Chapter 9:First Love
Sahnarra's POV
"Pasensiya ka na kung eto lang.."sabay abot niya sa'kin ni Harvey ng Tetra pack na juice.Siya yung nakita ko na nagbubuhat ng mga box.Naalala ko na ainabi nga pala ni Samuel na may nagpa-part time siya.
"Nako...ayos lang.Nag-abala ka pa.Salamat.." Napatingin ako sa tubig na rumaragasa sa ilalim ng tulay na tinutung-tungan namin ngayon.Ang tahimik,at di ko alam kung paano ko sisimulan mag tanong.
"A..Ano....Mahirap ba mag-trabaho? s..sorry kung weird yung tanong ko.Di ko kasi alam---"
"First year high school ako ng makulong ang tatay ko,dahil nang rape daw siya ng bata"he started to cut me."Di 'yon totoo dahil nakita ko mismo na tinutulungan niya lang talaga yung bata.Nang makulong siya,na depress siya at di kalaunan...."napatingin naman siya sa'kin.Napangiti siya at ginulo ng bahagya ang buhok ko."Ba't ganyan reaksyon mo? ...Sila Samuel alam din yon"
Sa totoo lang,nang inopen niya yang conversation na yan ay nabigla ako.Is he a mind reader? Alam niya ang gusto kong malaman! or obvious lang talaga ako? Pero seriously,i really want to cry.Napansin niya siguro yung expression ko na 'yon.I started sipping my juice para mapigilan yung luha.A minute later,tinawag na siya ng kasama niya kaya nagpaalam na rin siya.
Samuel's POV
"Di daw nila kilala.."sabi ni Yves ng magtanong kami doon sa mga nakauniform na katulad nung sa Oliver na yon.Hinahanap kasi namin siya.
"Doon daw sa tabi ng abandonadong tindahan yung school nila sabi ng pinsan ko"sabi naman ni Jeffrey. Agad naman kaming nagpunta don.Di ko hahayaang ma drop si Harvey.Di namin hahayaan. Alam namin na may dahilan siya...At di siya ang taong basta basta mananakit.
Pag-dating namin doon ay pinagtinginan kami,alangan. Hinanap ng mata ko si Oliver at di naman nagtagal ay nahanap ko din.May kasama siyang dalawang lalaki nagtatawanan pa sila.At nakuha niya pa talagang tumawa ah!? Naka benda pa yung noo! Kala mo naman napakalaking injury ang nakuha.
"Hoy! Oliver!"napatingin naman siya samin at halatang nagulat at natakot siya.Lumapit ako sa kaniya ng nakasarado ang palad.Humanda ka sa kin ngayon...
"Kasalanan mo to---"
Third Person's POV
Kinabukasan ay nagising si Sahnarra na puno ng lakas ng loob.Katulad ng mga lalaki,di rin siya naniniwala na magagawa ni Harvey ang bagay na iyon.Kahit ilang araw pa lamang silang nagkakasama at kahapon lamang sila nakapag-usap ay tiwala siya dito.
Tahimik ng dumating siya kaya expected niya na nasa Principal's office ang lahat.
"Sahnarra.Sa--"di niya pinansin ang isa sa ate niya na si Renee.Maging ngvtinawag siya ng iba.Naramdaman niya lang na sumunod ito sa kaniya.
Bubuksan niya na sana ang pinto,ng hilahin ito ni Hermione.
"Ano ba Sahnarra! Hayaan mo na sila! Gulo nila yan kaya--"napatigil si Hermione ng hilahin ng kapatid niya ng pabigla ang kaniyang kamay."Wala kang alam Ate.Di mo alam ang mga nangyayari kaya pwede ba!"di na siya nagawang pigilan ni Hermione,kaya't sumunod ito papasok.
"Gusto kong ma-drop ang batang iyan at di na makapag-aral"lalong nag-alburoto ang mga lalaki at di na sila mapigilan nung mga guro.
"Sobra naman po ata iyon Mam?"singit ng kanilang gurong si Peña.Di man nito aminin ay kampi siya sa mga bata.Ngunit tila wala itong epekto,umirap lamang ang Ina at nag-paypay.
"Mali siya at umakto ng bayolente kaya dapat lamang siyang parusahan.."dahilan niti na nakapag pasabog ng mga pananaw ng mga lalaki.
"Oy Oliver!magsalita ka!"
