HINDI ako pumayag sa kagustuhan ng lokong lalaki na 'yon ang makipag-date sa kan'ya. Matapos ang panloloko niya sa 'kin! Balak niya pang gawin akong tanga at laruan. Patalikod silang dalawa ng traydor kong kaibigan. Matagal na palang may tinatago si alyana na galit sa 'kin. Hindi ko lamang nahalata. "Bahala siya, mamatay s'ya sa selos at inggit." Madiin kong tinig. Bumalik ako sa sensiridad nang may tumunog na cellphone.
Tumawag sila mom sa cellphone number ko. Pumayag na raw akong makipag-date kay carlos. Kung hindi ay may konsensya -moves na naman si dad. " Sabihin mo sa 'yong anak na nangako siya sa 'kin. Bago ako 'y pumanaw ay dapat nasa maayos na ang ating kumpanya. May papel siya bilang anak natin. Ang sumunod sa lahat ng ating mga desisyon!" Pasabi nito kay mom para iabot sa 'kin ang mensahe ni dad.
Oo nasa kanila ang karapatan ko bilang kanilang anak. Pero ang sundin sila sa mali. Para sa 'kin ang piliting ipakasal sa taong hindi ko mahal at matagal ko nang nakalimutan ay isang kamalian. Palibhasa 'y ang lagi na lang laman ng kanilang isipan ay ang kumpanya at hindi ako.
Kumpanya na hinahabol ng lahat ng mayayaman. Mahilig mag-coordinate sila kay dad kapag pa-bunk-crup na ang kanilang mga kumpanyang hawak. Isa na ang daddy ni carlos. Si Tito luis na handang ibenta ang anak nito sa amin para ano? Ipalit nila ako sa kumpanya at si carlos ang kapalit ng kagustuhan ni dad, ang ipakasal sa lalaking ito para bago siya pumanaw raw ay pareho kami ng magiging asawa ko ang magpapatakbo sa kumpanya, bago siya mawala sa mundo.
Gulong-gulo ang aking isipan. Hindi ko nagawang lumingon kay angelo, habang nasa tainga ko pa rin ang cellphone. Gusto kong may makausap. Kaso sj angelo ay nararamdaman kong parang gusto niyang ihanda ang sarili nitong kamao upang sugurin si carlos, sa oras na makipagkita ako doon. Paano ang tungkulin niyang body guard ko ay maglalaho na lang bigla Kung sakaling mag-asawa na 'ko. Pinasya kong ibaba ang cellphone ko upang ituon ang aking pansin sa kaharap kong umuusok na ata ang ilong sa sobrang galit. Hinawakan ko s'ya sa kamay.
"Angelo. Hindi ko kayang makita kang magdusa. Alam kong kapag nalaman nila Dad na buntis ako. Nakakatiyak akong ilalayo ka n'ya sa akin. Ayokong makita kang magdusa. Ayokong mag-isa 'kong harapin ito. Dapat magkasama tayo. Magkasama tayo, Mahal ko." Naiiyak kong sabi.
Niyakap ulit ako ni angelo. Naramdaman niyang natatakot ako. Kaya mahigpit ko rin siyang niyakap para ipadama sa kan'ya na mahal na mahal ko siya. Siya lang ang nais kong makasama sa hirap at ginhawa. Kahit na hindi ako sigurado kung magkakatuluyan ba kami o magkakahiwalay? Basta ang nasa puso ko ang panindigan at ipaglaban ang karapatan ko bilang babae. Ang piliin ang nasa puso ko. Hindi 'yong niloko pa ako tapos ang tanga ko na kung babalikan ko pa si carlos. Para ba magsimula pa at kapag nagtagal ay maghahanap na naman.
