CHAPTER 42- FIRE EXIT

557 8 9
                                    


Hindi ako pwede magkamali

Si Knox ang nagluto nito

Kilala ko ang luto niya

Hindi ko natapos ang pagkain ko. Kailangan ko mahanap si Lyssa. Kailangan ko kumpirmahin

Hinanap ko si Lyssa sa ED. Hindi ako nagkamali ng pinuntahan dahil andon siya at nagsusulat sa patient chart

"Good afternoon Dra. Lozano" bati sa akin nga mga nurses

"Good afternoon" pabalik na bati ko sakanila. Lumapit ako ka agad sa tabi ni Lyssa. Tinignan niya lang ako at binalik ang tingin sa patient chart
"Magsabi ka ng totoo" sabi ko at kinagulat niya iyon

"Anong pinagsasabi mo diyan?" sabi niya at tumatawa pa. Hinantay ko muna siya matapos sa pagsulat niya at hinila siya palabas sa ED  "Ano bang meron, Trina?"

"Sino nag luto ng pagkain na binigay mo?" tanong ko sakanya

"Si Brent. Siya lang naman mahilig magluto"

Napahilamos ako sa mukha ko nang hindi ko narinig ang gusto kong sagot niya

"Bumalik na ba siya?" tanong ko sakanya at mukha naman siyang naguluhan

"Sinong bumalik?" halatang wala siyang ideya " Ano bang nangyayare sayo?"

Bakas sa akin ang pagiging aligaga. Palakad lakad ako at hindi alam ang gagawin "Lyssa, Hindi ako pwede magkamali.. Si k-kno-x" nauutal ko pang banggit sa pangalan niya "Siya ang nagluto ng pagkain na binigay mo sa akin" Akala ko ay magugulat siya sa sinabi ko pero tinawanan niya lang ako

"Hanep ng panlasa mo! Ilang taon na ang nakalipas noong huling matikman mo ang luto ng tao. HAHAHA sabi na umaasa ka pa rin e kaya hindi ka nagpapaligaw" hinahampas pa ng braso ko

"Lyssa, seryoso ako. Wala bang nabanggit si Brent sayo?"

"Wala naman. Pero itatanong ko Doc para di ka na mamutla diyan" pang aasar niya pa

Tinawagan niya si Brent ni loudspeaker niya pa para marinig ko. Narinig ko tuloy ang tawag ni Brent kay Lyssa "Ah wala lovy, wala akong nabalitaan"

Hindi kaya nagsisinungaling lang siya?

"Huwag kang praning Doctora, Baka namimiss mo lang talaga siya kaya akala mo luto niya. Uyy umaasa na bumalik" sa pang aasar niya ay iniwanan ko siya at bumalik sa mga pasyente ko

Pakiramdam ko tuloy ay kahit anong oras ay susulpot siya at magpapakita sa akin

Naging tuliro tuloy ako sa mga susunod na duty ko

Kinakabahan

Handa na ba ako ulit na makita siya?

Ano na kaya ang itsura niya ngayon?

Nadala ko ang pagiging tuliro ko sa pagkain namin sa hapunan. "Trina" tawag sa akin ni Daddy. Hindi ko namalayan na tinatawag niya pala ako "Are you okay? Is there any flashback again?"

"No, Nothing Daddy. May iniisip lang"

"Ano naman ang iniisip ng Baby girl ko?" Ayan alam ko nang maguumpisa nanaman ang pang aasar ni Kuya

"Kung paano magkakajowa ang kuya ko" sagot ko sakanya at tumawa naman sila Mommy

"Sa sobrang busy sa Airlines baka hindi na" seryosong sagot niya

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now