Samariya's PoV
Walking like a zombie. That's how I describe myself right now. Para akong walang buhay na naglalakad sa gitna ng syudad at walang pake sa paligid ko. Hindi ko kayang iproseso ang mga bagay na narinig ko kanina. Para 'yong bomba na sumabog sa utak ko kaya ang gulo-gulo.
"Samariya?"
Hindi ko akalain na mapupunta ako sa teritoryo nila at makakausap ang pinuno nila. Now, I got some information about them, the Morph Organization, who's primary motive is to alter this city into a place that they wanted to have control over. Gusto lang nilang sila ang mamuno sa buong lugar na 'to. They're taking advantage of this apocalypse for their dirty work.
"It's her!"
They even asked me to join them, to be one of them which I don't want to happen. Ayokong maging parte ng isang pagbabagong wala namang magandang idudulot sa lahat at sila lang ang makikinabang. Hinding-hindi ako sasali sa kanila kahit anong mangyari.
"Oh my gosh! It's you!" Sapo-sapo ni Gabriella ang magkabila kong pisngi habang nakatingin sa akin ang mga nag-aalala niyang mga mata. They found me. "Where have you been?" tanong niya pero nanatiling tikom ang bibig ko at nakatitig lang sa kaniya.
"I think we need to go back to the forest first," sabi ni Alexander na sinang-ayunan nila kaya inakay ako ni Gabriella at Akira habang alerto lang sa paligid si Cyrus na siyang nasa likuran namin.
***
Nakarating kami sa gubat na ligtas at masayang sinalubong kami nina Killian na puno rin ng pag-aalala. Hindi niya pa alam ang nangyari sa akin, ni isa sa kanilang lima na naiwan dito ay walang alam na nawala ako. Basta ang alam nila ay galing kami sa syudad.
"Here, drink water," Inabot sa akin ni Cyrus ang isang baso ng tubig kaya kinuha ko 'yon at ininom. Naubos ko ang tubig na nakatingin lang sila sa akin. Siguradong naghihintay sila sa sasabihin ko kung ano bang nangyari.
"May nangyari ba?" tanong ni Killian na nagtataka pero walang sumagot sa kaniya.
Napabuntong hininga na lang si Alexander bago nagsalita. "Samariya was gone for a day, we just found her a while ago." Halata ang pagkagulat sa mga mukha nila matapos 'yong sabihin ni Alexander. "Wala kaming alam sa nangyari sa kaniya, kung paano at kailan siya nawala at kung saan ba siya napunta," dagdag niya pa.
Killian looked at me worriedly before he held my face. "Are you okay? Are you hurt? Tell us what happened," aniya habang hinihimas ng hinlalaki ang pisngi ko. I can't help but to close my eyes as I felt his warm hands caressing my cheeks. I don't know but this just feels right.
"H-Hey, why are you crying?" natatarantang tanong niya. Agad ko namang pinunasan ang luha ko na hindi ko rin namalayang tumulo kung hindi niya sinabi.
"I need to rest," sabi ko na lang at umalis sa harap nilang lahat.
Dumiretso ako sa kwartong tinutuluyan ko at humiga sa kama. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung bakit naging gano'n ang reaksyon ko kanina. Maybe I'm just longing for someone because I saw my father... or maybe not. I don't know. I really don't know.
Masyadong maraming tumatakbo sa isip ko at hindi ko na malaman kung ano ba talaga ang dapat kong unahin. I'm so overwhelmed right now that I feel like breaking down, again. Kaya rin siguro ako naiyak kanina nang hawakan ako ni Killian dahil sobrang bigat na ng nararamdaman ko. I felt a relief because of his gesture.
Bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Kean kaya ngumiti ako sa kaniya para ipaalam na ayos lang na pumasok siya. Tumuloy naman siya at lumapit sa akin sa kama 'tsaka yumakap sa akin na siyang ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Refuge
Mystery / ThrillerHow did it happen? That's the biggest question that lingers in Samariya after seeing zombies that are scattered all over their place; the day that changed her life in an instant. Eager to survive, she set her feelings aside and went into the forest...