"oo nga! lumuhod na si Samuel para diyan pero wala pa rin sayo!? anong klase kang tao!?"nagulat ang lahat lalo na si Sahnarra at Harvey.Alam nila na si Samuel ang tipo na hindi magpapakababa kahit anong mangyari ay gusto niyangvsiya ang panalo.Ngunit sa lagay ngayon,lahat ay gagawin niya para sa kaibigan.Para sa kapatid.
Kahapon ay dapat susuntukin na nito si Oliver ngunit pinigil niya ang kaniyang kamao at lumuhod.
"Ano naman kung lumuhod ka?"pagtataray pa rin nung nanay"Dapat lang turuan ng leksyon ang batang yan.Kriminal ang Tatay, din ang anak.."
"Anong sabi mo!!?!"akmang susugod na si Samuel ngunit napatigil siya.
"T..TAMA NA PO 'YAN!"sumingit naman si Sahnarra sa mga lalaki at pumunta sa harap nang nanay."Tama nga po,gumawa nga po si Harvey ng bayolenteng akasyon..at dapat iyong parusahan.."
"Alam ko hija...Kaya nga--"
"Kung ganoon po,di po ba dapat parusahan din ang anak niyo dahil sa pagbabato niya ng mga bayolenteng salita?"lahat sa kwarto ay nananatiling tahimik.Maging ang ina ni Oliver ay natameme sa babaneg nasa harap niya."Di po ba impossible na makasakit ang mga salita na mas masakit pa sa suntok? Kaya...Kaya kung di niyo pa rin po titgilan ang pag akusa kay Harvey,hindi po namin kayo titigilan..."matagal na katahimikan ang nabuo.Walang nagsalita.Sila Hermione ay nanlalaki pa rin ang mata dahil sa nasaksihan niyang aksyon ng kapatid.Pakiramdam niya ay naging matapang na ito at humarap sa takot niya.Ni minsan di siya sumagot alo nag-tanggol ng kahit sino.Kahit nga ang sarili niya ay di niya maipag-tanggol.
"Uwi na tayo Ma..."bigla namang sabi ni Oliver.
"Bakit anak?"
"Ayos na po ako.Hihilom din naman to."naglakad na 'to palabas ngunit tumigil ito saglit sa tabi ni Harvey "Ayoko ng manira pa ng pag kakaibigan.Tsk! kakarindi.."tapos ay dumiretso na ito.
Tinawag ito ng Nanay niya,ngunit di ito nakinig..
"Wait po Ma'am."pigil ni Sir.Peña."Ibig sabihin po ba ay di na tuloy ang pag d-drop?"napatingin ito sa paligid....tapos ay biglang nag hair-flip at umalis.
Napuno naman ng hiyawan at batukan kay Harvey.
-----
Nakangiting nanonood mula sa likod ng mga lalaki si Sahnarra.Sobrang gaan at saya ang nararamdaman niya.Ngayon niya lamang nagawa ang bagay na iyon,ang magtanggol.
Napatigil siya sa paglalakad ng makita si Harvey na nasa harap niya.Mukang nagpa-huli ito.
"Salamat Sahnarra.."bahagyang namula ang pisngi niya.Di niya man sabihin ay may crush siya kay Harvey.Sino ba namang hindi? Siya pati ang kauna-unahang lalaki sa Glorioni na tumawag sa mismong pangalan niya
"W..Wala yon!"
"Grabe ka Miss President!"singit naman ni Samuel na mukang nagpa-iwan din.."Ang lupet mo!"sabay tapik nito sa braso.
Bakit ganito? Ang...Ang bilis ng tibok ng puso ko? Parang di ako maka hinga? sabi nito sa sarili..
"Kung ako yung sinigawan mo kanina siguro naging bato na 'ko"dagdag pa nito
Pinilit ni Sahnarra na mag salita ng may diretsong tono kahit gusto nang lumabas ng puso niya.
"Should i take that as a compliment?"napatigil si Samuel dahil don.Alam niyo na,English.
Nagpaalam na si Sahnarra dahil naiwan niya ang bag sa office.
Habang naglalakd ay tinitignan lamang nila ang likod nito.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.Anong meron sayo....Sahnarra?..
***
BINABASA MO ANG
The Kicking Youngsters
FanficHermione,Rita,Anna at Renee o kilala sa tawag na Ass Kicking Youngsters dahil sa kaugalian nilang mambugbog at gumawa ng masama.Isang araw ay namalayan na lang nila na nasa Glorioni All-Boys na sila,ang eskwelahan ng mga katulad nila ang pinagka-iba...