Author note
Keep safe everyone dahil may bagyo
Special thanks to my readers na nagcocomment
chrstlhrhj
virgo_db
TRINA POV
Totoong kilala na nga ako ni Knox . Nang makita ko ang lugar tumakbo agad ako.
Isa iyong Cafe na may napagkagandang view. Nasa mataas kame na lugar at ang view na makita ay puro city lights. Ang cafe ay puro puno na may fairy lights. Napagka gandang tignan ng lugar
Pumunta ako sa railings at tinanaw ang City lights. Ang malamig at katamtaman na hangin ay humahampas sa mga balat ko at ang sarap sa pakiramdam non.
Tinaas ko ang dalawang kamay ko at sinasalubong ang hangin
Hindi ko namalayan ang paglapit sakin ni Knox
"I think you like it" Sabi niya
"No! I love it!" Sabi ko at tinignan ulit ang view "Woooh" sigaw ko habang nakataas ang mga kamay ko
"Did you know? Your smile makes me happy and inlove at the same time" nakatitig siya sa akin
"It's because of you" banat ko rin "Thankyouu for making me happy, Knox. Thank you for making me smile" may sinseridad kong sinabi iyon sakanya
Pagkatapos niya ko titigan ay humarap siya sa view. Pinasok niya sa bulsa ng short niya ang dalawang kamay niya. Huminga siya ng malalim at pumikit
"Hoy, Okay ka lang ba?" hinawakan ko siya sa balikat. Nang di siya sumagot ay inalog ko siya "Knox? Anong nangyare? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ko sakanya
Dahan dahan niyang minulat Ang mga mata niya at sandaling tumingin sa akin at biglang
"Taya!" tapik niya sa balikat ko at tumakbo
"Hala! Ang daya" Hinabol ko siya at nagpaikot ikot doon sa lugar na yon
Dalawang beses kame nagtayaan at nang ako naman ang nataya nagpanggap ako na hinihingal
Agad siyang lumapit sa akin "Hey, Are you okay?"
"Taya!" tapik ko sa braso niya at tumakbo ulit
"Hey, Trina. Are you really okay?" tanong niya pa bakas ang pag alala
"Yes" sagot ko medyo malayo ang distansya namin
"Okay, let stop na. Kumain na rin muna tayo" at sinenyasan ako na lumapit.
Ay
Lumapit ako sakanya "Ang daya mo naman, Kung kailan ikaw ang taya tsaka umayaw" sumbat ko sakanya
"Okay, I lose. Lets eat. Baka nauuhaw ka na kakatakbo"
Umupo ako sa isang table na matatanaw ang City light
I do the deep inhale and exhale dahil naramdaman ko rin ang hingal sa ginawa naming habulan
Biglang may naglapag ng bottled water sa harap ko
"Drink" Sabi ni Knox
Ininuman ko naman iyon. Inabot sa akin ni Knox ang menu
"Anong gusto mong kainin? Pang dinner ha"
YOU ARE READING
Bullets of Healing (COMPLETED)
Storie d'amoreA woman who has a Dream to become a Doctor until she meets a man who is in a family of soldiers. How does their love story go?