Part 16

221 4 0
                                    


Maki


Pangalawang weekend na ito.  Palaging naglalasing si Bea.

Nakatingin lang palagi sa tv.  Hindi nagsasalita pag hindi kinakausap.  Isang tanong, isa ring sagot nya.

Nandito kami ni Cel sa dining area.

Cel :  Ano ba nangyayari sa kaibigan natin?  Palagi na lang syang ganyan.

Maki :  Wala naman syang sinasabi.  Madalas na dito na sya natutulog. 

Cel :  Lika, lapitan natin.

Naglakad na kami ni Cel papunta sa sala.  Umupo kami sa harap ni Bea.

Bea :  Kung kayo tatanungin ko!  Ano susundin nyo, ang sinasabi ng puso nyo o isip?

Maki/Cel :  Puso, Bei!

Lasing na naman si Bea.

Bea :  E, bakit pa nakalagay sa itaas ng puso ang isip kung susundin nyo ang puso?

Cel :  Bei, Kaya nasa gitna ang puso, para ma protekhan sya ng ibang parte ng katawan.

Maki :  Sensitive kasi ang puso, Bei!  Madaling masaktan.  Mabilis umibig, pero matagal makalimot at malalim kung nasasaktan!

Bea :  Hah!  Isip pa rin ang masusunod.  Bulag ang puso, guys!  Di nakakakita!  Di nakikita ang mga maling nagagawa ng tao.  Kaya umiibig lang sya ng umiibig!

Maki :  Bei, kung mahal mo ang isang tao, tanggap mo ang mabuti at pangit sa kanya.  Tanggap mo ang mga kahinaan nya.  Wala namang perpektong tao sa mundo!

Cel :  Pinupunan ng pagmamahal ang kulang sa isang tao.  Kayang tanggapin ng tunay na nagmamahal kahit ano o sino ka pa man!

Bea :  Hahahahaha!  Nakakatawa kayo.

Nakita na lang namin na umiiyak na si Bei.  Umupo kami sa tabi nya at yinakap sya.

Maki :  Kung ano man ang gumugulo sa mo, Bei, kung mahal mo talaga sya.  Matatanggap mo ang lahat lahat sa kanya.

Cel :  Dahil kung hindi!  HIndi mo talaga sya mahal!

Hinayaan lang namin na umiyak si Bea.  Nagkatinginan na lang kami ni Cel.

Dahil sa kalasingan at pagod sa kaiiyak ay nakatulog si Bea.

Cel :  Malala ang problema ng kaibigan natin, Maks!

Maki :  Kaya nga!  Haaay!  Nakakabaliw talaga ang pag ibig!

Cel :  Mahal nya talaga si Louisse!  Kasi kung hindi, hindi naman sya magkakaganyan!

Maki :  Ano gagawin natin?

Cel :  Hayaan lang natin silang dalawa muna.

Maki :  Haaay!

Nanood nalang kami ng tv ni Cel.


Louisse


Napakasakit na makitang magkasama sila Bea at Jana.  Tumatawa pa sila.  Nang magsayaw sila ay napaka sweet nila. 

Parang may tumusok na matalim sa puso ko habang nakikita sila.

Inaya akong sumayaw ni Ged.  Pinaunlakan ko naman.

Pinsan ni Maddie si Ged.  Sya ang driver ni Maddie ngayong gabi.

Matamlay akong nakipag sayaw kay Ged.

Nakikita ko pa rin sila Jana at Bea na nagsasayaw.  Kung pwede lang hindi pumunta sa party na ito ay ginawa ko na. 

May lumapit sa amin.  Nag usap sila ni Ged.

Rex :  Hi, I am Rex, can I dance with you, miss?

Ged :  Sure pare!

Si Rex na ang naging kasayaw ko.  Wala naman akong pakialam kung sino ang partner ko sa pagsasayaw.

Mayamaya ay si Bea at isang babae na ang nagsasayaw.  Love song ang tugtog.  Kaibigan nya yata.  Nakatawa silang dalawa at distansyado sila sa isa't isa.

Nabigla ako ng makipagpalit si Rex kay Bea.

Hindi na ako nakapalag.  Hindi pala kahit sino.  Kahit sino, wag lang si Bea.

Di ako tumitingin sa kanya.  Naramdaman ko na nakatingin sya sa akin.

Di ko na matiis ng tumugtog ang 'I'm Crazy for You',  napatingin na ako sa kanya.

May lungkot sa mga mata nya.  Di ba dapat masaya sya.  Kasama nya ang nililigawan nya.  Nagtitigan lang kami  hanggang matapos ang kanta.

Nag matapos ang song ay nagpaalam ako na pupunta ng CR.

Bago bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Umiyak ako ng umiyak sa cubicle. 

Pagkatapos ko sa CR ay nagpaalam na ako na uuwi na.

Umiyak lang ako ng umiyak ng makarating na ako sa condo ko.

Hirap ng ikaw lang ang nagmamahal. 

Naisipan kong umuwi ng Batangas.  Ayokong makita  nila kung paano ako kalugmok.  Sasarilinin ko na lang ito.  Nandyan naman sila Maddie.


Maddie :  Ano ba nagyayari sa yo, Louisse?  Bakit ang aga mo umalis sa party?

Louisse :  Sumama lang pakiramdam ko, Mads.

Nandito si Maddie sa condo ko.  Kagabi ang party ni Bea.  Pinuntahan agad ako ni Maddie para alamin ang dahilan ng pag alis ko. 

Maddie :  Alam mo, alam kong may nangyayari na hindi maganda sa yo, Louisse!  So ano yon?

Tumulo na naman ang luha ko.

Maddie :  Louisse, wag ka umiyak!  Ano nga?

Louisse :  Hindi nya ako mahal.

Maddie :  Nino?

Louisse :  Pero ako, mahal na mahal ko sya!

Maddie :  Louisse!  SIno nga?

Louisse :  Si B-Bea.

Maddie :  SI Bea?  O my God!

Louisse :  Hindi daw kami bagay.  HIndi daw ako ang pinangarap nyang makasama habangbuhay.

Maddie :  Sinabi nya yon?  Aba naman!

Louisse :  Maybe, she deserves someone better than me.  I am not good enough for her.

Maddie :  Hindi totoo yan, Louisse!  Maybe, she don't derserve you!  Sya pala ang may problema, e!

Louisse :  Hindi ako karapatdapat sa kanya.

Maddie :  Pero, nakikita ko naman kay Bea, na mahal ka nya, Louisse!

Louisse :  Mahal?  Kung mahal nya ako, bakit nya ako sinasaktan?

Maddie :  I don't know.  Hindi ko alam kung bakit di nya maamin na mahal ka nya!

Louisse :  Sakit naman non.  Tsaka may Jana na sya.

Maddie :  Who is Jana ba?

Louisse :  Nililigawan nya.

Maddie ;  Huh?  May nililigawan si Bea?

Louisse :  Sabi nya.

Maddie :  Kalimutan mo na lang sya!  Marami pa dyan!

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Maddie. 

Sya lang ang mahal ko.

Sya lang.


crazy for you   (completed)Where stories live. Discover now