KLEIN'S POV:
*MORNING*
* Maaga palang ay nagising na ako ganun din si Yisha kaya dumiretso na ako sa kusina habang kargang karga ko itong anak ko pababa papuntang kusina para mag luto ng almusal, pagkarating namin ng kusina ay nilapag ko kaagad si Yisha sa upuan at agad na akong nag timpla ng gatas para sa kanya. Hinanda ko naman ang lolotuin ko.
Ang mga niloto ko ay fried rice, itlog at bacon, sa kabilang kalan naman ay kunting sopas para kay Rebecca na alam kong gigising yun na may hang over.
Nang matapos na akong mag luto at isasalin ko na sana sa lalagyan ang mga niloto ko ay agad akong nagulat ng biglang sumigaw ang anak ko, at pag lingon ko...
"DADDY!" - Yisha. Agad naman itong tumakbo at yumakap rito.
Nang makalingon ako sa likod ay nagulat ako na gising na pala itong si Rebecca at karga² pa ang kakagising kong anak na si Yohan! kaya binilisan ko ang paglapag ng pagkain sa misa at lumapit agad kay Rebecca para kunin si Yohan!
"Nagising kasi ako sa iyak niya kaya kinuha ko siya sa kwarto!" - Rebecca.
"G-ganun ba? A-akin na si Yohan at umupo kana jan naka handa na almusal tsaka may sopas doun sa may lalagyan baka gusto mo alam kong mag hang over ka!" - Klein. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng hiya.
"Ikaw? ayaw mong kumain?" - Rebecca.
"Ahh.. k-kakain na rin ako!" - Klein. Agad naman akong umupo sa tabi ni Yisha habang kandong² ko si Yohan na susubuan ko.
Ilang minuto ring katahimikan ang nasa pagitan namin habang kumakain ng biglang nagtanong ang anak ko kay Rebecca dahilan ng aming pagkagulat.
"Daddy? why are you so drunk last night? Do you have a problem po?" - Yisha.
Nang marinig namin iyon ay agad akong napatingin kay Rebecca na may gulat sa kanyang mga mata at napatigil pa ito sa pag nguya.
"Ayisha! stop na! kumain kana jan!" - Klein. Pag sita ko sa anak ko.
"Yeah! I had a lot of problems that's why, Daddy is so drunk last night!" - Rebecca. Sabay balik sa kinakain niya. kaya akala ko tatahimik na ang anak ko pero mas nakakagulat dahil hindi parin pala siya tapos mag tanong.
"Like what po?" - Yisha.
Tumingin ako ulit kay Rebecca na naka tingin rin sa akin na hindi alam kung anong isasagot kaya...