Kabanata 17

0 1 0
                                    

NATUKLASAN ni alyana na magsisimula ulit kami ni carlos. Kaya mas naging lion ito. Siguradong may mga hakbang na gagawin si alyana, ang kaibigan kong ingetera na matagal ng may tinatagong demonyong ugali. Alam ko na matagal ng may lihim siyang pagtingin sa ex- boyfriend ko. Ngunit, ako kasi ang pinili ni carlos kaysa sa kan'ya.

"Papayag na 'kong makipag-date kay Carlos. Pero pwede pa akong umatras sa kasal, kapag gusto ko." Isip ko. May nasaktan man ako ay kinakailangan kong gawin ito. Pareho sila ni dad at angelo, ang mahalaga sa desisyon ko.

Nahirapan ako sa biglang isip ko. Nalulungkot ako sa naging resulta ngayon ng pasya ko. Kailangan ni dad na mapunta ako kay carlos bago siya mamatay. Pero si angelo ang ama ng magiging anak ko, at mahal ko na siya. Naguguluhan talaga ako. Kung magpakamatay na kaya ako? Minsan ito na ang naiisip ko. Kaso sabi ko 'y may madadamay ako sa gagawin ko, ang anak ko sa sinapupunan. Wala siyang kamalay-malay. Kaya iniba ko ang sarili kong pananaw. Tahimik akong nag-iisip habang nakatingin sa mga gusaling nadadaanan namin.

Bago ang kasal namin ni carlos ay nasa limang araw pa. Matatatagalan pa naman, kaya maaari pa akong bumitaw sa kan'ya. Nakita kong tahimik lang si angelo habang nagmamaneho. Naramdaman ko na hindi siya umimik sa 'kin. Alam kong hindi siya sang-ayon sa ginawa kong pasya. Paano ko kaya 'to matatakasan? Sige bago ang kasal may gagawin akong mas nakakagulat. Sasabihin ko na ang totoo. Ayos lang na magdusa si carlos kaysa kay angelo. Handa na akong ipaglaban si angelo. "Handa na," bulong ko.

"What are you talking, My Wife?" tanong sa 'kin ni carlos.

"Nothing," sabay lingon kay angelo. Nakita kong ang mga mata niya 'y nakikiusap sa 'kin na sundin ko ang bulong ng puso ko.

Nagtaka si carlos. Pakiramdam ata nito na may relasyon na sa 'ming dalawa ni angelo. Kaya naman ay nagsalita ito ng malalim na boses. " Angelo. Kung gusto mong agawin ang magiging asawa ko. Magkakamatayan muna tayo." Pagbabanta ni carlos. Hinawakan nito si angelo sa balikat. Nanlisik ang mga mata ni angelo. Dahil sa mahigpit ang pagdampi ng palad nito sa balikat niya. Nainis ako kay carlos. Pinigilan ko siya. " Ang yabang mo rin talaga!" Sigaw ko. Sa matinding hidwaan ng dalawa ay nagpasya kaming umalis na. Buti naman ay nakinig si carlos sa utos ko. Kung hindi baka ipahuli ko siya.

MALAPIT na rin kami sa sikat na restaurant na tinatawag na LUTONG THE BEST RESTAURANT. Huminto ang kotse sa harap ng restaurant na 'to. Pinagbuksan ako ng pinto ni carlos. Si angelo sana ang magbubukas para sa 'kin. Kaso naunahan na siya ni carlos. Naiiling ako sa nangyayaring ito. "Kaunting tiis pa, mahal ko. Sasabihin ko na rin kay Dad at Mom ang totoo." Isip ko habang naglalakad. Nagtungo kaming dalawa sa loob. Naiwan naman si angelo sa kotse. Napalingon ako sa kan'ya. Nais kong huminto para hilain siya. Oo mahahalata kami kung magpadalos-dalos ako. Kailangan ko ng tamang-oras.

PUMILI si carlos sa menu. Habang naghihintay kami ng pagkain na in-order niya ay naramdam kong naiihi ako. Kaya tumayo ako upang balakin na magtungo sa c,r. Mabilis na rin akong maihi. Maya 't-maya talaga. Buti na lang ay may malapit ditong comfort room kung wala, lagot na. Kahit magpabalik-balik ako, at magbayad nang paulit-ulit ay ayos lang.

"Saan ka?"

"Sa C,r. Sama ka?" Pabalang na tanong ko sa kan'ya.  .

Natahimik siya sa pagiging mataray ko sa kan'ya. Kung maglilihi ako ay h'wag sa kan'ya. Gwapo nga pero pangit naman ang kalooban.
Lumakad na 'ko papuntang loob. Nagsuka ulit ako. Umikot muli ang aking sikmura. Ayokong kumain. Parang gusto ko pa ang champorado na niluluto sa 'kin ni angelo at hinahanap ko 'to ngayon. Pagkatapos kong mag c,r ay lumabas na 'ko. Sakto rin na may nakahain nasa lamesa na mga pagkain. Ngumiti si carlos at inihanda niya ang aking uupuan. Gentle man na naman. "Para ano mahulog ulit ang loob ko. No thanks." Isip ko.

