Kabanata 23

0 1 0
                                    

ISANG ARAW ang lumipas mula ng makulong si angelo ay lagi na lang akong nagkukubli sa loob ng madilim kong kwarto. Araw-araw kong naiisip siya, kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa kanya. Wala akong nagawa sa panahon na kailangan niya ako. Hindi ko kayang kimkimin ang nasa puso ko. Gusto kong puntahan ang magulang ni angelo. Kailangan kong gumawa ng hakbang para mapiyansahan siya. Aaminin ko na 'ko ang nagyaya sa kan'ya at hindi siya.

Tumawag si alyana sa 'kin. "Hello bessy. Nalaman ko na ang lahat. Pasensya ka na kung nagduda ako sa 'yo. Mapapatawad mo pa ba ako? tanong niya sa 'kin. Matagal rin akong hindi umimik dahil sa baka 'y nanloloko siya. Sa bagay palitan ko na lang ng pagmamahal 'yong mga bagay na ginawa niya  sa "kin.

"Oo. Papatawarin na kita. Punta ka naman sa 'min? Matagal na rin nang huling beses kang nagpunta dito?" Malambing kong tinig.

"Sige besh," tugon niya. Ibinaba na namin ang phone. Pupuntahan niya ako. Pero kapag na nandito na siya ay baka hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Nakakatiyak akong parang balat sibuyas ako mamaya, mababaw ang luha. Yayakapin ko ang aking kaibigan at magsisimula na naman kaming muli.

NAGULAT ako nang may kumatok sa pinto.
"Hija. Please open the door? H'wag kang magkulong dyan. Makakasama sa anak mo. Hindi mo kailangan magmukmok d'yan sa loob nand'yan pa si Carlos," saad ni mom habang nasa labas. Hindi ko s'ya pinagbuksan. Pareho lang sila ni dad na walag puso. Ang carlos na pinagmamalaki nila ay kahit anino 'y niya ay ayaw ko s'yang makita. Natigil si mom. Dahil sa mayroon na mga panauhin mula sa labas ng gate. Bumaba si mom para tingnan ang mga panauhin. Habang nakahiga ako ay nag-isip ako ng paraan. "Nais kong tumakas. Papatutulong ako kay Alyana mamaya." Isip ko.

PINUNTAHAN ni mommy ang taong mga naghihintay. Pinatuloy sila ng yaya namin kaya naman nasa bakuran na sila ng mansyon. Nasa taas pa rin ako ng aking kwarto. Tumigil muna ako sa kakaisip kung paano makakaalis dito sa mansyon. Naisipan kong bumangon para tingnan kung sino-sino sila. Ngunit, hindi rin pamilyar sa 'kin kung sino ang taong naroroon. Bagong mukha lamang silang dalawa. Matanda na ang isang ale at ang isa naman ay magandang babae. Seryoso ang kanilang usapan at nakikita ko 'yon sa kanilang mga mata at pagbukas ng kanilang mga labi. Nag-ayos ako ng mukha upang hindi nila ako halata na galing sa pag-iyak. Bumaba ako para pakinggan ang hinanaing ng matanda. Tumingin sa akin mula sa di kalayuan si mommy. Tingin na may kahulugan. Narinig ko ang aking pangalan habang palapit ako sa kanilang apat.

"Kayo ba si Ms. Adora?" tanong sa akin ng babae.

"Oo ako nga. Bakit?" tanong ko. Isang dipa lang ang pagitan namin. Si mom ay hindi natinag sa kan'yang kinakatayuan.

"Please po tulungan mo ako na mabawi ang anak ko. Please itigil nyo ang pagsampa ng kaso sa anak ko. Kilala ko ang anak ko at hindi niya magagawa ang bagay na 'yan!" Umiiyak na ang ale.

"Mom itigil nyo na toh?"

"No! Ano sila sinuswerte. Kailangan niyang mabulok sa bilangguan." Singhal ni mom.

Lumapit sa 'kin ang babae na kanina pang masama ang titig sa 'kin.  Nagulat ako nang sinampal niya ako nang malakas. Napasapo ako sa aking pisngi.

"Malandi!" Bago lumayo sa harap ko.

Sinampal rin siya ni mom ng dalawang beses.

