KLEIN'S POV:
* Alas kwatro palang ng madaling araw ay gising na kami ni Nam dahil ngayon ang vacation namin papunta sa resort nila kuya Richie, hinanda na namin ang aming dadalhin dahil maya-maya'y dadating na sila kuya Richie para sunduin kami. Ginising ko na rin ang mga anak ko na bakas ang pagtataka, bigla namang napatanong ang panganay ko.
"Momma? Saan po tayo pupunta?" - Yisha
"Sa beach anak!"😊 - Klein
"Momma, hindi po kasama si poppa?" - Yisha
Hindi agad ako nakasagot sa tanong ng anak ko. Napabuntong hininga na lamang ako at sinabi ko nalang na "Hindi ee, kasi may work pa si poppa mo!" 😢😢 - Klein. At hindi ko na napigilang lumuha dahil hindi ko pa kasi nasabi sa mga anak ko na wala na ang poppa nila, Hindi ko pa kaya.😢
"Momma? bakit po kayo umiiyak?" - Yisha. At bigla namang sumingit si Nam na kakatapos lang ayusan si Yohan, at siya narin nag bulontaryong ayusan si Yisha dahil hindi ko kasi maayusan si Yisha ng maayos dahil sa mga tanong nito.
"Yisha baby? Ahmm huwag ng maraming tanong huh." Napatingin naman sa akin si Nam, "Ako nang mag ayos jan kay Ayisha, Klein. Ihanda mo nalang yung mga dadalhin natin dahil maya-maya'y dadating na sila Richie!" - Nam. Wala narin akong magawa at sinunod ko nalang ang sinabi ni Nam.
..........
* Natapos na kaming mag ayos ni Nam, hinihintay nalang namin silang sunduin kami, Inuna pa kasi ni Kuya Richie na sunduin sila Irin bago kami. Ako naman ay hindi pa rin tumitigil ang pag tagos ng mga luha ko sa aking mga mata dahil inaalala ko ang mga anak ko, "Paano ko sasabihin sa kanila na hindi na nila makakasama ang kanilang ama sa paglaki?" Napabuntong hininga nalang ako.
"Klein, tahan na! punasan mo na yang mga luha mo at baka mapansin ka na naman ng anak mo at magtatanong na naman yan!" - Nam
"Nam, paano ko sasabihin sa mga anak ko na wala na ang ama nila? Nam, hindi ko pa kayang sabihin sa kanila!"😢 - Klein
"Klein, makinig ka sa akin! Huwag mo munang sabihin sa mga anak mo! hindi pa nila maiintindihan ang mga ganung bagay! saka muna sasabihin pag malaki na sila, maiintindihan rin nila yun, sa ngayon kasi malabo pang makaintindi ang mga yan!" - Nam
