Chapter 5 [06/16/15]

41 1 0
                                    

Chapter 5:Saviour

Rita's POV

Anyone might describe death as the scariest part of our life. Yung tipong mapapadasal ka na lang ng 'papa God, please ayoko pa po.'. Lahat ata ng tao nagiging banal sa harap ng kamatayan. But I find it weird. Why do we have to live, kung mamamatay din tayo? Why do we have to suffer, kung mawawala lang din lahat sa huli. So I've finally decided. I'll end this shit.

Kasi may umekstra! 

"Ah! Aray! Pota! Makahatak! " sigaw ko doon sa lalaking humatak sakin sa paa. Ngayon naka-upo kami dito, at ang sakit ng puwet ko. Napatingin naman ako kay Kuya  na nakaupo ng napakaganda, nakapataong ang isang braso sa kanang tuhod. Taga Glorioni siya! Isa siya doon sa Anim na gago. Siya yung kulay Mais yung buhok. 

"Ba't ka ba nanghatak!?"

"Kasi tatalon ka."

"Hah!Yun na nga yun eh! Tsaka ano bang paki mo sa kin? Diba kaaway ka namin? Layuan mo ko!" Tinulak ko siya tsaka ako tumayo. Nakatalikod na ko at handa ng mag-lakad ng magsalita siya. 

"Di sagot ang pag-papamakamatay mo sa problema mo." narinig ko naman na nag-pagpag siya. "Minsan kasi, kailangan mong pansinsinin yung paki sayo ng kapwa mo"

"Woow! Akala mo naman kung sino kang Diyos. Kung makapag salita ka akala mo napag daanan mo na lahat ng pagsubok!." 

"Sinasabi ko lang. Minsan, kaya nakapaligid sa atin ang tao, dahil may dahilan. Pwedeng naging kaibigan natin sila, para pagsabihan ng problema." 

"Tapos ano!? kaka-awaan ako!? Hah!? wag na lang!" matapos ay tumakbo na ko,ng umiiyak. Muka akong baliw dito tapos di ko alam kung san pa ako pupunta. 

Really, I hate it. Kapag kinakaawaan ako na para bang wala ng pag-asa sa mundo. Ayoko ng pinagtutuunan ng pansin dahil sa pinag dadaanan ko, dahil lahat naman kami, may pinag dadaanan din. Siguro, ang taas nga ng pride ko.

Dinala na lang ako ng paa ko sa isang waiting shed. Doon ako nag-hagulgol ng iyak. Mas lalo akong nagmukang kaawa-awa.

"M..Mama...Papa *sniffs* sana po lagi niyo kong bantayan." bigla namang umambon mabuti at mahina lang. Dahil medyo malamig gawa ng ulan, inantok na ko dito na lang ako tutuloy. Hinubad ko naman ang jacket ko para gawi sanang kumot at tumambad sa akin ang mga pasa, gasgas at sugat na nakuha ko dahil sa pambu-bugbog. Minsan iniisip ko kung bumabalik lang sakin yung mga ginagawa ko sa iba. Buti malaki at malawak yung upuan, enough space for me to sleep. 

Wala sana akong nararamdaman nang sakit kung hinayaan na lang akong pakielamerong 'yon.

-----

As usuall pag gising ko, masakit ang katawan ko samahan pa ng medyo malamig na gabi. Nagulat ako paggising ko may nakapatong na isa pang polo sa kin, bukod sa jacket ko na nasa ilalim. Kaya pala kagabi kala ko may kung sino o kung ano yung gumalaw sakin. Pero kanino to? Nabuhay naman ako ng kumalam ang sikmura ko. Buti na lang mabait si Papa, sakin pinamana ang kanyang pera kaya may pinag-kukuhaan ako. Pero siyempre di naman pwedeng doon ako lagi aasa kaya nag tatrabaho ako at kaya nag-aaral pa rin ako sa kabila ng ugali ko. Sa totoo lang, kalahati ng kayamanan ni Mama, saakin. Pero wala eh. Di ko alam ba't pagdating sa tatay-tatayan ko, di na ko makalaban. Dumaan muna ako sa karinderya ni aling Sally.

"Oy nga pala Rita, kagabi ba't doon kayo sa waiting shed natulog? naulan pa naman! Di ka naman ba nagkasakit?"

"Huh? ah..nakita niyo po ako? wait...kayo?" napatigil naman siya sa pag salin ng sabaw sa mangkok ko. Kayo?! May nakikita ba siya na... Seryoso!? 

The Kicking YoungstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon