059

20 2 0
                                    

“Raya, six na...”

“Ah, sige, tara na.”

Nagligpit na rin ako. Inilagay ko na lang sa bag ang balat ng pagksing libre ni Reign bago siya umalis kanina.

“Sure ka? Paalam ka muna sa ebeb mo, nasa bleachers nila, oh.”

Sinulyapan ko ang lugar nila. Kasalukuyan siyang nagpupunas ng pawis habang nakikinig sa mando ng coach nila. Isinakbit ko na ang bag ko.

“Hindi na...”

Nakahakbang na ako nang magsalita si Elys. “Luh, be, tawag ka!”

“Hmm?”

I looked at Laude, he gestured me to go near to him. Kahit bahagyang nahihiya dahil sa atensiyon ay sumunod ako. Nag-iwan ako ng malaking distansiya sa pagtigil.

He chuckled. “Why are you so far? Come closer,”

Lumunok ako at humakbang palapit. Agad na pinangunahan ni Asir ang panunudyo na idinaan ko na lang sa pag-irap.

“Uh, uuwi na ako... gabi na rin kasi.”

I smiled. “Ang galing mo... palagi.”

Para akong nasa isang karera sa bilis ng tibok ng puso ko. I complimented him face to face! That’s embarassing but at least, I made him smile.

He nodded, still grinning. “Ingat... Hiraya.”

My heart skipped a beat. He called me by my first name for the first time! Hiraya... damn, always sounds good, but better when he is the one who utter it.

•••

(iii) chasing pavementsWhere stories live. Discover now