Kabanata 22

0 1 0
                                    

BUHAT-BUHAT ako ni angelo papunta sa mansyon. Agad na binuksan ng maid ang gate kaya nakapasok kami. Mabilis s'yang nagtungo sa sofa para ilapag ako. Nagagalit pa sila mom at dad sa kan'ya, kung bakit dito pa ako sa bahay dinala. Dapat sa clinic. Alam kasi ni angelo na buntis ako. Kaya alam niyang nahilo lang ako, kaya 'yon natumba ako. " Anong nangyari sa Anak ko?" Maiyak-iyak na sabi ng mom ko. Hinipo niya ang noo ko. "Oh. Mataas ang lagnat ng Anak natin, Sebastian!" Biglang tingin ni mom kay dad.

Hindi mapakali si dad kaya naman ay tumawag na s'ya sa hotline ng doctor. Sumagot naman iyon sa kabilang linya kaya napanatag na ang loob nila. Ibinaba n'ya na ang cellphone.

"Ano anong oras daw si Doktora makakapunta?" tanong ni mom kay dad. Natatakot na s'ya sa kung ano ang mangyari sa 'kin. Hindi na ni mom malaman kung ano ang gagawin. " Maya-maya na Hon. On the way na," tugon ni dad. Pabalik-balik s'yang tumawag sa doktor kaso coverage area na. Nagsimangot ang mukha ni dad dahil sa naiirita na rin 'yon kay mom. Ang kulit kasi ni mom.

Habang naghihintay sila ay nagtanong si dad kay angelo. " Angelo pinabayaan mo ba ang anak ko habang wala kami dito? Ang laki ng tiwala ko sa 'yo. Bukod do'n ikaw 'yong tumagal na body guard niya kaya swerte ang anak ko, pero parang nagkamali ata ako?" tanong ni don sebastian sa kan'ya. Napalunok siya ng makailang ulit. Hindi niya alam kung sasabihin na ba n'ya. "Don, Sebastian..." Naputol nitong sabi. Bigla kasing nagkamalay si Adora.

"Mom, Dad bakit anong nangyari sa 'kin?" Nakasapo ako sa 'king noo habang nagtatanong.

"Nahimatay ka na lang anak sa gitna ng 'yong kasal," tugon ni mom.

Nanlaki ang mga mata ko kasi nakita ko na may palapit sa 'min na doctor. Naku malalaman na nila ang totoo. Gusto nila mom malaman kung maayos pa ba ang mga vitals ko. Kung ano ang dahilan ng pagkatumba ko.

"Mom. Hindi ko na kailangan magpa check-up pa. Ayos na 'ko ngayon!" Kabado kong saad.

"No. Kailangan kong malaman kung anong dahilan kung bakit ka nalang natumba." Hindi ko na magawang magreklamo pa dahil sa kumuha na rin ang doctor ng kagamitan niya para malaman niya 'yong heartbeat ng puso ko. Itinapat niya ngayon iyon sa tainga n'ya at saka pinakinggan ang kabog na aking puso. Napatingin siya sa 'kin at naramdaman kong nagulat siya sa nakita at narinig niya. Nakita niya ang malapit na pulsuhan ko sa leeg ay talagang mabilis. Ganoon din sa bahagi ng pulso ng kamay ko naramdaman niyang mabilis rin.

"What happened with my daughter?" tanong ni dad.

"No problem Sir. It's said to you this are normal to your daughter because she is pregnant," tugon ng doktora sa kanila.

"Ano?! Pakiulit nga?!" Mataas ni mom na tinig.

"Ma'm and Sir. Tama ho ang narinig n'yo. Ang anak n'yo 'y nagdadalang tao. Nasa weeks na s'ya ho. Sige ho aalis na 'ko. Kailangan lang n'yang magpahinga at hindi dapat siyang pa laging na-stress dahil sa makakasama ito sa bata." Payo ng doktora bago umalis. Pagkataliood ng doctor ay saka nag-reaksyon sila mom at dad.

"Walang-hiya ka-ahh! Angelo Mapapatay kita!" sabay sinunggaban ni dad nang malakas na suntok. Hindi ni angelo naiwasan iyon. Alam niyang masusuntok na siya ay pinabayaan n'yang saluhin ang kamao ni dad.

"Anong ipapaliwanag mo Angelo?! Pinagkatiwalaan ka namin tapos tinaraydor mo kaming dalawa ng asawa ko. Walang utang na loob. Kaya pala 'y imbes na si carlos ang magdadala sa anak ko, ikaw ang nagbuhat!" Maiyak-iyak ni mom na boses.

