038

23 2 0
                                    

Twitter

arih @rayzon • 2m

let’s gaur, zero-nine !!

•••

“Tangina, may ganiyan palang kaguwapong nilalang,” usal ni Rhowa.

Pinagmasdan ko lang siyang maglaro. Kapag laro talaga nina Laude, maraming nanonood ng laban. Syempre, doon nila nakikita ang wild side ni Laude — I mean, he’s so wild when he’s playing! So energetic and giving his all.

Muling lumakas ang sigaw nang makapuntos ang team nina Laude. Hindi ko na rin naitago ang mga ngisi ko. He’s so damn attractive.

“Beh, kung ako sa ‘yo, bibigyan ko ‘yan ng tubig,” hinampas pa ako ni Rhowa. “Water, beh, water!”

Tiningnan ko lang siya, iniisip kung bibigyan ko ba talaga. Fuck, this is not you, Hiraya. You prioritize your study so much and not this kind of kaharutan! Dapat ay nasa club o office ako ngayon.

Natapos ang laro na natagpuan ko na lang ang sariling may hawak na gatorade. Tubig ang sabi ni Rhowa pero gatorade ang hawak ko, ewan ko ba. His team won once again. It was such a blessing when he transfered here for our school’s team.

Pababa ako sa hagdan para puntahan sila sa bleachers nang magtama ang tingin namin mula sa malayo. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang pagngisi niya. Isinampay niya sa balikat ni Asir ang bimpo na hawak at bahagyang tumakbo palapit sa gawi ko.

Mabagal ko siyang sinalubong, holding the gatorade with both of my hand. Nagpantay ang taas namin nang nag-iwan siya ng isang baitang ng hagdan. I pressed my lips together and extend my hand to give to him.

Unexpectedly, my hand lightly hit his chest. Please, sobrang nakakahiya na, Hiraya.

“Para sa akin?” He asked, smiling a bit.

I gulped. “A-Ah, yes.”

“Thanks.”

Tinanggap niya iyon at agad na binuksan para lumagok. Damn. I’ve never been a fan of his sports but I would love to watch it because of him. Huminga siya at saka tinakluban ang inumin.

“Let’s go,”

Nagulat ako nang dumampi ang braso niya sa balikat ko. I hold my breath for a second when his scent reached my nose. Pawisan pero ang bango-bango pa rin. Bahagya siyang lumayo nang mapansing natigilan ako.

“Oh, sorry.”

Sumulyap ako sa kaniya para kiligin lang lalo.

•••

(iii) chasing pavementsWhere stories live. Discover now