silang nakahinga nang maluwag dahil doon. Huh? Ano bang pinag-uusapan nila? What marks? Bite marks from zombies or what?
"Uminom muna kayo ng tubig." Nagulat kami nang bigla kaming abutan ng tubig ng babaeng nakasalamin. "Siguradong marami kayong pinagdaanan sa labas, kung gusto niyo ay pwede kayong magpahinga muna," Nakangiti niyang sabi.
"No." Nagulat siya sa biglaan kong pagsagot kaya tinignan niya ang lalaking kausap niya kanina 'tsaka binalik ulit sa akin ang tingin. "We're from the forest in the South and we came here to look for survivors."
Nang sabihin ko 'yon ay parang natauhan sila. Inutusan ng babaeng nakasalamin ang dalawang dalaga na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay kasama ang dalawang bata. Alam siguro nilang mahalaga ang pag-uusapan namin kaya pinaalis muna sila.
"I think it's better to talk in the meeting room," suhestiyon ng babaeng maikli ang buhok at sinang-ayunan naman siya ng mga kasama niya kaya inakay nila kami papunta roon.
Isang mahabang lamesa at maraming upuan, para talaga kaming nasa isang pormal na pagpupulong. Umupo kaming lahat maliban sa lalaking kanina pa nagsasalita. Siguradong siya ang namumuno rito at siya ang may awtoridad. Kapag nakumbinsi ko siyang sumama sa amin, lahat ng kasama niya rito ay sasama rin. Malaki ang bilang nila kaya malaki rin ang maitutulong nila sa amin.
He cleared his throat, "I am Tiago Lopez and I am the head of this clan." I can feel his authority by the way he speaks. Change of plan, our objective now is to persuade him.
"We are the Lopez's, a clan of hunters," he added which made me stiffened. Clan of hunters...
"You said c-clan of hunters?" Nauutal akong napatanong sa kaniya pero hindi siya sumagot kaya nagtanong ulit ako, "Do you happen to know S-Samson?" This is hard for me to ask because I don't want to assume things, but I want to know if I'm right about what I am thinking.
"Samson?" takang tanong niya na napatingin pa sa babaeng nakasalamin.
"Y-Yes, Samson Torrenueva," Hirap na hirap akong bigkasin ang buong pangalan ni Papa. He told me once about the clan of hunters when I was young and maybe, maybe it's them.
"Who are you?" Naningkit ang mata niya sa akin. "How do you know him?" Nag-init ang mga mata ko at nagbabadya na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. So, he knew... he knew my father. They were those people that my Papa used to told me.
"I am Samariya Torrenueva, his daughter."
***
Kasalukuyan kaming nasa sala ng bahay nila at pinagpaliban muna nila ang dapat na usapan namin kanina. I found out that Tiago and my father were best of friends before until Papa decided to pursue being a Chemist, while Tiago was left pursuing Military.
BINABASA MO ANG
Refuge
Mystery / ThrillerHow did it happen? That's the biggest question that lingers in Samariya after seeing zombies that are scattered all over their place; the day that changed her life in an instant. Eager to survive, she set her feelings aside and went into the forest...