Nakatayo lang si angelo habang sapo nito ang bibig na nagdurugo. Pinilit kong tumayo na kahit nahihilo pa rin ako. Tinanggal ko ang sandals ko para mabilis ko s'yang malapitan. Humarang ako sa harapan ni angelo. Pero pilit n'ya akong inilalayo. Sinadya n'yang magpasuntok at magpasampal. Halos tulo na ang mga luha ko sa kaiiyak.

"Tama na Dad at Mom. Ako ho ang may kasalanan nito. Ginusto ko talaga ang nangyari!" Sigaw ko. Inaawat ko si mom dahil sa patuloy pa rin s'ya sa paghampas ng kan'yang mabigat na kamay. "Umalis ka d'yan Adora. Gaganti ako. Siya ang lalaki ay dapat kinontrol niya ang pagiging manyakis n'ya!" Sigaw nito.

Si dad naman ay abala sa pagtawag sa cellphone. Ano kaya ang dahilan? May kausap iyon. Lumipas ang kalahating oras ay may tumunog na lang sa labas. Tunog ng busina ng pulis. May pumasok sa loob na mga panauhin.

"Don, Sebastian. Siya ba si Angelo Sherif Gusman ang nan- rape sa anak n'yo?" Habang may hawak ang dalawang pulis na posas.

"Oo s'ya nga. 19 pa lang ang anak ko. Walang hiya 'yan lalaki na 'yan. Binuntisan n'ya ang anak ko," saad ni dad.

"H'wag Dad. Please Mom. Nakikiusap ako h'wag n'yo s'yang ipakulong!" Maluha-luhang tinig ko. Halos lumuhod ako sa harap nila subalit walang epekto. Paano ko siya ipaglalaban huli na. Tumingin siya sa 'kin. Tumayo ako para lumapit sa kanya. Ngunit, hinila ako ni mom palayo sa kan'ya.

" Ingatan mo ang anak natin. Palakihin mo s'ya ng maayos. Mahal na mahal kita Adora." Iniwan niyang salita. Pinosasan na ang pareho n'yang kamay. Alam ko na wala s'yang kasalanan. " Dad please. H'wag n'yo naman pagkaitan ang magiging apo n'yo ng Ama. Tulad n'yo 'y Ama rin, at ramdam mo kung paano mawalan ng isang magulang."

"Hindi. Kaya namin alagaan ka at ang apo namin kahit wala 'yang lalaki na 'yan!" Kahit nakasalamin si dad ay nanlilisik talaga iyon sa galit.

Umiyak ako nang umiyak halos napaupo ako sa semento. Naroroon pala sa likuran si carlos at saktong narinig nito ang lahat ng sinabi ni dad kay angelo. Habang pasakay ng police car si angelo ay biglang hinabol ng suntok ni carlos iyon. Nadagdagan tuloy ang dugo nito sa mukha. Napasigaw ako kahit nasa malayo sila. Buti na lang ay may pulis na kaagad na umawat.

"Tama lang na mabulok ka sa bilangguan. Traydor! Noon pa talaga wala na 'kong tiwala sa pagmumukha mo Angelo!" Malakas nitong saad kaharap ang mga pulis.

Tumakbo ako kung saan ang kinaroroonan ng aking mahal. " Angelo. Sorry sa ginawa ko?" Naiiyak ako habang nakahawak sa pisngi niya.

"Wala kang kasalanan. Pwede bang mag-request ako sa 'yo Adora. Ikaw na ang bahala sa mama ko. Kung pwede lang sana ay h'wag na sanang makarating kay mama ang tungkol sa 'kin." Hiling niya. Bumulong siya sa 'kin. Tumango -tango ako sa kan'ya habang patuloy parin na lumuluha.

"Adora, halika dito. Layuan mo ang Rapist na 'yan!" saad ni mom. May halong paninindak ang kan'yang tinig. Hinila niya ako palayo kay angelo. Umalis na si angelo na kasama ang mga pulis. Naiwan akong luhaan. Nakatanaw lang ako sa malayo. Inis na inis ako sa mga magulang ko ngayon pati kay carlos. Ayokong lumaki ang anak ko na hindi niya makikilala ang kan'yang tunay na ama. Hindi na 'ko nakatayo pa sa sobrang paghihinagpis. "Pumasok na tayo sa loob. Hija halika na," pagmamakaawa ni mom.

"Hayaan mo s'ya sa gusto niya Hon. Oo Apo ko ang nasa sinapupunan niya pero masama pa rin ang loob ko sa kanya!" Lakas boses ni dad. Pumasok na sila. Naiwanan kaming dalawa ni carlos sa labas. Nalaman niya na ang totoo baka sa pagkakataon na ito layuan n'ya na 'ko.

Matutuloy pa kaya ang balak ni carlos?

Wright ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon