Samariya's PoV
A week had passed since the day we met the Lopez's clan, we're back at the forest but they stayed at the East side. Napag-usapan namin na mananatili sila roon para kahit papaano ay may matutuluyan kami kung sakaling magkaroon ng problema rito sa gubat. Mahirap kung nasa iisang lugar lang kami dahil hindi naman namin alam kung anong pwedeng mangyari.
Sa kasalukuyan, mas umayos na rin ang lugar na tinutuluyan namin. The hall is already finished, the rooms were upgraded, larger kitchen and dining area for food stocks and other resources, and we built stronger barricade around the place. Mas maayos nang tignan kumpara dati.
Ang sasakyan namin? Hindi na namin nakita pa pero nagkaroon naman kami ng bago na galing kina Tiago. Halos kapareho lang ng una naming sasakyan. Bago kami umalis sa kanila ay binigay nila sa amin 'yon para mas mabilis ang pagbalik namin sa gubat.
"How's it going?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Killian na kapapasok lang dito sa hall.
"Better than yesterday," sagot ko bago binalik ang tingin sa ginagawa ko.
I am creating a landscape for our place in this forest. Gusto kong ayusin pa ang lugar na 'to. If there's no life outside this forest or in the city, then I'll make one here. I want to create a safe place in the middle of this chaos. That's what I want to do right now.
"Hmm..."
"What? Don't 'hmm' me," I said and raised my right eyebrow. Tinitignan niya ang ginagawa ko at pakiramdam ko ay hinuhusgahan niya ito.
He took the pencil from me and started sketching. "It should be like this," he said, focused on what he's doing as if he's an expert. "I know what you're thinking, Samariya. Don't look at me like that," he added and smirked. So annoying.
For the past days, he never failed to annoy me. Ewan ko ba sa lalaking 'to, palagi niya akong pinupuntahan dito para tanungin kung kumusta ang ginagawa ko. Ayos lang naman noong una pero habang tumatagal ay naiinis na ako dahil nagiging makulit siya.
Ngayon lang din niya 'to ginawa, ang agawin ang lapis sa akin at mangealam sa ginagawa ko kaya mas lalong nakakainis. Wala ba siya ibang magawa kaya andito na naman siya? Bakit hindi na lang ang mga tao sa labas ang guluhin niya? O kaya naman ay kausapin niya si Wyzel na may gusto sa kaniya.
"There you go," he stated with a proud look on his face. I looked at what he did and... I am impressed. Jeez! How can he be so good at this? "Huwag kang masyadong mabilib, ako lang naman 'to."
"Ang yabang." Inirapan ko siya.
"Of course! I have the rights to because I cried hard to be this good."
"Really, huh?"
"Yes, really. After all, I am studying architecture before this apocalypse," he smirked. Tumaas na naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Bilib ka na naman."
"Ugh! Umalis ka na nga!" Asar na sabi ko dahil sa pagyayabang niya.
"Okay, okay," Natatawang sabi niya at naglakad na palayo. "But if you need help, don't be shy to call me..."
"Architect Navarro," he winked.
Binato ko siya ng lapis na naiwasan niya rin naman at tumatawang lumabas sa hall. Hindi ko alam na may ganito pala siyang ugali. Naaasar ako sa kayabangan at kahanginan niya. Not to the point that I am hating him tho.
Tinigil ko na lang ang ginagawa ko at sinubsob ang mukha sa lamesa. Napapagod na naman ako. Things are getting better but at the same time, it's getting harder to control. Habang gumagaan ay bumibigat din. Pressure is all over me again.
BINABASA MO ANG
Refuge
Misteri / ThrillerHow did it happen? That's the biggest question that lingers in Samariya after seeing zombies that are scattered all over their place; the day that changed her life in an instant. Eager to survive, she set her feelings aside and went into the forest...