NAKITA ni dad si angelo. " Saan ka galing?"
"Don, Sebastian. Ah, eh. Galing ako sa silid ni Senyorita Adora. Dinala ko ang kan'yang pagkain." Natatakot niyang usal.
"Sige. Bukas pala aalis kaming dalawa ng Mommy niya. Sabihin mo dito muna siya. Natutulog na ba siya?" tanong sa kan'ya ni dad.
"Opo," tugon niya.
"Kailangan kong asikasuhin ang kumpanya. Tatlong araw kaming mawawala. Ipagkakatiwala ko sa 'yo ang aking anak. Pagbalik namin ay s'ya na ang magpapatakbo talaga ng kumpanya, kasama ang magiging asawa niya." Bago iyon tumalikod at umalis.
Hindi alam ni angelo na kung ano ang mangyayari kapag nalaman ni dad na ako ay nagalaw na. Hindi makapaniwala si angelo na mabilis lang ang naging pangyayari. Parang nagsisi siyang ginawa niya ang kagustuhan ko. "Naging easy to get ako!"Napasabunot ng buhok si angelo. Kaming dalawa na lang ang nasa mansyon. May katulong kami dito. Kaso umuwi muna para sa emergency call kanina. Kaya ito, imbes may kasama kami ni angelo. Wala eh, siguro nga 'y panahon ang nag-uugat sa 'ming dalawa.
Nalimutan kong ibigay kay dad ang kan'yang regalo. Napabangon ako, kahit mahimbing ang tulog ko ay nagising ako.
"Ano! Alas-tres na nang madaling araw. Nasaan silang lahat?" Napabalikwas ako nang bangon. Nabigla ang gising ko. Nanibago ako kasi kanina lang ay sobrang lakas ng dagundong ng musika. Ngayon ay tahimik na.
Hinanap-hanap ko si angelo. Nilinga ko ang aking ulo at pinagmasdan ng aking mga mata ang paligid. Ngunit, kahit miski anino ni angelo ay wala.
Tumingin ako sa salamin. Nag-ayos na ng mukha upang hindi nakakahiya sa binatang kasama ko dito. Paglabas ko ay tahimik talaga ang buong paligid. Hinahanap ko nasaan si angelo at ang yaya namin. Binuksan ko ang ilaw papunta sa dining. Nakita kong malinis na at wala ng hugasin kahit isa. Nakita kong may kumot sa sofa. Wala roon na nakahiga.
May naamoy akong mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Tanging umaalingasaw na bbq ata ang naaamoy ko. Sinundan ko 'yon. Hanggang sa napagawi ako sa kinaroroonan ng tagaluto.
Paglapit ko 'y namasdan ko ang lalaking nakasuot ng apron. Nakahubad iyon ng pan-itaas na damit. Nakita ko ang kan'yang abs. Mas lalo siyang sumeksi sa paningin ko.
Mukhang init na init siya. Halata sa kan'yang katawan na basang-basa na sa pawis.Nakasilip lang ako. Takot atang magpakita ang daga sa pusa. "Hahahaha. Ano na naman ang kaartehang nasa isip ko?" bulong ko.
Napatingin siya sa akin. Nahuli niyang nakatingin ako sa iniihaw niyang bbq. Alam kong kanina pa siya dito. Hindi basta magproseso ng karne atp pagkatapos ay itutuhog sa stick ng bbq.
"Tara na. Kaunti na lang ito maluluto na. Ramdam kong gutom ka na?" Pagyaya sa 'kin. Tinanong niya ako.
"Ah. Eh, pa-parang gano'n na nga," tugon ko. Napakamot ako sa 'king noo.
Lumapit kaagad ako sa lamesa nang niyaya niya akong kumain. Naku para naman na isip bata ako nito sa bilis kong tumakbo patungo sa pagkain. Sa katunayan nga ay naiwanan ko ang isang kapareha ng aking tsinelas. Pansin ko na nagbabago ngayon ang pananaw ko sa lahat ng pagkain. Mabilis akong gutumin. Kulang na lang ata ay ubusin ko ang lahat ng pagkain sa refrigerator. Buti na lang ay tamad akong bumaba kaya ay naiiwasan ko ang aking sarili. Inabutan ako ni angelo ng bbq at sakto pa sa suka na ibinabad sa maraming sili. Grabi ns kahit anong anghang nito at balewala sa 'kin.
"Oh. Dahan-dahan lang kumain. Nabubulunan ka niyan eh." Paalala niya. Halos mapuno kasi ang bibig ko dahil sadami nang sinubo kong kanin at bbq.
"Tumatakaw ka ata sa pagkain?" tanong niya. Napatingin ako sa kan'ya habang nilalamutakan ko ang bbq.
"Oo nga eh, parang nagtataka na ako sa sarili ko," tugon ko sa kan'ya kahit maraming subo akong kanin sa bunganga.
"Kumain ka lang?" sabi niya. Bago tumayo upang kuhaan niya ako ng tubig sa ref. Pagbalik niya muli sa lamesa ay iniabot niya ang basong may laman ng tubig.