Hindi ko s'ya pinayagan na iatras ang upuan ko. "Thanks na lang. Ako na ang bahala." Pigil ko. Tumingin siya sa mata ko. Mukhang nahalata niya na iniiwasan ko siya.

Tahimik lang kaming dalawa. Nanguna siyang magsalita. " May relasyon ba kayong dalawa ni Angelo?" tanong niya sa 'kin.

Habang naghihiwa ako ng karne ay nasamid ako. " Hmmm. Anong tanong 'yan?"

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Adora?" Lumakas nang kaunti ang kan'yang tinig sa natural na tono kanina.

"Well. Gusto mong malaman. Paano kung sabihin ko sa 'yo na mas gusto ko s'ya kaysa sa 'yo. May angal ka ba?" Binara ko siya. Kung sa totoong sagot ay ito na ang panama ko.
Nagkunot ang mga kilay niya sa pagsabi ko.

"Hindi! Nahihibang ka na ba, Adora. H'wag kang magtatangkang maging kayo ng pipitsugin na body guard mo. Akin ka na. Subukin niya lang na agawin ka sa 'kin. Mamatay si__!" Pagbabanta niya. Mahina man ang boses niya. Pero may dating ang mga binitawan niyang salita. Nag-isip ako ng ibabatong tugon ko sa mayabang at manloloko na kaharap ko.

"Oh. Talaga. Gawin mo. H'wag mo 'kong subukan Carlos. Kapag nangyari 'yon hindi mo  makakamtan ang hinahangad mo. Makukulong ka na wala sa oras."

Natahimik kami. Natamaan talaga siya sa mga pinagsasabi ko. Pasen'ya siya kung mas matalino ako sa pagsagot." MS. Q & A lang hahahaha." Isip ko. Sabay tawa nang mahina.

Nakita niya ang pagtawa ko, kaya nawalan siya nang ganang kumain. Nagpunas s'ya ng mukha gamit ang tissue. Pareho naman kaming walang ganang pagkain. Dahil sa nasusura ako sa mga pagkain pinili niya. Matatawag ba 'tong date. Sa tingin ko 'y nadismaya siya sa mga asal ko. Tama lang sa kan'ya 'yung ginawa ko.

"Adora. May problema ka ba sa 'kin? Bakit  parang sobra kang Hypher sa 'kin. Alam mo sa kagaganyan mo. 'NAIINIS AKO SA 'YO!" Lumakas ang tinig niya sa salitang naiinis. Nagtinginan tuloy ang mga taong nasa paligid namin. Hindi na 'ko nahiya dahil sa makapal ang mukha ko sa gantong eksena. Si carlos siguradong hindi.

Mas nakilala ko na s'ya. Sa tagal kasi namin ay nakikita kong pakitang tao siya. Napakagaling ng Best Actor na ex-boyfriend ko. Akala niya lahat ng babae ay magpapauto sa kan'ya. Ako hindi na. Dati 'yon at hinding-hindi na mauulit.

"Nauna na akong tumayo. "Hindi ito Date Carlos. Uuwi na ako. Pati iwasan mo 'yong katatawag sa akin na magiging asawa ko. Kasi wala pa nga akong sagot kung papakasalan kita." Salitang binalik ko sa kan'ya. Nanlaki ang mga mata niya.

Tumalikod ako. Dahan-dahan akong naglakad dahil sa baka madulas ako. Napansin niya ata 'yong paglalakad ko. Medyo tumataba rin ako paglipas ng tatlong araw. Hindi pa naman nila halata 'yong tiyan ko. Sigurado 'y kapag may buwan na doon na nila malalaman na buntis ako. Natanawan ko si angelo sa labas na nakatayo lang. Naghubad ako ng heels para makalakad ng maayos. Masakit na kasi 'yong sakong ko. Ewan ko ba kasi kung bakit naghanda pa 'ko ng magandang shoes tapos pangit pala ang resulta ng date. Sayang ang pormahan ko. " Angelo. Pakihatid mo na 'ko. Gusto kong umuwi na." Utos ko sa body guard ko.

Alam kong nasa likuran namin si carlos at gulat na gulat nang nagpasya akong umalis. Bahala siya sa kan'yang sarili. Hindi ko na siya alalahanin kung maiwan s'ya. Basta kapag gusto ko. Dapat na magawa ko 'yon. Kasi baka magsisi pa ako. Nayayamot na naiwan si carlos. Halos magkuyom ang mga palad nito at magkadikit ang mga ngipin sa galit.
Umandar na ang kotse ko. Naidlip muna ako sandali dahil sa nakaramdam naman ako ng antok. Hiniling ko rin kay angelo na magbukas ng musika kahit mahina. Patuloy na siya sa pagmamaneho.

Ano kaya ang mararamdaman ni carlos sa pag-iwan ni Adora sa kan'ya? Paano kung isang araw ay mabunyag na ang lihim ni Adora ng kan'yang mga magulang?

Wright ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon