"VACATION"

614 28 1
                                    

REBECCA'S POV:

*NEXT DAY*

* Tanghali na akong nagising dahil sa pagod kahapon, dali² na akong bumangon at pumunta ng banyo para maligo...

Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos narin ako, agad narin akong nag ayos sa sarili, habang ako ay nagpapatuyo ng buhok ay agad namang may kumatok sa pintoan ko, agad ko naman itong pinag buksan.

"Oh, Nam? bakit may kailangan ka?" - Rebecca

"Bumaba kana pagkatapos mo jan dahil kakain na tayo ng tanghalian!" - Nam

"Okay sige!"😊 - Rebecca

* Pagkatuyo ng buhok ko ay agad narin akong bumaba, napansin ko pang naglalaro ang mga bata sa sala, agad naman akong dumiritso sa dining para kumain na nang tanghalian, napansin ko rin na kami lang ni Nam ang nandito sa dining.

"Nam? asan pala sila? bakit tayo lang ang nandito, tsaka mga bata?" - Rebecca

"Ahh.. sila Heng, Irin at Noey ay sinama ng kuya mo na mag grocery, si Klein naman naligo pa.. pero bababa narin yun!" - Nam

"Ahh ganun ba!" - Rebecca

"Tsaka sabi ni kuya mo, gagabihin daw sila mamaya dahil may dadaanan tsaka kunting pasyal! alam mo naman yang sila Irin at Noey, mahilig mamasyal!" - Nam

Matapos ngang marinig ang mga sinabi ni Nam ay hindi narin ako nagsalita at kumain narin ako, agad namang napansin namin si Klein na bumaba at dumiritso sa mga bata na naglalaro sa may sala.

......

* Tapos na kaming kumain ni Nam, agad naman itong niligpit ang mga pinggan at hinugasan... Lumapit naman ako sa sala kung saan naglalaro ang mga bata, agad naman akong napansin ni Klein at tumabi sa kanya.

"Tita Reb? laro po tayo!" - Yisha

"Ou bah, ano bang gusto mong laruin natin?" - Rebecca. Agad naman lumapit sa akin si Yisha at binigay sa akin ang mga toys, napansin ko rin na napatangin sa akin si klein at napangiti.

"Nag lalaro ka po ng barbie, Tita Reb?" - Yisha

"Ou, dati! pero ngayon, iba na ang nilalaro ko!" - Rebecca

"Ano po iyon?" - Yisha

The Repentance [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon