Kabanata 15

0 1 0
                                    

KAGAGALING ko lang sa c,r. Ngayon rin ang ikatlong araw na kung saan uuwi sila dad at mom. Ito ang araw nang malalaman ko ang  resulta nang ginamit kong PT, kung positibo ba ito? Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang dalawang pulang guhit sa dulo. Nanlamig ako habang hawak ko ang PT.

Nakaupo ako sa bowl at hindi ko akalain, na kaya nitong mga araw ay nahihilo ako palagi. Nagsusuka, nababahuan sa amoy ng matapang na pabango at hinahanap ko ang dalandan. Maasim man o matamis basta 't kapag nakakakita ako ay nanakam ako sa prutas na iyon. Mabilis din akong mayamot, ultimong maliit lamang na bagay ay magtatampo kaagad ako. Umiiyak ng lihim. Natatakot at gutumin. Lahat pala ng senyales nang nararamdaman ko ay dala pala ng aking pagbubuntis. Paano na ito. Baka mahalata nila na lumalaki ang tiyan ko bawat araw.

Naiiyak ako habang sabunot ng isa kong kamay ang aking buhok. Nagkuyom ang palad ko dahil sa na naging resulta ng PT. Narinig ako ni angelo. Narinig niya akong umiiyak kaya tumakbo ito paakyat. Naroroon iyon sa kusina para ipagluto ako ng champorado na hiniling ko. Ayoko kasing kumain ng kanin. Tanging hanap ko lang ay 'yong mabilis lunukin.

Mas umarte ako sa pagkain. Kaya ito, namamayat ako ng kaunti. Ang dating 55 kilos ay nabawasan ng tatlo. Bumalik ako sa sensiri dad nang maulinigan ko ang boses ng lalaking 'yon. Kumatok si angelo sa c,r ng kwarto ko dahil sa para malaman niya kung anong kaganapan sa loob. Alam kong siya ang ama ng dinadala ko kaya nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. Madadamay siya sa kagagawan kong ito.

Binuksan ko ang lock ng pinto upang makapasok siya sa loob. Niyakap niya akong nang sobrang higpit. Pinunasan niya ang lahat ng luhang pumapaimbabaw sa palibot ng talukap ng aking mga mata.

"Bakit. Anong problema?" Alalang tanong niya. Malumanay siya sa pagtatanong sa 'kin. Iniangat ko ang aking mukha para tingnan siya nang diretso. Nakita ko na gusto niyang sagutin ko ang kan'yang katanungan.

"Kasi__," Putol kong salita.

"Kasi ano__? sabihin mo Adora?"

"Kasi__ Buntis ako-ooh__!"

"Talaga. YES Magiging Daddy na 'ko. Good news ito sa 'kin. Salamat sa D'yos magkakaroon na ako ng Anak." Lakas sabi niya. Ang laki nang ngiti niya sa kan'yang labi.

"Pero__ pero hindi 'ko masaya. Maaari kang mapahamak. Tatangalin ka sa trabaho mo. At ang pamilya mo ay maapektuhan ng dahil sa 'kin. Ano ang gagawin ko? Ipapalaglag ko kaya ang bata sa sinapupunan ko?" Takot kong tanong sa kan'ya. Sa mga sandaling ito ay parang hindi ko na kilala ang aking sarili.

"Hindi! Makinig ka sa 'kin. Nandito diba ako para protektahan ka sa kanila. Kahit anong mangyari ay handa 'kong bantayan ka. Guard mo ako na laging naririyan sa 'yo," saad niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at nakatingin siya nang may pag-aalalang mukha na pumukaw sa aking puso.

Natigil kami nang may marinig kaming malakas na busina sa labas. Nakita ko si carlos na bumaba sa kotse nito. Siguro mangungulit ulit siya sa 'kin. Kasama niya rin si alyana. Ano ang kailangan nila dito?

Binuksan ni angelo ang gate sa labas. Minaneho ni carlos papasok sa loob ang kotse nito. Napatingin si carlos sa 'ming dalawa. Ang talim ng mga mata nito na bumungad sa 'min. Nagulat na lang ako nang mabilis na lumabas sa kotse si carlos.


"Pak..__" Lagapak ang tunog na sumunggab sa pisngi ni angelo. Nakita ko iyon, kaya nagalit ako nang sobra kay carlos.

"Mang-aagaw. Magiging asawa ko na siya. Kaya please lang layuan mo siya. Kakausapin ko si Papa na palitan ka niya!" Malakas na tinig ni carlos habang nakaduro ang daliri nito kay angelo.

"Hoy___ ikaw ang h'wag pilengero. Carlos pwede ba ikaw ang lumayo sa 'kin. Pati ayoko na sa 'yo. Pakasalan mo ang mukha mo. Hindi na ako makikipagbalikan sa 'yo." Kontra ko.

"Anong hindi. Huli ka na para magdedesisyon na ayaw mo sa 'kin! Ilang araw na lang ikakasal na tayong dalawa. Pinapasundo ka sa 'kin ng Dad mo. May Date kasi tayo. Pinaalam ko kay Papa na may pupuntahan tayong dalawa." Mas lalo tuloy akong nainis sa mga sinabi niya.

Nagreaksyon si alyana.

