Part 5

191 3 0
                                    



Louisse


Grabe itong si  Matt, napaka hot.  Sinunggaban ba naman ako sa sinehan,  May pagka manyakis yata ito.  Pero, in fairness, masarap sya humalik.  Kaya napakapit na rin ako sa leeg nya.

Sinaway ko na rin sya pagkatapos.  Bigla kasing lumiwanag ang paligid.  Nanood na kami pagkatapos non.

Behave na kami, hahahahahaha!

Nag dinner kami pagkatapos manood ng sine at inihatid na nya ako sa condo.

Gusto pa nga ako ihatid sa mismong unit ko.  Di na ako pumayag, baka maulit ang nangyari noon sa amin ni Isaac.

Matt :  Good night, Louisse!  Kelan ulit tayo magkikita?

Louisse :  I'll call you!  Good night!

Naglakad na ako papasok sa building.

Sumakay na ako sa elevator.  Nakasandig na ako sa may dulo ng elevator.  I am so tired na.  Bumukas ang elevator sa floor kung nasaan ang swimming pool.

Pumasok ang isang naka swimsuit na babae.  Conservative ang suit nya.  Balot na balot ang katawan pero hanggang hita ang suit. 

Maputi.

Nang itaas ko ang ulo ko ay nagkatinginan kami ng tall girl.

Umiwas agad sya ng tingin.

Maganda ang hubog ng kanyang katawan.  Flat na flat ang kanyang abs.

Abs ba yon? Bakat na bakat ang swimsuit nya sa kanyang katawan kaya nakikita ang abs nya.  Well toned ang skin nito.  Ngayon ko lang sya nakita ng ganito. 

Bumukas na ang elevator at lumabas na sya.  Lumabas na rin ako.

Nauna syang naglakad.  Nakasunod lang ako sa kanya.

Mukhang tahimik syang tao. 

Pumasok na ito sa unit nya.  Pumasok na rin ako.

Nag night swimming pala sya.


Bea


Ponggay :  Hello, Bea!

Bea :   Hi, Pongs!

Nag hug kami at pareho kaming umupo sa harap ng table ko.

Ponggay :  How are you?

Bea :  I am fine.  I'm good!  You?

Ponggay :  Ito, single na naman!

Umirap pa sya.  Napatawa naman ako.

Bea :  Makikilala mo rin sya, Pongs!

Ponggay :  Kelan pa?  Kung menopause na ako!

Bea :  Hahahahahaha!  Kaw talaga!  Di ka pa rin nagbabago!  How's the office sa US?

Ponggay :  Okey naman!  Never been better!

Bea :  Mabuti naman. 

Ponggay :  Night out naman tayo mamaya!  Saturday naman bukas!

Bea :  Okey!  Text ko rin sila Maki at Cel.

Ponggay :  Ayan!  Mas marami, mas masaya!

Bea :  And why are you here?

Ponggay :  May pinapagawa lang si tita Menchu sa akin.  Tsaka, bakasyon ko na rin!

Bea :  Ah!  You'll be painting the town red na naman, ha?

crazy for you   (completed)Where stories live. Discover now