Chapter 19 // Missing in Action

3 1 0
                                    

Samariya's PoV

After gaining an alliance with the Keepers' Association, we were interrupted by a sudden explosion outside. We immediately ran out to see what was happening and we were astounded by the commotion. The gate was destroyed allowing zombies to enter the Safe Zone and Olivia's men were trying to control the crowd whilst the others were fighting. What the heck is happening?

Morph is the only group that I can think of to do such thing. Did they planted a bomb outside or a mole snuck in here? Tanging zombies lang kasi ang nanggagaling sa labas at wala akong makitang mga tao. At saka, paano nagkaroon ng zombies sa labas? Sa pagkakaalam ko, walang malapit dito sa Safe Zone kaya malabong magkaroon nang ganito karami.

I ordered my men to help since we're already their allies and even if not, I would still do it. I told them to focus on the entrance because Keepers' Association were lacking force to prevent zombies from entering. They're focusing too much on helping the survivors. Tsk.

"Alexander, secure the entrance. I'll go check on something," I commanded before leaving them and he nodded.

Sigurado akong may tauhan ang Morph na nakapasok dito at kung hindi man, alam kong nasa labas lang 'yon at tinitignan ang nangyayari ngayon. I quickly moved and went to the guard's tower nearby. It's the best spot to find someone who's acting suspicious inside and an onlooker outside.

Mabilis kong iginala ang paningin ko nang makaakyat na ako sa taas. Nagkakagulo pa rin ang mga tao, bumabalik tuloy sa alaala ko ang nangyari noong nakaraang buwan lang. Ganitong-ganito rin 'yon, magulo ang paligid at walang may alam kung saan nanggaling ang mga zombie na nagkalat.

Pumosisyon ako at itinutok sa labas ang dala kong sniper. Doon ko sinilip kung saan ba nagmumula ang dami ng zombie na andito ngayon at baka may mapansin din akong tao sa paligid. They were coming from the opposite way of the Hollow Building. Saan ba talaga nanggaling ang mga 'to? Paano sila nakapunta rito?

I started shooting them from where I am. Mabuti na rin 'to para mabawasan sila kahit papaano. Pero hindi ko na naituloy pa ang ginagawa ko nang may mapansin akong pigura ng isang tao sa loob ng isang sirang bahay sa hindi kalayuan. That's definitely the person behind this attack. He's the mole.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at bumaba para puntahan 'yon. Hindi malabong tumakas siya dahil posibleng nakita niya ako lalo na't bumabaril ako gamit ang sniper mula sa tore. Hindi ko siya pwedeng hayaan na makaalis at kailangan ding malaman ni Olivia na may traydor siyang kasama.

Agad kong hinanap si Olivia pero hindi ko siya makita, gano'n na rin si Sandro at ang iba pa nilang kasama. Paniguradong abala sila sa pagpapakalma sa mga tao sa kung saan man nila dinala. Mga kasama ko lang ang natatanaw ko at sina Maxine, Friedrich, at iba pa. Buti nga at unti-unti na ring nababawasan kaya hindi na sila nahihirapan.

"Maxine!" tawag ko. Lumingon naman siya sa akin at agad na lumapit. "Come with me, we're getting rid of the person who caused this."

Hindi niya na nagawa pang magtanong dahil tumakbo na ako palabas. Nakita ko namang hinarang siya nina Cyrus at Gabriella na hindi ako nagawang pigilan, tinanong siguro siya kung saan ako papunta dahil pasunod siya sa akin. Mabilis lang naman ang naging usapan nila at agad din siyang nakasunod.

Sinalubong ko ang mga paparating na zombie at wala akong nilampasan ni isa at ganoon din ang ginawa ni Maxine. Sa ganoong paraan ay mapapadali ang trabaho nilang mga naiwan sa Safe Zone. Nang tuluyang maubos ay dumiretso kami sa lugar kung saan ko nakita ang taong may kagagawan ng kaguluhang 'to. Pero pagdating namin ay wala na siya.

"Sigurado ka bang dito mo nakita ang sinasabi mo?" tanong ni Maxine na humihingal pa pero ko siya nagawang sagutin agad.

"Sa tingin ko ay umalis na siya pero siguradong hindi pa siya nakakalayo rito," sagot ko at lumabas sa sirang bahay.

RefugeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon