Kabanata 9

4 1 0
                                    

NAGING madalas ang pagsama ni angelo sa akin. Kahit saan ako magpunta ay laging siyang nakamasid sa mga ginagawa ko. Iniisip niya bang tatakas ako? Tiyak na kapag ginawa ko 'yon alam ko na ang mangyayari. Baka mabisto ang aming sekreto. Syempre sasabihin niya kasi eh.

Ngayong araw gaganapin ang kaarawan ni dad. Dapat mamaya maging maganda ako kasi siguradong may mga bisita sila dad at mom na mayayaman. Hindi ko dapat sila na ipahiya.

Ilang oras din bago natapos sa pag-aayos sa akin ng mukha si mae. Ang pinakabatang maid sa mansyon. " Senyorita you're look so beautiful po!" Masayang bigkas niya. Ang laki nang pagkakangiti ng kan'yang labi.

Nakasuot ako ng mamahaling gown. Kumikinang sa dami ng mga diamond sa palibot nito. Nakapuyod ang mahabang buhok ko na puno naman ng mamahaling disenyo na  mas bumagay sa suot ko. Kulay blue at yellow  shoes na may heels ang nasa paa ko.
Nagkaroon nang sandaling katahimikan ng may tumunog sa aking cellphone.

" Hello Bessy. Kamusta ka na? Pupuntahan kita sa party."

"Besh. Akala ko hindi mo na ako kakausapin? Naisip ko tuloy na baka may tampo ka sa 'kin?" Magkasunod kong tanong.

"Ano bang nasa isip mo. Bakit may dapat ba akong ikatampo sa 'yo. Diba wala?"

"Oo. Akala ko lang pinagbawalan ka ng Dad mo na kausapin ako?"

"Syempre ako naman ang magdedesisyon kung ano ang dapat para sa sarili ko. Tama  bang ilayo ko ang loob sa 'yo," tugon niya.

"May punto ka Besh. Teka alam mo na bang umuwi si Carlos dito?"

"Oo. Lately ko lang nalaman. Bessy may gusto ka ba sa kan'ya?" Diretsyang tanong niya sa akin. Nagulat ako sa kanyang katanungan. Bakit naman niya ulit natanong eh, alam niya na wala kami ni carlos.

"Besh. Ang tungkol dyan hindi ko alam. Si Dad ang may gustong ipakasal kay Carlos. Sa katulad ko rin na mayaman. Napanood mo ba sa tv ang sinabi niya. Gusto na ako ni Dad na magkaroon ng mapapangasawa."

Nang marinig ni alyana ang lahat nang sinabi ko ay nawalan s'ya ng imik. " Paano kung isang araw ang magkalapit na pusa ay ang isang pusa ay biglang naging mabagsik Lion?" Pag-iiba niya. Hindi ko s'ya maintindihan. Kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Hahahhahha. Wala__ Bessy." Malakas niyang tawa. Ipinasya na ni alyana na ibaba ang cellphone nito ng dahil sa pupunta rin siya sa event ng dad ni adora.

Palaisipan sa akin ang mga sinabi niya. Pero agad na lang akong nag-iba ng isip nang sumagi sa akin ang regalo ko. Mayroon na akong sorpresa kay dad. Bumili ako ng relo kahapon. Inabot ang isa sa halagang 9k. Hindi basta relo. Gawa talaga sa matibay na iron. Habang tinitingnan ko ang aking sarili ay nagpasya na akong bumaba. Umalis na si mae para gumawa naman sa mga gawaing bahay. Nagpasalamat ako sa kan'ya at kahit papano 'y nag-abot ako ng pera kahit 1k para sa abala. Nahihiya itong tanggapin ang pera pero pinilit kong kuhanin niya 'yon.

Naghihintay na pala sa labas ng pinto si angelo. Hiniling niya sa 'kin na hawakan niya ang kamay ko dahil sa baka madapa ako. Sa haba ba naman ng gown ko ay hindi ko maapakan ang aking sariling kasuotan. Bahagyang napangiti siya sa 'kin. Kinikilig naman ako. Pinuri niya ako. "Napakaganda mo Adora."

"Thank you," Biglang nag-iba ang pananaw ko sa kan'ya. Kumislap ang lahat ng mukha niya sa aking paningin.

" Hoy. Adora ano na naman 'yan  kaartehan mo. Umandar na ulit? pero bakit sa kan'ya parang ang gaan- gaan ng puso ko. Patuloy pa rin siya sa pag-alalay sa akin. Nakatingin ako sa kan'ya. Ang gwapo niya sa suot niyang damit na pang body guard. Naalala ko 'yong nangyari sa amin. Paano kung mabuntis ako? Paano ko haharapin sila dad at mom para malaman nila ang totoo. Magpapakasal pa naman ako kay carlos dahil sa kagustuhan ng aking mga magulang. Kailangan maging handa ako.

