Part 2

197 2 0
                                    



Louisse


Arrrgh!  Sakit ng ulo ko.  Tumayo na ako at pumasok ng banyo. I wash my face at nag toothbrush.  Hawak hawak ko ang sentido ko na lumabas ng kwarto at kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo. Kumuha ako ng tubig at ininom ang gamot.

Ininit ko ang tirang pizza sa ref.  Umupo ako sa dining table at itinukod ang dalawang siko sa table at hinawakan ang ulo ko.  Sakit talaga.

Maraming beses ko nang sinasabi na di na ako iinom.  But, I always broke that promise.  Sarap naman uminom.  Ang hangover lang ang hassle.

Kinuha ko na ang pizza at hinipan ito.  Kumakain ako na nakapikit ang mga mata.

Nag brew ako ng coffee.  Nakalimutan ko mag brew.

Uminom na ako ng coffee.  Hay salamat, nainitan din ang tyan ko.

Tsk. Di na naman ako nakapag jogging.

I decided to text Maddie na sick leave ako today.  Masakit pa rin ang ulo ko at inaantok pa ako.

Ito palagi ang nangyayari pag sobrang lasing ako the other night, tapos may pasok kinabukasan.  Pasalamat na lang ako at nandyan si Maddie para pagtakpan ako.

Pagkatapos ko kumain ay pumasok na ako ng kwarto ko at nahiga.

Tulog agad.


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. 

Sino ba naman 'to?

Sinagot ko na ang tawag.

Si Maddie.

*******OTP*******

Maddie :  Buksan mo ang pinto.  Nandito ako sa labas!

Pinatay nya agad ang call.  Napailing na lang ako.

Lumabas na ako ng room ko at naglakad papunta sa may pinto.

Pagbukas ko ay pumasok agad si Maddie.  Nilapag nya sa mesa ang dala nyang paper bag at umupo.

Maddie :  Anong nangyari sa yo?

Umupo na rin ako sa harap nya.  Tiningnan ko lang sya.

Maddie : Lasing ka naman kagabi no?

Louisse : Yeah.

Maddie : Alam mo? Di ka na estudyante! May work ka na na dapat mong pasukan five days a week except on holidays!

Louisse : Alam ko.

Maddie : Yon naman pala, e! Nauubusan na ako ng reason kung bakit di ka pumapasok!

Louisse : Hayaan mo sila!

Maddie : Anong hayaan? Parating nagpa follow up si sir nong binigay nyang workload sa yo!

Louisse : Tapos na yon. Bukas ibibigay ko na sa kanya.

Maddie : Alam mo? Relax na relax ka lang kasi napakagaling mong editor! Pag nakahanap na sila ng ipapalit sa yo, naku, ewan ko na lang!

Louisse : E, di ba sabi mo napaka galing ko!

Maddie : Oo.

Louisse : Di nila ako mapapalitan!

Maddie :   Heh! Kumain na nga tayo!

Louisse :  Thank you, Mads!

Maddie :  Welcome! Kumusta bago mong suitor?

Louisse :   Sya kasama ko kagabi. Dinala ako sa bar.

Maddie :   Bastedin mo na!   May masama yang balak! Nanliligaw pa lang, bar na agad! Plano kang lasingin! Masama ang balak nya sa yo!

Louisse : Binasted ko na nga! Kaya dalawa na lang manliligaw ko, hahahahaha!

Maddie :   Louisse.  Hindi sa nangingi alam ako sa buhay mo.  Bakit ang hilig hilig mo mag bar? Puro pa lalaki mga kasama mo.

Louisse : E, masaya doon, ano ka ba!

Maddie ; Masaya, oo, kung minsan lang! Pero three times a week ka nandon!

Louiise : I love dancing and drinking, e!

Maddie : Kung sayaw lang, e, dito na sa condo mo o sa condo ko! Safe pa! Tsaka nakikipag harutan ka sa kung sino sinong lalaki!  At maawa ka naman sa atay mo!

Louisse : I am just having some fun, Mads!

Maddie :  Fun?  Fun ba matatawag don? Nagmumukha ka ng cheap, e!

Louisse : Kiss lang naman yon sa pisngi!  Malayo sa kaluluwa, hahahahaha!

Maddie : Pangit tingnan, bes.  As in!

Louisse : Hayaan mo na nga ako!

Maddie : You are my bestfriend, Louisse!  Hindi kita hahayaang maging  ganyan!

Louiise : Type mo yata ako, Mads!

Maddie : Sira!  Straight ako at may boyfriend na, no?

Louiise : Hahahahahaha! I am just joking, hahahahaha!

Maddie : Bakit magkaka gusto ka ba sa isang girl?

Louisse : Hindi no?  Straight kaya to!

Maddie :   Sabagay.   Puro naman lalaki mga nilalandi mo!

Louisse :   Mismo!

Maddie :  Mga manliligaw mo, mukhang mga rapist!  Mga pag mumukhang walang gagawing mabuti!  Ganito lang naman yan, e!  Pag formal ka, lalapit sa yo mga formal din!  Pag mukha kang pakawala, mga pakawala din ang lalapit sa yo!  Di naman magkakagusto ang pormal sa pakawala!

Louisse :  So, pakawala ako?

Maddie :  I hate to say this!  But, yes, you look like a pakawala!

Louisse :  Sakit mo naman magsalita, bes!

Maddie :  I am sorry, Louisse!  Pero yon ang nakikita ko sa yo. Kung makalingkis ka sa mga boys, ew!  Para ka ngang linta!

Louisse :  I am just teasing them, Maddie!  Nakakatawa lang!  Naginginig sila at naninigas, hahahahaha!

Maddie :  Naku!  Pag nakakita ka ng katapat mo! 

Louisse :  What do you mean?

Maddie :  Pag nakatagpo ka ng gago at patulan ka!

Louisse : Never mangyayari yon.

Maddie :  E, kung kayo lang dalawa!

Louisse :  Bakit ko naman hahayaan na kaming dalawa lang?

Maddie :  Hindi natin hawak palagi ang situation, Louisse.

Louisse :  Hindi mangyayari yon.

Maddie :  I've known you since college days pa natin.  Hindi ka naman ganyan.

Louisse :  Hello?  Ayokong ma kickout sa school no? 

Maddie :  Hahahahaha!  Kaya naman pala!

Louisse :  Maganda lang talaga ako, kaya nahuhumaling sila!

Maddie :  Hindi sa lahat ng bagay, kailangan ng ganda!  Ang character pa rin ang pinaka mahalaga, Louisse.  Kung ako ang magulang ng nanliligaw sa yo.  Ayoko kita para sa anak ko!  Ayaw kita  maging manugang.

Louisse :  Wow!  Sakit non, ha?

Maddie :  I am serious, Louisse.


Kanina pa umalis si Maddie.  Pinag walang bahala ko na lang ang mga sinabi nya. 

Natulog na ako.  Kailangang mabawi ko ang puyat kagabi.

crazy for you   (completed)Where stories live. Discover now