Inalis na ni angelo ang yakap niya sa 'kin. Tiningnan niya ako mata sa mata. "Hindi kita hahayaan na maikasal kay Carlos. Kung paglalayuin naman tayo ng tadhana ay pipilitin ko pa rin na baguhin ang nakaguhit sa 'ting palad. Handa akong maghintay sa tamang panahon. Pero hangga 't kaya ko pang lumaban ay haharapin ko sila," saad niyang halos tumusok sa aking dibdib. Pinalalakas niya ang loob ko, kahit sa kabila na nag-iisip ako kung susundin ko ba sila mom at dad.
Umupo kami sa sofa upang kumalma ako. Balisa ako. Sa mga kinikilos ko ngayon ay naninibago ako. Natatakot ako. Nakakadama rin ako ng stress. "Kailan ba magbubukas ang Center?" tanong ko.
"Ah. Meron bukas na Center. 8 to 2 pm lang sila- open. Sasamahan kitang mag-pa-check-up sa Doktor,_."
Buti may alam siya kung anong araw ang schedule ng center. Inalam niya talaga para sa 'kin. Ganoon na lang talaga n'ya ako pinahahalagahan. Baka maisipan kong magpasama kay angelo at sa ikalawang linggo ako magpa -check-up.
Nakikita ko ng mabuti siyang tao ay tiyak ako na kapag nagkaanak kami ay magiging mabait na siyang ama para sa aming mga anak. Sobra na ata ang pagka-illusyunada ko. Pinahid niya ang mga natitirang luha ko sabay na pumunta kami sa kusina upang kumain ng break-fast.
ALAS-nwebe ng umaga. Matapos na puntahan ako ni carlos at alyana ay sa oras na ito ay aalis kaming dalawa ni angelo. Sa pag-aasikaso sa 'kin niya ay wala na 'kong masabi. Kapag nagtagal ay hanap-hanapin ko siya. Kaya hanggang madalas pa kaming magkasama ay nilulubos namin. Tumawag naman si dad kay angelo. Hindi ko naman alam kung ano ang ipaparating nito sa kan'ya.
"Hello. Nasaan ang senyorita Adora mo? Diba sabi ko ay pumunta siya dito kasama mo. Ano ba mag-aayos ka ba bilang body guard niya? O Tatangalin kita para palitan ka-ah?" Pagbabanta sa kan'ya ng dad ko. Sunod-sunod ang tanong nito sa kan'ya.
"Andito ho-h, Don, Sebastian," tugon niya.
Tumingin si angelo sa 'kin. Tumingin rin ako sa kan'ya. Alam ko na ako ang hinahanap ng tinig na 'yon. Kilala ko agad kung sino 'yon? Si dad na kahit magmakaawa ako ay makikita pa rin sa kan'ya ang pagiging matapang at matalino. Hindi mo siya maiisahan. Ibinaba na ni dad ang tawag.
Naisipan kong magbihis dahil sa naaawa ako sa kan'yang sitwasyon. Naiipit siya sa akin. Pinaliwanag ko ang lahat kung mag-iba ang ihip ng hangin. Ibig kong sabihin ay maaari kong tanggapin ang naging pasya nila mom at dad. Malungkot akong inalalayan ni angelo.
SUMAKAY na 'ko sa kotse. Si angelo ang maghahatid sa 'kin. Babalik na rin kasi ako sa tunay namin mansyon. Kaya minsan naiisip kong mas gusto ko pang kasama ang mga pusa at aso kong alaga kaysa sa pamilya kong magulo ang utak. "Adora h'wag kang magpaka-stress? Baka maapektuhan ang magiging Anak nating dalawa." Pag-aalala niya. Tumango na lang ako sabay binuksan ang bintana ng kotse upang makalanghap ng sariwang hangin.
Minsan nag-iisip ako na tama bang lagi nila akong diktahan sa mga gusto ko. Alam ko na mahirap para sa mga magulang ko na kung paano nila ako mapasunod? Na isang araw na lang ay magising ako sa reyalidad. Tulad ng pa'no ko haharapin ang problema lalo 't sa kumpanya. Makakaya ko nga bang mag-isa? Siguro nga 'y tama na rin silang dalawa na magpakasal ako. Tapos kapag naipanganak ko ang nasa sinapupunan ko ay sasabihin ko na kay carlos ang dinadala ko para hindi si angelo matanggal sa trabaho. Kailangan-kailangan niya rin kasi para sa maintenance na gamot ng kan'yang mama.
DUMATING kami sa mansyon. Inalalayan niya akong bumaba sa kotse. Tahimik siya at nakikita kong nalulungkot siya sa naging pasya ko. Habang malayo pa lang kami ay natatanaw ko na sila dad, mom at syempre ang manlolokong lalaki, si carlos. Nakaupo sila, habang tinutungga ang isang basong maliit na may lamang wine. Nakatingin sila sa 'min.
Paglapit namin ay agad nang tumayo si carlos upang yayain akong makipag-date. Nakatingin si dad sa 'kin at hinihintay nito ang aking pasya. Oo gagawin ko ang lahat para sa minamahal kong si angelo. Ayoko siyang mapaalis ni dad. Umiiling si angelo, at nababasa ko ang kan'yang titig. H'wag raw akong pumayag. Pero lumingon ako kay carlos. Binalewala ko ang pag-iling ni angelo. "Pasensya ka na." Isip ko.
"Adora, please. Can be with you Date tonight?"
Malamlam na mga mata nito habang nakalahad ang isa niyang palad sa harapan ko."Yes." Mabilis pa sa isang minuto ang sagot ko.
Habang nasa sofa sila ay nakatingin ako kay angelo. Paakyat kasi ako kasama ang maid kong si mae, ang personal maid na taga-ayos ko. Alam kong nagtitimpi lang s'ya. Nagseselos siya. Pero anong magagawa ko. Kailangan kong sundin si dad. Alam naman niya na para sa kan'ya ang gagawin ko. Kaya gagawin ko ang desisyon ni dad.
Ilang minuto rin bago ako naayusan ni mae. Mas naging princess ako sa suot kong pink dress na bumagay sa balingkinitan kong baywang, na tugma sa kulay ng balat ko. Suot ang pink din na shoes na may takong. Mahinhin akong bumungad sa hagdan. Naghihintay doon si carlos. Naalala ko si angelo. Ang mga tagpong hindi ko malilimutan, kahit na lumipas ang ilang taon. Napagawi ang tanaw ko sa malayo sa 'king harapan. Paalis si angelo. Kita kong mas nagalit siya. Saan kaya siya pupunta? Hindi ako mapalagay, baka aalis na siya? H'wag naman sana. Natatakot ako.
"Youre look so Beautiful. My Future Wife," saad niyang nakangiti. Hindi ko siya tinugon. Binalewala ko lang ang sinabi niya.
Namanhid ang tuhod ko kaya hindi ako makalakad nang maayos. Nagulat na lamang ako nang binuhat ako ni carlos. Nagpumilit naman ako na ibaba niya ako, pero ayaw niya.
Naroroon pala sa labas na naghihintay si angelo. Siya pala ang driver rin namin ni carlos. Nakayuko ako, dahil sa tingin ko 'y masakit kay angelo na makita niyang iba ang kasama ko. Sana 'y ikaw na nga lang si carlos.
Ibinaba na 'ko ni carlos sa kotse. Tumingin pa sa 'kin si carlos. Kaya nagtama ang aming mga mata. Nakita ko ang pagsulyap nang tingin ni angelo sa 'min. Agad kong binaleng ang ulo ko nang malapit na sa labi ko ang labi ni carlos.Ano kaya ang mangyayari sa pagitan namin tatlo? Love triangle ba? o bukod sa 'kin ay may gusto pang may umeksena?
BINABASA MO ANG
Wright Protector
RomanceUnder siya ng Finish Project (PF). Team: CREPUSCULE updates every week. My Goal is to finish my work. " Keep Writing!" Started Date: July 18, 2023 Ended Date: Genre: Romance Alright reserved; 2023