Tumigil ako sa paghakbang. Lumingon naman si angelo sa 'kin. " Kung sakaling magkaroon ng bunga ang lahat. Itatanan mo ba ako?" Seyosong tanong ko. Nanlaki ang singkit niyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa binitawan kong tanong. Ilang minuto rin bago s'ya sumagot.

"Oo paninindigan ko ang lahat. Kaya kitang itanan. Ang kaso baka mas magiging kumplikado kung malalaman nila. Kung mabuntis ka panangutan ko ang responsibilidad na maging mabuting ama para sa anak ko__." Naantig ang puso ko sa mga sinabi niya.

"Sorry pala ng dahil sa kapusukan ko kagabi ay nadamay ka. Akala ko kasi panaginip lang. Hindi ko alam na totoo pala." Nakayukong sabi ko.

Nagulat ako nang inangat niya ang aking mukha. Humakbang siya ng hagdan para pantayan ako. Nakatitig siya sa 'kin. Parang natutunaw ako. " Pero nandito lang ako. Handa kitang protektahan at kahit ikamatay ko pa. Hindi ko hahayaan na may manakit sa 'yo. Pwede bang kapag wala ang Dad mo ay Adora na lang ang itawag ko sa 'yo. Ang totoo unang beses ko lang ginawa ang ginawa natin. Ikaw ang kauna-unahang babaeng napakaelaman ko. Pinilit mo kasi ako eh, sorry din__." Nakita ko sa kan'yang mga mata na sincered ito. Lihim akong napangiti.

Ngayon lang ako nakakilala ng lalaki na wala pang balak na magkaroon ng babae. Kaso minalas s'ya dahil sa ako ang nauna sa kan'ya. Nakonsensya bigla ako. "Gusto ko siya." Isip ko. Bigla na lang sumagi ito sa isipan ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Hinalikan niya ako sa labi. Hindi ako pumalag. Hindi ko s'ya sinungitan. Siya lang ang body guard na gumanito sa akin. " Siya lang ang body guard na hindi ko kayang paalisin." Nag-iba ang ihip ng hangin. Tinugon ko rin ang kan'yang halik. Halik na may pagmamahal. Natigil lang ang aming halikan nang matumba ako. Agad niyang hinarang ang kan'yang braso upang saluhin ang ulo ko.

BUMABA kaming dalawa. Nagkatawanan pa kami. Namula siya sa kahihiyan at ganoon din ako. Paglabas namin ay nagulat ako dahil sa may panauhin sa labas ng gate. Minasdan ko siya mula 't paa pupuntang ulo. Alam ko kung sino ang lalaking 'yon. Inutusan ko ang yaya namin na buksan ang gate.

"Carlos. Anong ginagawa mo dito?" Nabiglang tanong ko.

Malalim siyang tumingin sa katabi ko. Naramdaman kong nagseselos ito kay angelo.
Lumapit siya at sabay hinila niya 'ko. Nasaktan ako sa paghawak niya. " Ang higpit nang hawak mo sa pulsuhan ko. Teka bakit ka nandito sabi ko. Hindi mo sinasagot ang tanong ko?!" Mataas na boses ko.

Sa pagpumilit niyang pasakayin ako sa kan'yang kotse ay pinigilan ni angelo si carlos. Kinalabit siya nito para sabihan. Nang nasa loob ako ng kotse ni carlos ay hinarap niya si angelo.

"Hoy! Kung hindi mo lulubayan ang Future Wife ko malilintikan ka sa 'kin. Sino ka bang masyadong pakilamero. Boyfriend niya. Pwes uunahan na kita ako ang magiging asawa niya!" Mataas nitong boses. Nagtaka ako sa sinabi ni carlos. Masyadong feeling s'ya. Hindi ko magawang mag-reaksyon. Kailangan kalma lang ako. Baka kasi pumangit ako.

"Kung magiging asawa ka niya tama bang pahirapan mo s'ya. Hilain mo ng pilit na ayaw naman sa 'yo," tugon niya. Galit na tinig ni angelo.

"Talagang palaban ka-ah!" Umayos si carlos ng pwesto. Umikot-ikot ang kan'yang ulo. Sabay ikinuyom ang kamay.

"Hinahamon mo ako?"

"Oo. Tara."

Nakita kong sinunggban nang suntok ni carlos si angelo. Nataranta akong lumabas sa kotse. Sinubukan kong awatin sila pero ayaw nilang magpaawat.

"Stop please!" Sigaw ko.

Biglang naisipan kong tumapat sa gitna kaya nasuntok nila ako. Nagka-black-eye ako ng wala sa lugar. "Adora. Nasaktan ka-ah?" tanong sa akin ni carlos.

Pinasan ako ni angelo. Tumalim ang mga mata niya kay carlos. " Nang dahil sa 'yo nasaktan siya. Puwes papakilala ko ang sarili ko. Ako ang personal body guard niya. Kung may angal ka sa Daddy ni Adora, doon ka magpaliwanag?" Bumalik kami sa loob para gamutin ang aking sugat. May pasa na ako at sa mukha pa. Tiyak papagalitan ako ni daddy at mommy mamaya. Paano na?

Wright ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon