001

54 3 0
                                    

“Three points for Laude!”

The crowd cheered louder for player zero-nine as he continued making hits. Hugging the flowers I’ll give to HUMSS basketball team who compete with other strands in this intramurals, I watched them closely.

Nasa amin ang alas. Laude is the star player of our school, the most valuable player. Kaya ito at naglalaro sila para sa finals para sa strand namin, too close to celebrate a win.

Natapos ang oras na 76-89 ang score. HUMSS strand won over STEM. Everyone is celebrating. Nagsitalunan ang mga player namin sa loob ng court hanggang sa makipagkamay sila sa kabila ay hindi maitago ang saya.

“Hi, Raya!” The players greeted me.

I smiled and bow. “Congratulations,” inilahad ko ang pumpon ng bulaklak pero walang tumanggap ni isa sa kanila.

“Deserve ni Captain ‘yan, sa kaniya mo ibigay.” Ngumisi ang isa.

Napasulyap ako sa team captain nila, nagtama ng panandalian ang tingin naming dalawa. Lumunok ako at bumaling dito.

“Congratulations to you and your team, Laude.” Usal ko.

Tumanggap niya iyon at agad na nagtudyuan ang mga ka-team niya. Napaiwas ako ng tingin sa hiya.

“Thanks, Luzon.”

I just smiled and nodded. Tiningnan niya ang paligid ng bulaklak, naghahanap ng card.

“From?” He asked in a low tone.

“Your advicer, napag-utusan lang.” Tugon ko.

“Freshly picked from Manawari Flower Farm niyo ba ‘yan, Raya?” Tanong ni Asir, a friend.

Tumango ako.

Kilala ako dahil sa posisiyon ko sa student council. Karamihan sa mga player ay mahilig talagang bumati sa akin na para bang barkada ko sila, which is minsan, nakakatuwa rin. Isa pa ay dahil anak ako ng may-ari ng pinakamalaking flower farm sa lugar.

“Oh, pa’no ba ‘yan? Tuloy ang swimming mamaya!”

•••

(iii) chasing pavementsWhere stories live. Discover now