KLEIN'S POV:
* It's been 3 weeks since Me and my kids are leave to Rebecca's condo. Nanataling tahimik kami sa loob ng tatlong linggo, at pinili ko nalang na hindi na siya kausapin pa, hindi na rin inaalam kung kamusta na siya kung anong ginagawa niya, pero nabalitaan ko naman kay kuya Richie sa tuwing nagtatanong ang mga kaibigan namin na Okay lang siya at bihira nalang umiinom, focus din siya sa trabaho niya bilang isang CEO. Nabalitaan ko rin na umuwi na pala ang asawa niyang si Nop at araw² magkasama ang dalawa.
Saturday ngayon kaya walang pasok sa trabaho kaya andito ako ngayon kila Nam dahil birthday ngayon ng anak nila Irin at Noey. Tinutulungan ko si Irin at Nam na magluto, hindi naman masyadong bungga ang kaarawan ng anak nila, mas gusto nga rin namin na simple lang, simpleng salo².
Alas sinko palang ng hapon ng matapos kami, nakahanda na sa lamesa ang lahat ng putahing hinanda namin, kaya hinihintay nalang namin ang mga bisitang dumalo kanilang ang kamag anak ng mag asawa. Pagkaraan ng ilang minutong paghihintay ay dumating rin ang kamag anak nila at ang huling dumating ay sila kuya Richie, Rebecca at kasama pala asawa niyang si Nop. Pero hindi pa siya makatingin sa direksyon namin ay umiwas na ako ng tingin.
Napansin ko rin itong anak kong si Yisha na biglang tumayo ng makita niya si Kuya Richie, at aakma na sanang tumakbo papunta sa gawi nila ng nahawakan ko ito.
"Ayisha!!" - Klein. Napansin ko namang napatingin ang ibang mga bisita dahil medyo napalakas ang boses ko.
"Momma, bakit po?" - Ayisha. Lumingon naman ito sa akin na may pagtataka sa mukha nito.
"Klien, bakit mo naman pinigilan ang bata?" - Nam. Bigla namang singit ni Nam na katabi ko lang.
"May problema ba, Klein?" - Heng. Sabat naman nito.
"Ahh wala naman nag uumpisa na kasi kaya baka kasi madapa siya ee.. baka maka bangga pa siya ng bisita!" - Klein. Pagpapalusot ko sa mga ito. Ayaw kong mahalata kasi nila na hindi kami okay ni Rebecca lalong lalo na ngayon ko lang siya nakita after 3 weeks.
"Ahh kun sa bagay!" - Nam. Yun lang ang lumabas sa bibig nito kaya tumahimik na kami.
.........
* Makalipas ang ilang oras ay nag umpisa ng nagsi uwian ang mga bisita at ang iba ay kakasimula palang mag inuman gayun din ang mga kaibigan ko, nasa sala silang lahat maliban lang sa aming dalawa ni Irin na nag pa iwan sa kusina para hugasan ang nga ginamit namin. Maririnig sa kanila na nagtatawanan at nagvi-videoke. Kaya kaming dalawa ni Irin ay sumasabay sa kanta na kinakanta nila Heng!
Habang nasa kusina kami ni Irin ay narinig naman namin si Heng na nagsasalita sa mic. "Okay, ang susunod na kakanta ay si Rebecca!!" nag hiyawan naman ang mga ito at iniabit agad ni Heng mic sa kanya.
Nang marinig ko iyon ay natahimik ako at binaling ko nalang ang sarili ko sa paghuhugas ng mga pinggan.