Part 15

191 2 0
                                    



Bea


Pareho kaming naghihintay ni Louisse ng elevator dito sa condo.  Papasok na kami ng office.  Busy sya sa cellphone nya.

She is wearing it again.

Revealing na naman ang mga suot nya.  What happen to her?

Di man lang nya ako tiningnan kanina. 

Pumasok na kami sa elevator.  Lumayo sya sa akin.  Nasa magkabilang dulo kami ng elevator.

Nasa likod ako kaya malaya ko syang natitingnan.  Papayat sya ng papayat.

Malalim ang mga mata.  May eyebags din.

She can't sleep.

Maaga akong lumabas sa office.  Nag grocery ako.

Pagdating sa floor ko ay huminto ako sa unit ni Louisse.

Nilagay ko ang isang paper bag sa may pinto nya.

May laman yon na gatas at potato fries corn flavor, cadbury at hereshey shots.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pagpasok ko sa condo ay nilapag ko agad ang paper bags sa dining table.  Nilabas ko isa isa ang pinamili ko.

Nilagay ko sa pantry at ref.

Naligo ako agad at nagbihis na.

Nakatitig lang ako sa tv.


Louisse


Ang hirap.  Ang hirap hirap.

It's been three weeks na since magkausap kami ni Bea.

Pero, masakit pa rin.  Di na nga ako makatulog at parati akong walang gana kumain.  Sya palagi nasa isip ko.

Bakit ba naman kasi sya pa ang minahal ko.  Di naman pala nya ako mahal.

Ako lang ang nagpaka gaga na mahalin sya.

Akala ko mahal nya rin ako.

Kung papano nya ako yakapin at halikan.  Kung paano sya makipag love making sa akin.

Parang puno ng pagmamahal habang ginagawa nya sa akin yon.

Pero mali pala ako.

Ang sakit lang. 

Parang wala lang naman sa kanya.  Naka poker face lang sya nong final presentation ng commercial nila.  Buti na lang na i present ko ng maayos.  Kahit sobra ang kaba ko.

Nakahiga lang ako palagi pag nasa condo ko.  Nakatingin sa kisame. 

Di na nya ako kinakausap at nilalapitan.  Parang di na kami magka kilala.

Strangers again.

Napaiyak na naman ako.  Gabi gabi na lang, umiiyak ako.

Di maubos ubos ang mga luha ko.

Parang gusto kong bumalik sa dati.  Dahil sa kanya lang naman kaya ako nagbago.

Pero wala na sya.  Para ano pa.

Pero, baka magalit sya.  Bahala na.


Bea


Anniversary ng DL Industries ngayon.  Invited ang mga big companies sa PhilippinesPati ang marketing team ng Podmont ay nandito rin.

crazy for you   (completed)Where stories live. Discover now