Part 18

216 3 0
                                    


Louisse


Lumukso ang puso ko ng sabihin ni Bea na mahal nya ako.

Pero, nililigawan nya si Jana. 

Ano na lang ako sa kanya?

Ako ang mahal nya, pero iba ang nililigawan nya.

Ang labo.  Napakalabo.

Umiyak na lang ako ng umiyak.

Pagkatapos ko mag breakfast ay hinugasan ko ang pinagkainan namin.

After mag toothbrush ay humiga ulit ako at natulog.

Gusto ko matulog na lang ng matulog.

Para wala ng sakit na maramdaman.


Kinabukasan, pagbukas ko ng pinto ay may boquet of sunflowers sa labas ng pinto ko.

Kinuha ko ito.  Binasa ko ang nakasulat sa maliit na card.

'I am sorry'.

Hmn.  Sorry?  Sorry dahil nasaktan nya ako ng labis.

Sorry ba dahil pinamukha nya sa akin na di ako karadapat dapat sa kanya?

Sorry ba dahil mababang uri ang tingin nya sa akin?

Naglakad na ako papunta sa elevator.  Itinapon ko sa nadaanang basurahan ang bulaklak.

She doesn't deserve me.


I was busy looking at pictures para sa next issue ng magazine ng lumapit sa akin si Maddie.

Louisse : Louisse, para daw sa yo 'to!

Iniabot nya sa akin ang isang paper bag at boquet of sunflowers.

Louisse :  SIno nagbigay?

Maddie :  Basahin mo kasi ang message!

'I am sorry'.  Yon lang ang nakasulat sa maliit na card.

Alam ko na kung kanino ito galing.

Louisse :  Sa yo na lang, Madz!

Maddie :  Huh?  E, para sa yo yan!  Ang haba naman ng hair mo, 'te!  May manliligaw ka na pala!

Louisse :  Sa yo na lang!

At pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

Maddie :  Thanks, Louisse.  O, food pala ang nasa paper bag!

Di ko na pinansin si Maddie.

Bakit nya ito ginagawa?

Sinusuyo nya ba ako?

Pero may nililigawan pa rin sya.


Araw araw may padala syang food at flowers para sa akin.

Tuwang tuwa naman si Maddie kasi sya ang nabubusog.

Araw araw ay may nadadatnan akong sunflowers sa may pinto ko every morning.

Hindi ko pa rin pinapansin si Bea kahit magkasalubong kami sa hallway o magkasabay sa starbucks after mag jogging.

Unti unti na akong nagkakalaman.  Parang tanggap ko na, na kahit kelan di magiging kami.

Masakit pa rin.  Napakasakit. 

Kung kelan ako nagmahal, di naman pwede.

Ngayon lang ako nagmahal ng ganito katindi.

crazy for you   (completed)Where stories live. Discover now