"Wala kang karapatan na saktan ang anak ko!" Banat ni mom na salita sa babae.

Napatigil sandali ang babae at syaka nagreaksyon. Ngumiti pa iyon sa 'min na may malalim na ngiti.

"Kung ikaw na nabuntisan ka ay dahil 'yan sa kalandian mo. Inisip mo sana 'yong resulta bago mo ginawa 'yan bata. Wala kang awa. Pinakulong mo pa ang tatay ng anak mo, nasisikmura mo pa talaga ang ginawa mo. Ang sama ng mga ugali n'yong mga mayayaman!" Tinig ng babae.

"Hoy babae wala kang karapatan na husgahan kami. Kung hindi naman dahil kay Angelo hindi sana mabubuntis ang anak ko! Pinagkatiwalaan ko siya ng sobra tapos ginanito niya ang anak ko!" Galit na tono ni mom. Sinagot niya ang babae. Kumunot ang noo ng babae kay mommy.

"Paano mo nalaman ang bahay namin. Sino ka ba hindi naman kita kilala?" Singit na tanong ko.

"Ako. Ako si Mary Grace ang mapapangasawa sana ni Angelo. Kung walang epal e di sana kami ang nagkatuluyan. Child hood friend ko siya na kahit nagtapat na ako ng feelings sa kan'ya ay bigo ako.  Kaya pala malamig ang pagtingin n'ya sa 'kin ay dahil sa may babaeng kinakaadikan dito at mayaman pa. Alam ko na inakit mo lang s'ya. Oo nga pala nakita ko pangalan mo sa text messages niya ang gara pa ng pangalang naka-phone book pa 'Mahal kong si Adora '. Inalam ko kung sino ka at nanginginig ako sa galit na nakita kita ngayon sa personal. Ikaw pala ang may dahilan kung bakit hindi nakauwi pa sa bahay nila si Angelo. Pinakulong nyo pala ang lalaking mahal ko__oh!" Naluluha na tinig nito.

Hindi na ako magtataka kung sino ito. Siya pala ang babaeng kausap ni angelo sa cellphone noong nakaraan araw. Naawa ako sa babaeng kaharap ko. Tama lang ang mga sinabi niya kaya hindi na 'ko tumugon pa. Magulang pala rin ni angelo ang kausap ko ngayon.

"Umalis na kayo! Kahit anong magmakaawa n'yo sa 'kin ay hindi ko hahayaan na makalaya ang anak mo!" mataray na tono ni mom.

"Mom! Walang kasalanan si Angelo. Ayokong makulong ang ama ng anak ko. Please Mom," pakiusap ko. Lumuhod ako upang mas maawa si mom , ngunit hindi pa rin umubra ang ginawa ko.

Nang makita ako ng nanay ni angelo ay itinayo niya ako. "H'wag mong pabayaan ang apo ko huh?" Naluluhang saad nito habang nakahawak sa braso ko.

"Lumayo ka sa mga hampaslupa na 'yan, Anak!" Sabay hila sa 'kin.

"Anong kaguluhan ang naririnig ko?!" Sigaw ni dad sa malayo. Lumapit iyon sa 'min.

"Hon nakikiusap ang nanay nang rapist na 'yun!"

"Hindi na ako makapagtimpi sumusobra na ang bibig mong babae ka. Kanina ka pa nagsasalita nang masakit sa anak ko!" Sabay lumapit ang nanay ni angelo upang hilain ang buhok ni mom.

"H'wag mong husgahan ang pagkatao ng anak ko__ohh!" Habang sambunot nito ang buhok pa rin ni mom.

Inawat namin silang dalawa. Maya-maya 'y nag-iba ang tono ng boses ng nanay ni angelo hanggang sa...

"Tulong!" Paghingi ng saklolo ni mary grace. Hawak nito ang ina ni angelo na naninikip ang puso. Nanginginig iyon at halos pumikit na ang mga mata nito. Wala pa akong reaksyon sa simula pero nang nagtagal pa ng ilang minuto ay naisipan ko na tulungan ang ale. Lola siya ng anak ko kaya ayaw kong may mangyaring masama sa kan'ya.

Gagaling kaya ang ina ni Angelo? Makakalaya kaya si Angelo mula sa kulungan?

Wright ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon