Daniel POV
Nandito ako ngayon sa hallway, hinihintay si Kath, habang naglalaro ng zombie tsunami. Dito ko nalang ibubuhos yung inis ko kanina sa mga punyetang lalaki na naka-away ko sa canteen kanina. Iniimagine ko sila tong pangit na zombie na to.Tsk. Ang papangit naman nila.
"Shet! Ang gwapo talaga niya."
"Sinabi mo pa. Ang hot niya pag seryoso siya."
"Sino kaya ang hinihintay niya jan?"
"Oo nga no. May girlfriend na kaya siya?"
"Tanungin natin. Bilis."
Ang daldal naman ng mga babaeng to. Kinuha ko tuloy yung earphone ko, sumandal ako sa pader at nag-music nalang para hindi ko sila marinig. Nagulat ako ng may kumalabit sakin. napadilat agad ako at nakita ko si Kath. Napa-smile tuloy ako.
Kath; Let's go? aya niya.
Binulsa ko na yung earphone ko at kinuha ang bag niya. Pagtalikod namin, nagulat ako na naka nga-nga ang mga babaeng maingay kanina. Problema ng mga to?
DJ; Tagal mo. sita ko kay Pusa. Habang naglalakad kami. Nagpout lang siya.
Kath; Ee kase naman, yung prof namin ang daming pinapa-review samin. Nakakainis nga e." baby talk niya.
DJ; hay, kawawa naman ang baby pusa ko. Napagod." panlalambing ko. Hinalikan ko siya sa noo at inakbayan, humawak naman siya sa bewang ko. "Gusto mo bang mag-mall muna tayo bago kita ihatid sainyo?" pag-aaya ko sakanya.
"No. Next time nalang babe. I'm already tired" mahinang sabi niya.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at agad naman siyang pumasok at umupo sabay pikit. Hay. I guess she's very tired because of her study. Parehas lang naman kami, pero ako kakayanin ko pa naman. Pumasok na rin ako sa kotse at pinaandar na. Nakapikit lang siya sa buong byahe. Napapatitig lang ako sa mukha niya pag humaharap ako sakanya.
Ang amo ng mukha ng mahal ko. Sobrang ganda niya pa rin kahit na wala siyang make-up. Ayaw ko siyang nagmemake-up kase lalo siyang gumaganda baka mas marami pang magkagusto sakanya. Baka makapatay pa ako pag nangyari yun. AKIN LANG TO.
Sana kami pa rin hanggang huli, kahit na may mga dumating na problema samin. Sana makayanan namin ang mga yun. Nagpark ako sa harap ng bahay nila.
DJ; Babe." sabay yugyug sakanya ng mahina. "babe, we're here. Wake up na." sabay tapik sa pisngi niya.
Kath; Hmm. Babe, karga" baby talk pa rin siya hanggang ngayon. "Karga mo ako please?" No choice. Lumabas ako ng sasakyan at binuksan yung pinto sa side niya. Kinuha ko muna yung bag niya bago ko siya kinarga ng bridal style.
DJ; Hay. Ang bigat mo talaga babe." asar ko sakanya. Sinampal naman niya ng mahina ang pisngi ko, kaya naman natawa ako. Kumatok muna ako sa pinto nila, baka nanjan si Tita Min nakakahiya naman kung basta-basta nalang ako pumapasok sa loob ng bahay nila no.
Mommy Min; Oh, DJ anak bat naka karga sayo yan?" gulat na tanong niya pagkabukas ng pinto "Pasok na kayo."
DJ; nakatulog siya sa byahe Tita. Pagod daw siya sa pag-aaral niya" sabi ko. Ilalapag ko na sana si Kath sa sofa nila ng:
Mommy Min; Diretso mo na siya sa kwarto niya. Baka mahulog pa siya jan sa likod ba naman matulog niyan." natatawang sabi niya.
DJ; Osige Tita." paakyat na sana ako ng may maalala ako "Ah, Tita andyan ba si Tito Teddy?" tanong ko.
Mommy Min; Parating na din yun. Dito kana, magmiryenda ah?"
DJ; sige po."
Pagpasok ko sa kwarto niya agad ko siyang nilapag sa kama niya at inalis ang sapatos niya. Umupo ako sa gilid ng kama at sumandal sa headboard. Sumakit likod ko dun ah.
Kath; Babe.
DJ; Hmm?
Kath; Come.
Humiga ako sa tabi niya. Agad naman niya akong niyakap, hinalikan ko siya sa noo niya at pumikit na rin "I love You babe."
~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
UPDATED. SUPPORT. COMMENT AND VOTE. SALAMAT NG MARAMI!!
BINABASA MO ANG
Regrets from the Past
أدب الهواةSecond story ko pala to. Kaso dinelete ko yung una kase ang jeje pa nun. Hahaha. Wag masyadong mag expect sa story ko baka kase hindi niyo magustuhan e. PLEASE. READ. COMMENT AND VOTE. Thanks. :)