[“Tangina,”] tumawa si Jay. [“May pa-‘I won’t entertain her’ ka pang nalalaman, bakit mo nami-miss?”] Panunudyo nito.
[“Uy, grabe ka naman. Baka miss lang as a friend.”] Pamamlastic ni Rafael.
I rolled my eyes. “Wala kayong paki.”
That’s true. I don’t know why I’m missing Hiraya’s presence right now. It started before undas break, the first time I called her by her first name. Pagkatapos noon, hindi na ako mapakali nang hindi siya nakikita o nakakausap kahit sandali.
I knew my priorities very well and having a girlfriend isn’t one of it.
[“Bro, mag-confess ka na.”] Rafael trie dto convinced me.
[“Huwag, bro. Alalahanin mo ang sinabi mo sa amin.”] Si Mitch na kontra dahil alam kong alam niya kung anong puwedeng mangyari.
Kaya sigurado akong hindi ako aamin kahit anong mangyari. Maybe this feelings will die after a few days or weeks, hindi naman ako kahit kailan nagkaroon ng seryoso at matagal na pagtingin para sa isang tao.
[“Pangit! Kalimutan na ‘yon! May feelings na para kay Hiraya after four months, oh!”] Si Jay na may ipinaglalaban.
Nakausap ko siya kahapon noong dumalaw sila sa bahay para sa pasko. Siya ang nag-chismis kina Raf at Mitch. Alam kong iniisip niya na baka si Hiraya na ang susi para kalmahan ko sa mga bagay-bagay dahil kahit paano, puwedeng siya ang mag-alaga at umalalay sa akin.
Pero hindi iyon ang iniisip ko.
“Ayoko na nga kayong kausap, nakakairita.”
[“Love you, paps!”]
•••
YOU ARE READING
(iii) chasing pavements
Teen Fiction✧*。Hiraya & Saturn Worth in the middle of chasing pavements.