Thankyou for our new commenter
Ai_lilibaebaby
CHAPTER XXI
Hindi nga ako nagkamali. Nasa harap na ng ospital si Knox at naghihintay sa akin. Nakasuot siya ng plain black muscle tee na medyo loose sakanya with grey sweatpants at nakacap siya na white. Mukha siyang mag jo-jogging. Nasan yung sasakyan nito
Nagpasalamat muna ako sa driver ko at bumaba ng sasakyan para lumapit sakanya.
Pagbaba ko palang ay nakangiti na siya sa akin at pinagmamasdan ako.
Iba ang suot kong uniform ngayon. Isa yung parang white dress na may kwelyo at manggas. Naka puti rin akong stockings at puting sapatos
"Goodmorning" nakangiting sabi niya sa akin "I remember the first time we saw each other... ganyan ang suot mo" turo niya sa uniform ko
"Ahh, Yung binunggo mo ko?" pang aasar ko sakanya "Goodmorning, Aga mo ah" Sabi ko sakanya
"I'm sorry, Hindi ko naman sinadya yon, Siguro yung tadhana sinadya yon" Banat niya pa ka aga aga e
"You ready? Here" inabot niya sa akin ang paper bag "May Choco coffee diyan, breakfast at pang lunch mo"
"Grabe all in ah" Tinignan ko iyon at sticky note ang unang nakita ko kaya kinuha ko iyon
Crush, Listen to you heart
It says you belong with me : )Good luck, Eat well : )
-KnoxBinasa ko iyon sa harap niya "HAHAHAHA gumaganito ka nanaman ha" kitang kita ko ang hiya sa mukha niya "Thankyou, Knox"
"Always welcome, Ano oras out mo? Sunduin kita, Dinner tayo"
"Naks, 6pm po Chef. Osige na papasok na ko mukhang mag jo-jogging ka pa yata" pang aasar ko sa suot niya
"Good luck, Kumain ka ha" Sabi niya
"Opo" sagot ko. Aalis na sana ako nang masalita ulit siya"Wala akong hug?" tanong niya sakin. Nagulat naman ako don at tinignan ang paligid may onting mga tao na. Nakakahiya
"Wala" pagsusungit kong sagot at kumaway na sakanya para pumasok
Wala talang hindi mahirap at madali sa umpisa. Ang dami kong pagkakamali ngayon. Gusto ko na umiyak
"Mag 4th year na di mo pa rin ma insert ng ayos ang cannula ugat ng pasyente!?" Sabi ng nurse on duty ngayon sa akin
Hindi ako makatingin sakanya. Nakatungo lang ako at pinipigilan ang emosyon
Kaya ko naman. Kinakabahan lang ako dahil ito ang unang pasyenteng hahawakan ko.
Tinanong niya pa kung anong school ako at mas nakakahiya iyon
3 pasyente ang hawak ko ngayon sa ward pero lahat yon ay may palpak akong ginawa
Sa Isang room nag pabalik balik ako dahil may nakakalimutan akong gamit tulad ng oximeter, pang bp at kung ano ano pa. Dapat kase ay nilagay ko na iyon sa bulsa ko
Sa isang room naman ay hindi ko alam kung pano gamitin ang glucometer dahil bagong version iyon. Hindi ako pamilyar. Ang dami pang nakatingin sa akin na relatives sa mga galaw ko. Nang hindi ko talaga mapagtanto ay tinanong ko ito sa relatives kung alam nila kung pano gawin. Sobrang nakakahiya iyon
"Diba ikaw ang nurse? Bakit Hindi mo alam?"
Sa huli ay nalaman ko rin kung pano gamitin iyon nang sarili kong sikap at nakuha ko ang blood sugar count ng pasyente ko
YOU ARE READING
Bullets of Healing (COMPLETED)
RomanceA woman who has a Dream to become a Doctor until she meets a man who is in a family of soldiers. How does their love story go?