MATAPOS kung kumain ay naupo muna ako sa mini sofa. Hinanap ko sila dad at mom. Tinanong ko siya kay angelo. Syempre nakadama ako ng lungkot. Pati ba naman sa emosyon ay pabago-bago na rin. Nasa kusina pa rin si angelo dahil sa naghuhugas pa ng platong kinainan ko at mga kasangkapan na ginamit niya sa pagluluto kanina.
Naisip ko ang bagay na binitiwan sa 'kin ni dad at ng bff ko. Si dad ay may taning na at matagal na siguro niyang inililihim ang tungkol sa kan'yang sakit.
"Baka alam ni mom ang tungkol dito?" bulong ko. Nagkasabay pa kay alyana ang problema ko. Naging palaisipan sa 'kin 'yong kahapon na sinabi niya na "Ang pusa ay maaaring maging mabagsik na lion."
Gulong-gulo ang aking isipan. Bahagyang minasahe ko ang gilid ng aking ulo upang ma-relax ang sarili ko. Nang matagal si angelo sa kusina ay nainip ako. Nainis naman ako sa sobrang tagal niya. "Haist. Kainis naman. Aakyat na nga 'ko." Padabog kong niyabag ang tsinelas ko sa semento. Nakanguso ang bibig kong paakyat sa itaas.
Naisipan kong mag-shower upang matanggal ang pagkabanas ko sa sarili. Halos wala akong saplot kapag naliligo. Hubo 't- hubad ako. May c,r talaga ako sa 'king kwarto. Kahit na maliit lang ay kumportable na 'ko. Pagkatapos kong maligo ay nagtapis ako ng tuwalya para kahit na lumabas ako sa c,r ay hindi niya makita ang aking katawan. Kahit naman na nakita ni angelo ang nakatago ko ay may kahihiyan din ako. Baka maakit na naman siya kapag nakita niya akong walang suot na panloob. "Hala naman. Bakit ba lagi na lamang ang laman ng isipan ko ay tungkol sa malaswang kaisipan. Ang pagsisiping ng dalawang tao. Mukhang naadik na ako hu?" Nabatukan ko tuloy ang aking ulo.
Nagbihis ako ng maikling short at spaghetti na damit. Halos naging mapang-akit ang hubog kong katawan. Sa ganda kong ito ay lahat na ata ng lalaki sa 'kin ay nahuhumaling.
Maya-maya 'y nakaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura. Tumakbo ako nang mabilis patungong c,r. Nagsuka ako at dahil dito ay nagtaka na ako. Pumunta kaagad ako sa kalendaryo upang tingnan ang petsa kung kailan ako natapos magkaroon ng period."Teka__!" Nanlaki ang mga mata ko.
"Mukhang natapos ang buwan ay delay ang period ko!" Lakas kong sabi. Napaupo ako sa kama at mas lalong nakadama ng takot. Nang marinig ako ni angelo ay mabilis siyang pumasok sa silid ko.
"Anong nangyari?!" Tarantang tanong niya sa 'kin. "Ano magsalita ka naman Adora?!" Ulit niyang tanong. Hindi kasi ako nagsasalita. Sa halip ay natulala ako sa hawak kong kalendaryo.
"Oh my God. Angelo," mahinang saad ko. Sabay umiyak ako."Kung hindi mo sasabihin ang problema mo ay hindi ko malalaman." Lakas niyang sabi. Nakukunot na ang noo nito dahil sa kakulitan ko.
Bahagyang iniangat ko ang aking ulo at tumitig sa kan'ya. Nagtama ang aming mga mata. Lumuha ako nang lumuha. Pinunasan naman niya ang aking mga mata upang hindi na mabasa ang kakapalit kong kasuotan.
Hinawakan niya ang palad ko. Nahimasmasan na ako. Kaya minabuti ko nang magsalita upang malaman na niya ang saloobin ko.
"Angelo__ hindi ako dinadatnan!" sabay yakap sa kan'ya.
"Ah eh, bakit ka-ya?"
"Ewan ko-oh," tugon ko.
"Baka naman sadyang may delay na panahon ang pagkakaroon mo?" tanong niya sa 'kin.
"Hindi! Maganda ang daloy ng dugo ko." Mabilis na sagot ko.
"Hindi kaya buntis ako-oh?" tanong ko sa 'king sarili. Napabuntong- hininga ako.
Niyakap niya ako nang mahigpit dahil sa naramdaman niyang natatakot ako. Alam naman niya na kumplikado ang aming sitwasyon lalo 't na alam ni angelo na ikakasal ako kay carlos. Hanggang saan kaming dalawa na makakayanan ang problema kung malaman nila dad at mom ang tungkol sa amin ni Angelo? Magpapatuloy pa kaya kami o mauudlot na ang lahat ng aming pinagsamahan? Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang pinapatahan ako ni angelo, ang tunay kong mahal.
BINABASA MO ANG
Wright Protector
RomanceUnder siya ng Finish Project (PF). Team: CREPUSCULE updates every week. My Goal is to finish my work. " Keep Writing!" Started Date: July 18, 2023 Ended Date: Genre: Romance Alright reserved; 2023