KLEIN'S POV:
*8 YEARS AFTER*
* It's been 8 years na, naka move on na ako at nag umpisa ulit ng mamuhay ng mapayapa, wala narin akong balita kina Rebecca simula nung nag divorce kami at tuluyan narin siyang nawala sa isip ko simula nung nakilala ko ang lalaking nagpapasaya sa akin. May sarili narin akong pamilya , kasal na ako pero hindi sa babae kundi sa lalaki, siya si RYAN CANAJERO, masasabi kong gwapo siya dahil may pagka hawig siya sa aktor na si Mr. Ryan Agoncillo, naks!!😅😅 kaya pinangalanan daw siyang Ryan ng mga magulang niya dahil kamokha daw talaga siya ng aktor. Nakilala ko siya dahil costumer namin siya sa coffee shop, at naging mag jowa kami since 2 years. Simple lang siya at ang trabaho niya ay isang electrician sa school na malapit lang din sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. May dalawa kaming anak puros babae. Ang panganay kong si Ayisha Madlen o (Yisha) ay kaka 3 years old lang at ang bunso na si Juana louise o (Yohan) naman ay isa at kalahating taon na, Simple lang din ang aming pamumuhay, simula nung kinasal kami ni Ryan ay umalis na ako sa bahay nila Nam dahil may nabili naman kaming bahay na malapit-lapit lang din kila Nam.
.........
* Andito ako sa coffee shop kasama si Heng, hindi parin ito nagbabago sa ugali niya, palabero at minsan mapang asar din, Actually, Heng is gay at may boyfriend itong taga ibang bansa!😅😅😅 Hindi rin maiwasan ang bardagulan naming dalawa kasama si Noey. Si Noey naman ay kasal na kay Irin at may isang anak na lalaki! Si Nam naman ay single parin hanggang ngayon dahil laging sawi sa pag-ibig...... Maganda ang takbo ng coffee shop ni Noey at maraming costumer na nagpupunta dito kadalasan mga college student, malapit lang kasi sa school ang coffee shop niya kaya madalas dito tumatambay ang mga studyante.
* Hapon na ng nagpasya na kaming magsara ng shop dahil hindi naman ito 24 hours, Hinihintay ko naman ang asawa ko na susundo sa akin pag uwian, Hatid sundo ako ng asawa ko dahil may motor ito. Pagkaraan ng minutong paghihintay ay nakita ko na ang asawa ko sa labas at agad naman akong lumabas at nag paalam na kila Heng at Noey na uuwi na din.
...........
*HOUSE*
* Pagkatapos akong sunduin ni Ryan, dumiritso agad kami kila nam para sunduin ang dalawang anak namin, iniiwan kasi namin silang dalawa kila Nam at Irin... Si Irin nga pala ay Housewife kasama ang anak nila ni Noey, pero may business din ito. Iniwan lang namin yung mga anak namin dahil andun din ang anak ni Irin na kalaro nila. Sila Nam at Irin ang bumulontaryong magbantay sa mga anak namin dahil gusto din nilang makasama ang anak namin ni Ryan, Hindi na kami kumuha ni Ryan ng nanny dahil magastos na tsaka nag iipon din kami para sa future ng mga anak namin kung sakali.
"Ahh.. Ngit? Hindi pala kita masusundo bukas dahil mag o-overtime kami ng mga kasama ko sa school and dami kasing ayusin na mga wires doon sa bagong building na pinapatayo, kunin ko nalang kila nam si Yisha tsaka si Yohan huh! tas ihahatid ko sila sayo sa coffee shop!" - Ryan
"Okay, Dak! 😊 oh sige na, kain na tayo! - Klein
............
* Pagkatapos kong patulugin ang mga anak ko ay agad na akong pumunta sa kwarto namin ng asawa ko, pagkapasok ko ay tulog na ang aking asawa dahil sa pagod, lumapit naman ako at humiga na sa kama, ng makahiga na ako ay bigla nalang akong niyakap ng asawa ko at napangiti naman ako! Sabay bulong niyang "Ngit? gawa na tayong baby # 3" Hinampas ko naman ito sa braso at biglang tumawa!😂😂 "Tigilan mo ako Mr. Canajero!! matulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas sa work!" sabi ko naman sa kanya at tinawanan lang ako. "Joke lang, Heto naman di mabiro!" Sabay tawa nito, natawa naman ako! jusko!! gusto ba naman ng baby # 3. At natulog narin kami.