KLEIN'S POV:
*ONE WEEK AFTER*
* Isang linggo na ang nakakaraan nang mangyari iyon sa amin ni Rebecca, nagkapatawaran na kami sa isa't-isa at naging magkaibigan narin..... Naghanda na kami ng aking asawa para pumasok sa trabaho, ang mga anak ko naman ay nakahanda narin para iwan sila muna kila Irin, habang kaming mag asawa ay papasok sa trabaho.
Nag yaya naman sila Nam na doon na kami sa kanila mag di-dinner, may kunting salo². Alam narin nila na nagkamabutihan na kami ni Rebecca at naging magkaibigan, masaya naman sila sa kinuwento ko iyon about sa amin, kaso ang asawa ko, wala pa siyang alam kaya may kunting kaba sa dib² ko dahil plano ko siyang ipakilala kay Rebecca mamaya sa dinner dahil ni yaya din nila Nam ito, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ng asawa ko kapag makikilala na niya ang dati kong asawa. Alam naman ng asawa ko na divorsiyada ako, alam niya din na may anak kami, pero hindi ko sinabi sa kanya na Rebecca ang pangalan ng dati kong asawa.
...........
* Andito na ako sa shop matapos akong ihatid ng asawa ko, habang naghihintay kami ni Heng ng customer ay nag-usap muna kami.
"Balita ko pupunta si Rebecca mamayang gabi kila Nam!" - Heng
"Ou Heng!" - Klein
"So makikilala na siya ng asawa mo!" -Heng
"Parang ganun na nga! Kinakabahan nga ako ee.. tsaka balak ko rin siyang ipakilala kay Rebecca, Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya! Hindi ko naman pwedeng sabihin sa asawa ko na friend ko lang siya, ayoko kong mag sinungaling sa asawa ko, Heng!" - Klein
"Hayaan muna.. maiintindihan rin yan ng asawa mo tsaka may asawa rin naman si Rebecca." - Heng
..............
REBECCA'S POV:
*DINING*
* Andito kami ngayon ng pamilya ko sa dining, kumakain ng almusal andito rin si kuya na after 8 years ngayon lang siya sumabay sa amin na mag almusal, tahimik lang si kuya at walang balak umimik, tahimik lang din akong kumain katabi si mom. Bigla naman nagsalita si Dad at napatigil ako sa pag nguya ng sinabi niya ang mga katagang ito.
"Balita ko, Rebecca! nagkamabutihan na kayu ng dati mong asawa?!" - Dad
"Wala namang masama dun, Dad!" - Rebecca. Cold kong sabi sa kanya.
"Rebecca, baka naman magkagusto ka ulit sa kanya? Yun ang huwag mong gagawin, Rebecca! Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa niya sayo, at baka nakalalimutan mong siya ang dahilan kung bakit nawasak ang lahat sa inyu! pati narin sa anak niyong si Jacob!" - Dad