Chapter 3: Bonding

322 4 0
                                    

8:33 AM

Nandito kami ni mama sa Sala at nanonood nang tv. At tulad nga nang sinabi ko kahapon doon nga Ako sa k'warto nila mama at papa natulog. Pumagitna Ako sa kanilang dalawa tulad nang ginagawa ko noong bata pa Ako.

Hindi ko lang talaga kayang matulog mag-isa sa k'warto ko sangayon. Hindi parin Kasi talaga Ako nakaka recover sa mga nangyari sa akin kahapon.

"Mhaya, ikuha mo nga Ako nang tubig. Nauuhaw Ako." Utos sa akin ni mama. Agad Naman Akong tumayo Saka nag puntang kusina upang ikuha nang maiinom si mama.

Kinuha ko Ang pitsel sa loob Ng ref Saka nilagyan nang punong tubig Ang basa. Aalis na sana Ako nang biglang bumukas Ang pintuan nang ref.

Napalunok Ako Saka napa tigil. Tinitigan ko muna ito Saka muling isinara ngunit kusa itong bumubukas. Ilang beses ko itong sinasara ngunit pilit parin itong bumubukas nang makaramdam Ako nang taong naka Tayo sa aking likuran.

Mahigpit akong napa hawak sa basong may laman na tubig. Tumingin Ako sa anino ko at kita ko na mas Malaki ito sa akin. Nag simula na muling kumabog nang malakas Ang aking dibdib habang tumutulo Ang aking malalamig na pawis.

"Mhaya?"

Napa hawak Ako sa aking dibdib at napigil Ang aking pag hinga. Nangangatog Kong nilingon si mama Saka ngumiti nang pilit. Tinaasan Naman Niya Ako nang kilay habang may suot na nag tatakang ekspreyon. Umiiling-iling Naman Ako Saka naunang lumabas sa kusina.

Narinig ko Ang pag bubuntong hininga ni mama habang Ako Naman ay naupo sa may sofa at humarap sa tv.

"Mhaya sinabi ko Naman sa'yo Diba? H'wag kang matakot pag nandito ka sa Bahay na'tin?" Ginulo ko Naman Ang aking buhok Saka hinarap si mama.

"Mama Naman ehhh! Pano Ako Hindi matatakot? Kung saan-saan Sila lumalabas!!" Pag r-reklamo ko Kay mama. Umiling Naman ito Saka Ako pinalapit sa kaniya.

Tumayo Naman Ako Mula sa aking pag kakaupo Saka lumapit Kay mama. Pagka lapit ko Kay mama ay hinablot nito Ang aking braso Saka ako niyakap. Agad Naman akong yumakap sa kaniya pabalik habang siya ay hinahagod Ang aking likuran.

"Alam ko na. Mas mabuti pang mag libang nalang Tayong dalawa nang mawala sa isip mo 'yang mga Bagay na 'yan. Mag luto na din Tayo habang Wala Ang papa mo." Suhesyon ni mama. Agad Naman akong sumangayon sa gusto Niya.

Kailangan ko munang mag libang para kahit papa ano ay mawala sa isip ko Ang mga kababalaghang nangyari sa akin.

"Tara mag luto Tayo." Aya ni mama at Saka naunang pumasok sa loob nang kusina na agad ko namang sinundan.

"Marunong kana bang mag luto nang adobo?" Tanong nito habang nag lalabas nang mga kasangkapan. "Hindi papo 'ma. Paturo nga po." Wika ko na tinanguan lang Niya.

Pinag hiwa Ako ni mama nang mga bawang Saka sili. Mas Masarap daw Kasi sa adobo ay 'yung maanghang. Sumunod ay inilagay ko na Ang kawali sa stove at si mama na Ang gumawa nang sumunod na step.

Halos Isang Oras din Kaming nag luto ni mama nang adobo dahil nag kakagulo kami sa kusina. Pero aaminin ko na nag e-enjoy Ako dahil Minsan nalang Kasi kung makapag bonding Kaming mag-ina.

"Oh Ayan, luto na." Kinuha ni mama Ang takip nang kawali Saka tinakpan muna Niya ito. Sumundo ay inaya Naman Ako ni mama sa may bakuran upang mag walis at mag bunot nang mga damo.

Nandito Ako sa may halamanan ni mama at binubunot Ang mga damo nang mapapikit Ako dahil sa sandaling pagka silaw na nanggaling sa Isang salamin. Alam Kong liwanag 'yon galing sa repleksyon nang Isang salamin.

Iginala ko Ang aking paningin sa paligid hanggang sa mapadako Ang aking mga Mata sa aking K'warto. May bintana Kasi ito na matatanaw Ang bakuran Namin.

Sandali akong tumigil sa pag bubunod nang mga damo at Saka tiningala Ang aking k'warto. Isiningkit kopa Ang aking mga Mata dahil medyo na sisilaw Ang sa liwanag nang Araw, Hanggang sa maka Kita Ako nang Isang batang naka tingin din sa akin.

Mabilis Naman akong nag-iwas nang tingin Saka nag madaling bumalik sa aking ginagawa. Pilit ko namang isinasawalang bahala 'yung Nakita ko ngunit parang tumatak na ito sa aking isipan.

Sinubukan ko itong sulyapan at nananatili parin itong naka silip sa bintana nang aking k'warto at pinag mamasdan Ako. Jusko Naman, tanghaling tapat minumulto ninyo Ako!

Matapos Ang aking pag bubunot ay hinakot Kona Ang mga naipon Kong damo Saka ito inilagay sa may Sako. Nasa Loob nang Bahay si mama at siya Ang nag lilinis doon.

Nag presinta na Kasi Ako na Ako na Ang mag lilinis sa bakuran dahil baka kung Ano lang Ang Makita ko doon sa loob kung sakaling Ako lang Ang mag-isang mag lilinis doon.

"Pst!"

Sandali akong napa hinto sa aking ginagawa nang makarinig Ako nang sumisitsit. Hindi ko nalang ito nilingon at pinansin at nag kunwaring walang narinig.

"Psst!"

Sa pag kakataong ito ay mas malakas na Ang pag sitsit Kaya't mas minadali ko Ang aking pag sasako nang mga damo. Hanggang sa nakarinig Ako nang kung Anong mga kaluskos sa may bandang masukal na bahagi Dito malapit sa aming bakuran.

Hindi Kona naiwasan pang lumingon Dito at Isang babae na naka dapa Ang agad na bumungad sa akin. Nabitiwan ko Ang Sako na hawak ko Saka napa atras nang isang hakbang.

Hindi ko inalis Ang aking tingin sa babaeng naka dapa habang dahan-dahan akong umaatras Hanggang sa mag Angat ito nang tingin at gumapang nang mabilis.

"AHHHHH!" Malakas akong napa sigaw at tumakbo papasok sa loob nang Bahay.

Agad Kong hinanap kung saan naroroon si mama. Mabilis Ang kabog nang aking dibdib at pinag papawisan na din Ako nang malamig. Nangangatog Ang aking katawan na para bang kahit na Anong Oras ay bubuhal na Ako.

"Mama?" Pag tawak ko Kay mama ngunit Wala akong narinig na pagsagot muna sa kaniya. Nag punta Ako sa kusina upang tignan kung nandoon siya ngunit Hindi ko siya Nakita hanggang sa mga hakbang na nag mumula sa hagdan Ang sunod na aking narinig.

Dahan-dahan itong bumababa nang hagdan at mabibigat din Ang kaniyang mga pag hakbang. Agad Naman akong bumaling papunta sa k'warto nila mama upang i-check kung nandoon siya.

Pumasok Ako sa loob Saka sinuri Ang bawat sulok nang k'warto nang Isang malakas na pag Sara nang pintuan Ang umalarma sa aking Sistema.

P-patay...

Author's Note:

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now