"Adora. Akala mo ikaw na ang pinakamaganda.  Pwede ba rin kung magsalita ka kay Carlos ng ayaw mo na sa kan'ya ay kawalan ka ba? Hindi noh! Baka may kailangan lang siya sa 'yo. Actually hindi kita kaibigan. Wala akong bff na maarte at malandi." Insulto nito sa 'kin. Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita sa akin ng masakit. Durog na durog ang aking puso sa mga sinabi niya. Wala akong ginawang kasalanan upang magalit s'ya sa akin. Si Carlos ba ang dahilan? Isip ko. Sa sobrang sakit ng binitawan niyang salita ay nagpantig talaga ang pandinig ko. Kaya naman may ginawa ako sa impokrita kong kaibigan.

Pumunta ako sa lababo at saka kumuha ng  isang timba ng tubig at sabay na ibinuhos ko sa kan'ya. " Ano. Kakalabanin mo pa ako. Oo Kaibigan kita. Kaso sinira mo lahat ng tiwala ko sa 'yo. Si Carlos' ba? Sayong-sayo na siya__!" Nagulat siya sa ginawa ko. Hinila niya Ang buhok ko palapit sa kan'ya. Ngayon ko lang napagtanto na ang lion na sinasabi niya, ay siya pala.

"Heto ang bagay sa 'yo, Adora. Hindi ka magandang impluwensya sa maraming tao, kapag ikaw na ang maupo sa kumpanya n'yo!" Sigaw ni alyana.

"Wala kang pakeelam sa kumpanya namin,"

"Oo. Si Carlos ay akin. Kung magiging asawa ka niya ay hindi ako makakapayag. Ano para saktan mo s'ya ng paulit-ulit?!" Galit niyang tinig.

"Hindi mo alam ang dahilan. Siya ang umiwan sa 'kin. Pati tapos na kami. Ano bang kinagagalit mo, Alyana?"

"Meron. Naiingit ako sa 'yo. Ikaw na lang palagi ang hinahanap niya." Patuloy parin siya sa paghila ng aking buhok.. Inawat kaming dalawa ni carlos at angelo upang pigilan nila sa pagsambunot ng buhok ko si alyana.

Pasalamat siya hindi ako ang naunang humila ng buhok niya. Pero hindi ko na inisip kung may santo pa sa harap ko. "Kung demonyo siya, mas demonyo ako!" Isip ko. Nanlaban na 'ko. Pero sa lakas nang paghila sa 'kin ni angelo ay naawat ako sa pagsambunot ng buhok ni alyana. " Hindi pa tayo tapos, Adora. Gaganti ako-oh sa 'yo!" Salubong ang kilay nito habang madiin na binigkas iyon.

"Akala mo aatrasan kita. Lalaban ako!" tugon ko. Nangigil talaga ako. Nanginginig na 'ko sa galit. Parang ramdam ko na may kulang pa. Kulang na hindi ko siya nangudngod sa semento para paduguin ang bibig niya. "Kainis!" Bigkas ko habang masama ang tingin ko sa traydor at ingeterang kong kaibigan. Sabay pumasok ako sa loob.

Sumakay ng kotse si carlos. Hindi man ito nagsasalita ay halos magtiim bagang iyon habang nakatanaw sa aming dalawa ni angelo. Nakita naman siya ni alyana.

"Fuck. Bakit nangengeelam ka Alyana? Buntot ka nang buntot sa 'kin. Alam mo naman diba na wala akong gusto sa 'yo. Don't assumed it na magiging tayo. Kailangan ko ai Adora. Akin lang siya. Kung magpupumilit siyang maging body guard 'yong lalaking 'yon ay gagawa ako ng paraan para paghiwalayin sila!" Madiin nitong bigkas. Nakatingin s'ya kay alyana.

Natameme si alyana. Kahit miski kaunting tinig ay wala sa kan'yang maririnig.

"Ano ba ang dahilan mo Carlos. Kahit anong gawin kong pagpapaganda sa 'yo at pagsama sa mga lakad mo ay balewala pa rin ang mga effort ko. Pwe's kung gusto mo s'ya. Hindi ako papayag!" Tinig nitong malakas.

Sabay na lang lumingon si carlos kay alyana upang sakalin. Bumakat ang kamay nito na ikinapula ng balat niya. "Bi-tawan mo ang leeg kooh__?, Carlos. Nasasaktan ako?!" Hiling nito.

Binitawan ni carlos ang leeg niya, halos masuka-suka siya. " Naging sakim ka na!" Pahabol na salita ni alyana....

Nang nagbanta na si carlos sa kan'ya ay natahimik siya habang hawak nito ang leeg niya. Halos nga 'y masuka siya sa ginawa ni carlos. Pero hindi niya inaakala na kaya s'yang saktan ni carlos. Nagreaksyon na siya.

"DONT you expect much na ikaw ang pipiliin ni Adora. Kung makasakal ay wagas. Kapag napuno ako sa 'yo ay kahit may giso ako sa 'yo ay ipapakulong kita." Singhal niya kay carlos.

Tumingin si carlos sa kan'ya nang malalim. Nang mapatda ni alyana na galit 'to ay tumigil na siyang muli. Nagmaneho na si carlos upang ihatid nasa bahay si alyana. Mabilis ang takbo niya kung kaya 't umandar iyon ng walang pangamba.

Ano ang susunod na kabanata?

Wright ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon